Chapter 8

131 2 5
                                    

Chapter 8

Grabe ang init dito sa kuwarto, pinagpapawisan ako kaya tumayo na ako sa kama, tumingin ako sa bintana at padilim na pala. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako kinuha ko yung bag ko para kunin yung binigay sa akin ni Mang berto na bote. At nilagay ko ito sa babaw ng lamesita sa gitna ng sala namin.

"Anong oras na ba?" Sabay tumingin ako sa orasan namin sa kusina. Past 6 pm na pala , bakit kaya wala pa si Rhina? Ang alam ko hanggang 3pm lang ang klase nila. Sabagay hindi naman masama mag-relax minsan , kumain sa labas with friends. Binuksan ko ang ref namin para humanap ng maiinom na gigising sa akin.

"Oo nga pala nasa bahay ako " tanging tubig at tirang royal ang laman ng ref namin, wala kahit beer man lang. Pinagagalitan kasi ako ni Rhina tuwing may nakikita siyang beer dito sa ref, ewan ko ba dun sa kapatid ko na yun. Ito na nga lang tirang royal ang iinumin ko, nilagay ko sa ibabaw ng lamesita ang isang baso at ang 1.5 liters na bote ng Royal, buti wala pa sa kalahati ang bawas nito. Lumabas ako saglit para bumili ng ihaw-ihaw sa kanto.

"Pre, Sampung isaw nga , limang beta, at tatlong Tenga " - ako,

"Oh, Chard kaw pala yan . yun lang ba?" Ang sagot ni Seph. Siya si Seph kababata ko yan naging magkaklase kami simula grade 2 nung lumipat kami dito sa antipolo.

"Oo, pre. Maanghang yung suka ha " - Ako, sabay ngiti sa kanya.

"Oo naman, kamusta pala trabaho pre?" -Seph, sabay salang sa ihawan ng mga inorder ko.

"Ayos naman pre, ayun nakakapagod" - ako.

"Oh upo ka muna pre, medyo matagal to " ang sabi ni seph sabay tingin sa isang upuang kahoy na ginawa lang.

"Sige, " kaya umupo na ako dahil ang dami kong binibili.

"Pre, gusto mo ng balot o penoy? Mayroon ako dyan sa basket " - seph .

"Hindi mo agad sinabi , magkano isa ?"

"Trese isa , may pulang marka yung balot , tapos itim na marka naman yung penoy " -Seph

"Wala kang supsupin?" - Ako

"Wala eh, wag ka mag-alala magbebenta ako nun para sayo pre " - Seph.

"Kumuha ako ng dalawang balot " - ako, sabay untog ng balot sa bangko na kinauupuan ko.
Pagkabukas ng bandang itaas ng itlog ay hinigop ko na yung sabaw.

"Pre, namiss ko yung balot " - ako,

"May asin ako dyan char----- di ko na siya pinatapos at nilabas ko ang dala kong asin sa bulsa.

"Ayos ha, ready boy scout lang " - seph , tinawanan ko lang siya. Di ko makuwento sa kanya na muntik na akong kainin ng mga aswang, buti na ang ready dahil nadala na ako. Sabagay dual purpose ang pagdadala ko ng asin, una pang laban sa aswang pangalawa para sa balot,penoy,supsupin hehehe .

"Wag mo sabihin may bawang ka dyan sa bulsa mo pre hahaha " tang-inang seph yan marunong ba itong magbasa ng nasa isip ? Putya may dala nga akong bawang sa bulsa. Alam ko di naman aswang itong mokong na ito.

"Pre, nandyan na utol mo may kasama " - Seph
Kaya napatayo ako sa kinauupuan ko dahil nakita ko may kasama siyang lalaki, alam ko yung ganyang galawan boyfriend nya yan.
Kaya lumapit ako agad sa kapatid ko. " pre yung inorder mo!"

"Rhina!" - ang tawag ko habang naglalakad papalapit sa kanila.

"Kuya!" Ang reaksyon ni Rhina,halata sa kanya na nagulat siya dahil nakita ko siya at ang kanyang kasama na lalaki sabay bitaw sa kamay ng lalaki na kasama niya.

"Halika dito !" -ako, sabay hablot ng braso ni Rhina. Sabay tinignan ko nang masama yung lalaki.

"Teka kuya! " - Rhina

"Sandali lang po magpapaliwanag ako " ang sabi ng lalaki.

"Umalis ka na dito bago kita upakan dyan!" -ako, aba lintek ang lalaking ito gusto atang masaktan.

