Kabanata 37 : Pagtanggap

302 52 22
                                    

Kabanata 37 : Pagtanggap

Blazing Resto, Blaze Hotel


"Mama dito po tayo." sabi ni Hestia ng piliin nito ang upuan sa pinakasulok ng resto.

"Okay sige, maganda ang napili mong puwesto. Gusto ko rin sa sulok kasi sumasakit ulo ko kapag umiikot ang mga ingay." sabi ni Shimmer sa anak.

Napatingin si Hestia sa ina, bata pa naman ang edad nito pero hindi tulad ng iba sa mga kaibigan nito na nasa grupo nila at asawa din ng kagrupong ng asawa nitong si Heaven, mahina na ang katawan ng Mama niya siguro marahil dahil sa mga dinanas nitong mga hirap dati. Isama pa na nagtrabaho ito sa ibang bansa na kung susumahin doble ang kayod ng mga empleyado roon kaysa sa Pinas dahil sa taas ng cost of living. At siyempre, may sakit ang daddy niya noon kaya ang mommy din niya ang tila bumubuhay sa kanila.

"Mama, magpahinga ka muna dito sa Hotel at kapag nakauwi si Aj sasamahan namin kayo ni Papa pabalik ng N.E." sabi ni Hestia na ikinangiti ni Shimmer.


"Akala ko ba babalik kayo ng Heather Island dahil kay Laurent?"
sabi ni Shimmer.


"Mauunawaan naman ni Laurent at saka nandoon sila tita Aira."
sabi ni Hestia na ikinangiti ni Shimmer dahil hanggang ngayon sila AJ at Hestia ang kinikilalang magulang ni Laurent ng lahat. Lihim kasi sa lahat na buhay ang tunay na mga magulang ni Laurent na sila Shadow at Adira na kasama nito ngayon sa ibang kaanyuan.

"Pero baka magkaroon ng pagrerebelde ang batang iyon dahil sabi ng Tito Heaven mo madalas bullyhin si Laurent sa school dahil wala daw maipakitang magulang." sabi ni Shimmer.

"Mama, matalino si Laurent at ang totoo pinagtatawanan lang niya ang bagay na iyan. Alam niya kung sino siya at alam din niya na mas blessed siya kaysa sa iba. Hindi niya kailangan ipangalandakan kung sino ang magulang niya o kung saan siya nagmula dahil ang taong kilala ang sarili nila kahit anong ibato dito hindi siya masasaktan sa mga patama ng iba." sabi ni Hestia.

Napatingin si Shimmer, otso anyos pa lamang ng mahiwalay sa kanya si Hestia at sa nakikita niya lumaki itong matapang at malakas, siguro dahil na rin na hindi ito iniwan ni AJ na tulad ni Hestia naghanap ng pupuno sa kakulangan nito na nahanap ng dalawa sa isa't isa. Kaya naman nababakas kay Hestia na panatag ito sa pagmamahal na ibinibigay ni AJ kahit na nga ba alam niya na alam ng anak niya ang mga babaeng lumalapit kay AJ na para kay Hestia tanggap nito ang pangangailangan ng isang lalaki na hindi nito maibibigay dati.

"Sabagay, dalawa ang magulang niya at napakasuwerte nga niya hindi tulad ng iba na wala ng magulang." sabi ni Shimmer na nakaramdam ng lungkot ng maalala ang sarili niyang mga magulang.

Hinawakan ni Hestia ang kamay ng ina saka ito napangiti.

"Masaya ako Mama kasi nandiyan ka pa, kaya huwag kang mawawala ng maaga dahil mamimiss kita." sabi ni Hestia na ikinangiti ni Shimmer.

"Hindi ako mawawala ng maaga bunso. Nandito lang si Mama kahit anong oras para sayo." sabi ni Shimmer na ikinangiti ni Hestia.

...............

Mula naman sa malayo namataan ni Elis ang mag-ina na ikinakunot noo niya dahil wala si Aj.

"Asar! Nasaan ang lalaking iyon, sa kanya ko ibibigay ang anak namin." sabi ni Elis ng hindi makita si AJ.

Napatingin si Elis kay Airess saka ito napangiti

"Kailangan mo pumuwetso pero siyempre kailangan mo sumama sa ama mo, para sure ball na in ka." sabi ni Elis sa sanggol.

4.3 The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon