Chapter 7
"Kuya alis na ako " ang paalam ko kay kuya Richard. Nakahiga lang siya sa sofa at nanonood ng DVD. Mukhang pagod na pagod ang kapatid ko , sabagay lagi naman siyang pagod kapag galing sa trabaho niya.
"Sige, ingat ka nene " -Kuya Richard, habang busy sa panonood. At umalis na ako para pumasok sa eskuwela. Habang naglalakad papunta sa terminal ay biglang naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng palda ko. Pagtingin ko .......
"Babes, nasan ka na? d2 na ako sa plaza " ang text ni Patrick sa akin. Shooossshhhh! Quiet lang ha siya ang boyfriend ko, pinagbabawalan pa kasi ako ni Kuya mag boyfriend ewan ko ba sa kanya ang kj niya. Ang lagi niyang sinasabi sa akin ay hindi siya magpapakapagod magtrabaho para lang maging syota ng kung sino. Pero samantala siya babaero pero love ko ang kuya ko na yun.
Dahil siya na ang tumayong nanay,tatay,at kapatid sa akin simula nang mamatay ang mama namin 5 years ago. Pero naguguilty ako sa ginagawa ko dahil hindi niya alam na may boyfriend ako."Otw na ako, nasa terminal na aq. Wait mo ako " ang reply ko kay patrick. Pagkatapos kong magbayad ay sumakay na ako sa jeep. Kung hindi lang talaga kailangan ang summer class hindi ako mag-eenroll nito eh, imbes na ayahay ang buhay ko eto pumapasok . ang init init ng panahon tapos may pasok ka ang hirap kaya kapag oras ng siyesta nakaka-antok. Makalipas ang ilang minuto ay napuno na ang jeep at umalis na. Habang umaandar ang jeep ay tahimik lang ang lahat ng pasahero, nakita ko sa tapat ko may nanay at dalawang anak, isang lalaki samantala ang isa naman ay babae. Mas matanda yung batang lalaki dahil kuya ang tawag sa kanya ng nanay nila.
Naalala ko tuloy ang mama namin ganito kami dati, yung tipong nakakandong ako sa mama ko samantala si kuya ay naka-upo sa tabi namin. At sama-sama kaming magsisimba at kakain sa labas. Dati iniisip ko kung bakit wala kaming tatay na kinagisnan ni kuya kaya isang araw ay tinanong ko yun sa mama namin. Pero ang sinabi lang niya sa amin ay iniwan daw kami ng tatay namin dahil may iba na daw na pamilya. Pero tingin ko hindi yun ang dahilan may iba pa. Kahit kelan ay hindi pa namin nakita ni kuya Richard ang mukha ng papa namin kahit sa picture man lang. Tinanong ko na rin ang pangalan ng papa namin pero hindi ito sinabi ng mama namin hanggang sa namatay siya dahil sa cancer.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang jeep na sinasakyan ko sa destinasyon nito.
Kaya naglakad na ako papunta sa plaza para sabay na kaming pumasok ni patrick. Classmate ko kasi siya sa summer class dahil advance subjects ito, Math major siya samantala ako ay english major. Nakita ko siyang nag-aantay habang may hawak na foldable umbrella."Bakit ang tagal mo?" -Patrick habang nakatingin sa akin na parang sinasabi na kanina pa ako dito nag-aantay.
"inantay ko pa kasi si kuya umuwi at pinagluto ko pa kasi siya ng almusal niya " - ako,
"Ah, ganun ba. Tara baka ma-late pa tayo " - patrick, nagtatampo ito kasi nitong nakakaraan hindi ko siya masyado napapansin.
"Pasensya na , kasi kaming dalawa na lang ni kuya magkapamilya kaya kailangan naming alagaan ang isa't-isa, tsaka hindi marunong yun magluto" - ako, sabay hawak sa kamay niya."Oo na, naiintindihan ko naman babes eh " ang sabi niya sabay ngiti sa akin. Kaya naglakad na kami papunta sa terminal ng tricycle papunta sa school namin. Habang naglalakad ay bigla na lang may nakabanggaan ako na isang babae mga nasa 30-35 ang edad niya .
"Ay! Pasensya po ate" - ako, sabay abot ng kamay ko para tulungan ang babae dahil tumumba siya at nagkalat ang dala niyang mga prutas. Hinawakan na niya ang kamay ko, paghawak niya ay parang may iba akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag at tinulungan ko na siyang tumayo. At pinulot na ni Patrick ang mga prutas at nilagay sa supot na nilalagyan nito. Hindi pa bumibitaw ang babae sa kamay ko kaya....
BINABASA MO ANG
The Aswang Hunter
ActionMga aswang magtago na kayo nandito na ang uubos sa inyo! -Aswang Hunter This story is inspired by: movies,TV serires,Novels,Comics etc. this story contains badwords,sexuality etc. This the second story na masasama sa League of Heroes sa Heroes Uni...