"Kuya tama na! Umuwi na tayo sa bahay" - Rhina, inaawat na ako ng kapatid ko. Inalis ko yung braso ni Rhina sa akin at naglakad na pauwi ng bahay namin. Hindi ako makapaniwala na magagawa ng kapatid ko na sirain ang tiwalang binigay ko sa kanya.

"Pauwiin mo na yang tao na yan baka di ko matansya yan at maupakan ko yan !!" - Ako, pinagtitinginan na pala kami ng lahat wala akong paki sa kanila mga hinayupak sila lalo na yung mga tomador sa tindahan. Tumingin ako sa likuran ko para tignan kung umalis na lalaki na iyon.

"Aba naman! Ang tigas ng mukha di pa umaalis!" Kaya lumapit na ako dahil di ko na mapigil ang sarili kong upakan ang lalaki na iyon. Sinuntok ko agad ang gago tumba sa semento . tatadyakan ko sana kaso inawat na ako ni Rhina, bigla na lang ay umawat na rin si seph at iniwan muna ang ihawan niya.

"Pre, tama na! Baka di na yan umuwi ng buhay" -seph

"Tama na kuya! "- Rhina

"Anong tama na?!!! , sinira mo ang tiwala ko sayo !" - ako ,

"Sorry kuya" umiiyak na si Rhina at humihikbi.

"Pre, dun nyo na sa bahay pag-usapan yan pinagtitinginan na kayo dito" - seph. Tama si seph kahit labag sa loob ko ay naglakad na ako pabalik sa bahay.
.
.
.
.
.
.
.
.
Samantala ang mga pinadala ni Nilo na mga tauhan ay patuloy sa pagtunton sa kinaroroonan ni Richard. Tinatahak ng mga aswang ang isang daan at may parang inaamoy sa hangin, Tumingin sa paligid si Gardo dahil madilim na ang paligid ay kampante na si Gardo dahil pwede na silang magbago ng anyo.
"Tingin ko malapit na tayo sa kinaroroonan ng pinapahanap sa atin " - Gardo, at hinanap na ulit nila si Richard.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Lintek!" - berto
Nagulat si Berto dahil I.D pala iyon ni Richard.

"Aswang yung nakabanggaan ko kanina " - berto

"Paano nasabi berto?" - Francisco

"Kasi iba ang kilos nung lalaki, at nakatingin lang ito sa paanan ko. Di man lang tumingin ng diretso sa akin" -berto

"Humanda ka na dyan at hahanapin na natin ang bata dahil sa mga oras na ito hinahanap na siya ng mga aswang, ang tingin ko nahulog nya yan at nakita ng mga yun. At tingin nila ay may kinalaman ang bata sa pagkamatay ng mga ka-uri nila " - Francisco, sabay tayo at binitbit na ang bag ng mga panlaban nila sa aswang.
.
.
.
.
.
.
.
"Buti na lang naawat ni kuya seph si kuya richard ko nako kung hindi manghihirap ka ng panga sa baboy" - Ako, at inalalayan kong tumayo si Patrick. Grabe ang lakas ng suntok ni kuya dahil tumumba agad si patrick at hirap tumayo.

"Kaya ko na babe " - patrick, sabay ngiti.

"Sabi ko naman sayo eh, di pa magandang timing para sabihin kay kuya ang relasyon natin eh. Tignan mo nakita tayo agad at nasuntok ka tuloy" - ako, bigla na lang ay tumulong si kuya seph na buhatin si Patrick.

"Tara dalin natin sa bahay nyo itong boyfriend mo" ang sabi ni kuya seph .

"Huh! Seryoso ka ba ?! Nakita mo ngang sinuntok siya ni kuya tapos dadalin natin sa bahay ?!" - ako

"Saan mo gustong dalin yan sa ospital? Wala kang pampa-ospital nyan " - kuya seph, sabagay tama siya.

"Wag mag-alala ako bahala sa utol mo " ang dagdag pa ni kuya seph sabay ngiti. At inalalayan na namin si patrick papunta sa bahay namin.

"Grabe talaga tong kuya mo, ang lakas manuntok wala sa itsura na kayang bumasag ng mukha sa isang suntok lang" - kuya seph.

End of this chapter

Vote!

Share !

Comment!

Sensya kung matagal yung update ng story na ito. Wala kasi ako sa mood nung nakakaraan, nakakatamad gumawa kasi mahirap gumawa ng story na di naaappreciate ng iba. Well ganun talaga ,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Aswang HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon