Chapter 3

139 3 0
                                    

Chapter 3

"Tulungan nyo ako!" Ang sigaw ni Richard habang tumatakbo papalapit sa mga nakita niyang mga tao na bumaba mula sa itim na pick-up.
Bakas sa mukha ni Richard ang takot kaya wala na siyang pakialam kung sino ang mga ito. Nasa tapat na siya ng pick-truck na nakatigil sa gitna ng daan nang biglang....

"Dapa!" Dahil sa taranta at takot ay sumunod siya bigla dahil nakakita siya ng baril.

Bang! Tumingin siya sa likod niya at nakita niya si vien na-unti unting nagiging abo at kumalat sa daan. Hindi siya makapaniwala na parehas nung lalaking muntik nang pumatay sa kanya ang type niya na bebot. Tumingin siya sa lalaking may hawak na shotgun at nakita niya ang lalaking tumulong sa kanya kanina sa eskinita.

"Francisco ! Bumubula ng malakas ang bote" ang sabi ni Berto.at napansin agad ni Francisco na may mga kung ano siyang nakikita sa paligid nila alam niya na marami iyon at delikado Kaya dali-dali ay dinampot na si richard ni Francisco at tinulugan itong makatayo at pinasakay sa truck.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang makita ko ang lalaki sa harapan ko na may hawak na shotgun at umuusok pa. Nagulat ako dahil si Manong Pagi ulit ito, pangalawang beses na niya akong naligtas sa gabi na ito sa mga buwisit na nilalang na yun. Yung akala mo na langit naging isang masamang panaginip dahil sa loob ng isang gabi gusto akong gawing midnight snack ng mga yun. Ganun ba talaga ako ka-yummy.

"Francisco ! Bumubula ng malakas ang bote" ang sabi ng kasama ni Manong Pagi,tumingin ako at nakita ko na parang natakot siya dahil may kung ano siyang nakikita. Bigla na lang ay dinampot ako ni Manong Pagi para tulungang tumayo at sinakay ako sa truck nila. Pagkasakay ng dalawa ay pinatakbo na ng mabilis ang truck.
Marami pa ring tanong sa isip ko ang hindi pa nasasagot simula kanina na muntik na akong madedo.

"Bilisan mo at may humahabol na sa likod natin" ang sabi ni manong pagi sa kasama niya na nagmamaneho nitong truck. Tumingin ako sa likuran at nakita ko na may humahabol sa amin na katulad ni vien, nasa apat ito at mabilis na papalapit sa amin.

"Ka-grupo ata nila yung pinatay mo francisco " ang sabi ni manong na nagmamaneho. Tumingin si Manong pagi sa akin dahil nasa back seat ako.
"Ang swerte mo ata ngayong gabi iho at dalawang beses ka nang naka-jackpot sa mga yan" ang sabi ni Manong pagi sabay tawa. Putya nakakatawa pa ang matandang ito kahit may humahabol sa amin na mga halimaw. Sa mga oras na iyon ay may naalala ako na pero di malinaw sa isip ko para bang nakita ko si Manong Pagi dati pa maliban kanina.

"Berto dala mo ba yung bago mong gawang granada?" -Manong Pagi,

"Oo naman, bakit ?" -Manong na nagmamaneho.

"Oras na para subukan kung gagana yang gawa mo" ang sabi ni Manong Pagi sabay tawa. Anak kabayo chill na chill pa siya samantala ako dito pinagpapawisan na ng matindi at nanginginig ang mga tuhod. Binuksan niya ang bintana at tinanggal ang safety pin at handle ng granada sabay hagis sa likuran namin.
Sumabog ang granda sakto pagdaan ng mga halimaw na iyon. Naging abo agad sila kaya nawala na ang takot dahil wala nang humahabol sa amin.

"Epektib nga gawa mo ako ng isang dosena nyan ha" ang sabi ni Manong Pagi sabay labas ng isang kaha ng sigarilyo at kumuha ng isa.

"Gusto mo ???" Ang alok niya sa akin.

"Salamat na lang po, pero hindi ako naninigarilyo" -Ako, sabay ngiti.

"Ganun sige, " -Manong Pagi, sabay sinindihan na niya ang sigarilyo niya. "Iho totoo bang pangalawang beses ka nang muntik mamatay sa mga iyon?" Ang tanong ni Manong na nagmamaneho.

"Opo, ewan ko nga po kung anong meron sa akin at ako ang trip nilang gawing midnight snack" - ako.

"Hahahaha! Tinamaan ka pala ng lintek " pinagtatawanan ba nila ako? Muntik na akong mamatay dun tapos tatawanan pa nila ako.

"Mawalang galang na po sa inyong dalawa, muntik na akong mamatay ngayong gabi tapos tatawanan nyo lang ako!" -Ako, nanginginig ang nakakuyom kong mga kamao.
"Easy lang bata, namatay ka ba?" Ang sagot ni Manong Pagi.

"Hmmmm hindi " -ako, oo nga noh hindi ako namatay.

"Pero kahit na!" - Ako.

"Mga kabataan talaga, kahit kelan laging tensyonado hindi maging kalmado. Iho kalma lang pasalamat ka buhay ka pa at nandyan parang babae na iniwan ng kasintahan" -Manong Pagi.

"Kalmado! Eh mamatay ka na magiging kalmado ka pa ba sa ganung sitwasyon! Hinahabol ka nang mga buwisit na halimaw" - Ako.

Bigla ay tumigil kami sa isang motel. Lumabas na ang dalawa sa sasakyan sabay sumilip si Manong Pagi at sinabi....

"Bababa ka ba o mag-iinarte ka dyan na parang babae?" Kaya bumaba na ako sa truck at sumunod sa kanila papasok sa motel. Umakyat kami sa second floor at pumasok sa isang kuwarto na may dalawang kama at isang C.R. nagtanggal na ng jacket si Manong Pagi binuksan ang isang maliit na ref.

"Iho umupo ka muna dito at gagamutin natin yang sugat mo" ang sabi Manong na nagmamaneho. Kaya umupo na ako ang sakit ng sugat ko at grabe kadiri. Binuksan niya ang first aid kita niya at kumuha na ng antiseptic at bulak, inumpisahan na niyang gamutin ang sugat ko

"Iho, Anong pangalan mo???" Ang tanong ni Manong Pagi habang umiinom ng beer na nasa lata sabay higa sa kama chill lang talaga siya.

"Richard, Richard Cortes. Aray!" -ako. Napatingin ako sa braso ko at ngumiti ang mabuting matanda. "Pasensya " ang sabi niya sabay ngiti.

"Ah, Richard. Ako Si Francisco Lopez at yang gumagamot sa sugat mo siya si Alberto Salazar " - ang sabi ni Manong Pagi.

"Pwede mo kaming tawaging kiko at berto " - ang sabi ni Manong Berto. Habang ginagamot pa rin ang sugat ko sa braso.

"Ano po ba yung mga nilalang na muntik nang pumatay sa akin?" -ako, alam ko alam nila kung ano ang nilalang sa dilim na iyon dahil may mga gamit silang pangpatay nito.

"Aswang" ang sagot ni Manong Kiko sabay inom ulit ng beer.

"Huh! Aswang! Akala ko kuwentong probinsya lang sila at urban legends" -ako,

"Nakakita ka na ngayong gabi dalawang beses pa, muntik ka pang kainin " -Manong Berto. Kumuha na siya ng benda at nilalagay na sa sugat ko.

"Totoo pala sila , akala ko hindi totoo yung kinukuwento ng matandang kapitbahay namin na nakakita siya noon sa bubong ng bahay sa lugar namin" -Ako.

"Ngayon alam mo na may mga nilalang sa dilim na kahit anong oras ay pwede kang patayin, napansin ko yung pinatay kong aswang na humahabol sayo ay ang kasama mong babae kanina sa eskinita" - Manong kiko.

"Opo! Paano nyo po nalaman kahit nagbago na ang itsura nya?" -ako, aba matinde tong matanda na ito ha.

"Dahil nung umpisa pa lang ay duda na ako sa kanya nung nakita ko kayo nang tumalsik ako," -Manong kiko

"Oh, ayan ayos na ang sugat mo iho. Umalis ka na lang dito kapag araw na" -Manong berto.

"Sige po salamat " -Ako.

"Walang anuman"-Manong Berto sabay ngumiti sa akin.

"Ahhmmm, Manong berto ano po ba kayong dalawa?" - ako.

"Mga Aswang hunters kami, ang trabaho namin ay ubusin sila dahil pumapatay sila ng tao" -Manong Kiko
Sabay may kinuha siyang isang malaking bag at nilgay sa ibabaw ng kama. Pagkabukas niya ay tumambad ang mga panlaban sa mga aswang, may kinuha si Manong Kiko na bote na may halaman at langis sa loob. Nakita ko na ito kanina gamit ito nila sabay inabot sa akin.

"Oh, iho kunin mo" - Manong kiko

"Para saan po ito?" - Ako

"Kapag bumula ang nasa loob nyan ibig sabihin ay may aswang sa malapit ang laman nyan ay lana" -Manong kiko

"Ah, salamat po " - Ako

"At iho magdala ka lagi ng asin,suka,bawang o dayap pangontra sa mga aswang yun" - Manong berto

"Sige po, tatandaan ko yan " - ako,
Buong akala ko pantakot lang ang kuwento ng aswang nagkakamali pala ako dun dahil totoo sila at muntik na akong patayin.

End this chapter

Vote!

Share!

Comment!

The Aswang HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon