Kabanata 27 : Pagbubukas

269 38 22
                                    


Kabanata 27 : Pagbubukas

Kinabukasan

HBN Station


"Isang mapayapang gabi sa lahat, naririto tayo ngayon sa LS Coliseum ang tinaguriang Big Dome ng bansa kung saan gaganapin ang maningning at kauna-unahang Fashion Show na live telecast.

Ito si Eye Hamilton ang maghahatid sa inyo ng isang pulido, pinakamarangya at esklusibong kaganapan ngayon gabi kasama ang mga bigating tao na kinapapanabikan niyong matunghayan." nakangiting sabi ni Eye habang proud at masaya itong nag-uulat sa HBN Station.

..................

El Cielo, La Secretos, N.E

"Grabe, ang ganda ng ginawa ng production niya sa lugar at mukhang hindi tinipid." sabi ni Haco habang nanonood ang magpipinsan.

"Paanong hindi gaganda at bobonggahan, nakuha niya ang mabibigat na pangalan ng negosyo sa bansa. At ang reporter na iyan mautak." sabi ni Umiko.

"Hahaha! Kahit sa politiko lumapit ang reporter na iyan. Biruin niyo pumunta iyan sa opisina ng Partido namin at kinausap si Papa, ang sabi ba naman kailangan niya ng sponsor sa event at ito ay sikretong negosyo pero kung ayaw ng partido magbigay pupunta siya sa kalabang partido." natawang sabi ni Lake.

"Talaga? Tapos?" sabi ni Brook habang nakaupo ang magpipinsan sa pabilog na upuan at ang iba ay nasa mini bar ng El Cielo, ang kilalang lugar sa loob ng La Secretos Bar.

"Tapos? Ayon siyempre hindi pumayag si Papa dahil tiyak gagawing milking cow ng mga politiko ang event at masisira ito, plus ang popularity ng grupo ay mapakikinabangan nila. Kaya ayon nagbigay si Papa ng malaking ambag." sabi ni Lake.

"Hindi lang iyon, ang reporter na iyan ay kinuhang sponsor ang lahat ng negosyo ng grupo at kapag hindi daw pumayag iba ang aalukin niya." sabi ni Raven na ikinatawa ng magpipinsan.

"Hahaha! Hayok talaga kumita." sabi ni Laszlo.

"Hindi lang hayok kumitaa. Ang sabihin niyo pa hapit din pati sumikat. Nakikita niyo ang itsura? Nakasuot ng gown na parang imbitado siya at hindi reporter ng event." sabi ni Raven na ikinatawa muli ng grupo dahil si Eye mamahaling gown pa ang suot at sopistikada itong tingnan na tila hindi naman ito reporter ng event.

"Hahaha! Nautakan niya si Hades dahil kay Sam kaya wala na tayong magagawa dahil kailangan umupo ni Hades at maipakilala sa lahat bilang bagong may-ari ng NLC habang nasa mood pa si Elis." sabi ni Camilo.

"Ha? Anong ibig mong sabihin ng nasa mood?" sabi ni Viggo.

"Mga insan, si Hades iyan na parang si Uno na kailangan pakalmahin ang babae para makaungos." sabi ni Camilo.


"Uyyy! Narinig ko na naman ang pangalan. Nananahimik ako dito."
sabi ni Uno habanga nakadungaw ito sa balcony ng El Cielo at pinagmamasdan ang kagandahan ng lugar.

"Oo sa katahimikan mo nakasulot ka." sabi ni Otto na ikinatawa ng lahat.

"Hahaha! Hindi malimutan." sabi ni Uno.

"Tsss." inis na sabi ni Otto.

"Hayaan mo iyan may araw din yan sa atin." bulong ni Ezio kay Otto.

"Guys, hindi pa ba tayo pupunta? Marami ng bisita sa venue naroroon na rin sila lolo Orion." sabi ni Astraea ng umakyat ito ng El Cielo.

Napatingin ang lahat kay Astraea at sabay-sabay napakunot ang noo.

4.3 The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon