Kabanata 20 : The New BFF

261 34 7
                                    


Kabanata 20 : The New BFF


Hindi umimik si Elis, ang alam niya kasi patay na ang Mama ni Hades at kinuha ang anak nito ng nakagahasa dito. Hindi nga rin niya alam na may kapatid si Hades. O ang alam pa nga niya, hindi naman talaga nagkaanak ang step cousin ng Mama niya.

Napatingin si Elis kay Hades nakayuko ito habang nagbabalat ng gulay o kung gulay nga ba iyon dahil wala naman siyang alam sa gawaing bahay.

Napatingin naman si Hades kay Elis saka ito napangiti ng makitang nakatingin si Elis sa hinihiwa niya.


"Masarap maging bata at ng kunin ako ni Papa, na-realize ko na masarap ang maging mahirap lalo na kung bata ka. Kasi iyong part na makukuha mo iyong bagay na gusto mo sa maliit na halaga pakiramdam mo langit na.

Noong kinuha kasi ako ni Papa lahat binili niya sa akin, pero ang lahat may kapalit at ang kapalit nun pagkawala ng Mama ko." sabi ni Hades na ikinatingin ni Elis dito pero umiwas ng tingin si Hades kaya hindi nakita ni Elis ang bumadhang reaksyon sa mukha ni Hades ng yumuko ito at pinagpatuloy ang pagbabalat ng gulay.

"Doon ko naunawaan hindi mo mabibili lahat. Lalo na iyong panahon na nag-asawa ang Mama ko sa ibang bansa at nagkaroon ng pamilya. Pakiramdam ko gumuho ang lahat. Iyong part ng buhay ko na hiniling ko kay God na sana mahirap na lang kami basta kasama ko si Mama." sabi ni Hades na ikinalunok ni Elis sa lungkot na bumakas sa boses ni Hades na tila bumalik ito sa pagkabata.

"Elis, huwag kang magpapadala. Ang sabi ng Mama mo ang mga mahihirap ay mada-drama. At naging mahirap ang lalaking kaharap mo kaya alam niya ang kadramahan sa buhay." sabi ni Elis sa isip pero muling nagsalita si Hades.


"Kung papipiliin ako uli o kung pupuwede lang, ang gusto ko nasa baba lang ako. Kasi kapag nasa taas ka mas maraming drama."
sabi ni Hades na ikinakunot noo ni Elis.


"Anong mas maraming drama? Nakikita mo ba at naririnig ang kuwento mo? Noong mahirap ka lumaki ka sa squatter's area, mahirap ang buhay at sigurado dildil asin kayo. Drama iyon di ba?"
sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades.


"Oo, pero masarap magdildil ng asin kapag kasama ko si Mama. Alam mo may part pa nga na habang kumakain kami dalawa pinalayas kami ng may-ari ng bahay. Tinapon iyong gamit namin at mga damit sa labas ng bahay."
sabi ni Hades na ikinalunok ni Elis.


"O, kita mo? Madrama nga."
sabi ni Elis na ginagawang kalmado ang lahat kahit na nagugulat ito sa buhay na naranasan ni Hades at ng Mama nito na dapat tulad niya maganda at maginhawa ang buhay pagkabata ni Hades.

Napangiti si Hades saka ito muling nagsalita.

"Hindi mo masasabing masarap ang buhay kung hindi mo nararanasan ang hirap nito." sabi ni Hades saka ito kinuha ang gabi at hiniwa.

"Hindi rin. Hindi naman porque mayaman walang hirap na naranasan." mahinang sabi ni Elis saka ito napahingang malalim.

"Hindi mo siguro mauunawaan. at naiintindihan ko naman kasi lumaki kang mayaman. Pero ako hindi ko kakalimutan ang mga panahon na naglalakad kami ni Mama na nakapaa lang at halos mamalimos kami. Nasubukan ko pang kumain ng pagpag kasama si Katara at iyon ang part ng buhay ko na.." sabi ni Hades na napahinto.

Napatingin si Elis kay Hades ng huminto ito at hindi nakaligtas dito ang pagkurap ng mga mata nito.

"Katara?" sabi ni Elis na naiusal niya ng hindi sinasadya.

"BFF ko at..... Ex ko." sabi ni Hades na ikinalunok ni Elis ng may madamang kakaiba.

"Balikan mo, mukhang mahal mo pa." biglang sabi ni Elis para matabunan ang kakaibang nadarama niya.

4.3 The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon