Chapter 2
Naglalakad na papalayo ang lalaking nagligtas kay Richard sa eskinita sinigurado muna niya na nakalayo na ang dalawa bago siya umalis. Bigla na lang ay nakarinig siya ng tunog na tikkkkkk......tikkkkkkk....
Kaya nilabas na niya ang revolver at buntot-Pagi na nakaikot sa bewang niya."Alam ko nandyan lang kayong mga hinayupak kayo!" Ang wika ni manong Pagi. At may lumabas na kung ano sa harapan niya at sa likod napagitnaan siya. "Ikaw pala ang pumapatay sa amin matanda ka wala naman kaming ginagawa sayo!" Ang sabi ng nasa unahan ni Manong Pagi base sa boses ay lalaki ito dahil malaki at malalim ang boses.
"Patayin na natin ang matanda na ito laman tiyan din ito kahit makunat na ang laman niya" ang sabi naman ng nasa likod ni manong Pagi, babae naman ang nasa likod niya dahil medyo malambing at maliit ang boses.
"Alam nyo maligo nga kayong dalawa ang baho nyo eh amoy naaagnas na katawan ng hayop eh " -Manong Pagi.
Nagpakita na ang dalawa kay Manong pagi ang nasa likuran niya ay isang babae na nasa 40 na ang edad at mataba kulot ang buhok. Samantala ang nasa unahan naman ay isang lalaki na mataba din parehas halos ng edad ng nasa likuran. At pula ang mga nila."Alam mo bang yung pinatay mo kanina ay anak namin " ang sabi ng lalaking nasa unahan.
"Hindi, wala akong pakialam " -Manong Pagi .
"Alam mo bang ang hirap magpalaki ng anak tapos papatayin lang ng sino hindi ako papayag na matatapos ang gabing ito nang hindi ka mamatay !" Ang sabi ng lalaking nasa unahan at nagbago na ito ng anyo parehas nang pinatay ni Manong pagi para iligtas ang binata sa eskinita. Pati na rin ang babae sa likod niya ay nagbago na rin ang itsura . "ikaw na mauna mahal ko!" Ang sabi ng lalaki sa unahan.
Sumugod na ang babae at dinamba si Manong Pagi sa likod natumba si Manong Pagi sa lupa. Nasa ibabaw na ni Manong Pagi ang babaeng ibang nilalang,kakagatin na sana si Manong Pagi nang bigla na lang ay binaril niya ang ulo ng babae at talsik ito kaya nakatayo na si Manong Pagi.
"Mga kadiri kayo tang-ina!" Ang sigaw ni Manong pagi sabay hataw ng buntot-Pagi sa babae nahiwa ang katawan nito at naging abo na may baga. Sabay lingon si Manong sa lalaki, bakas na sa mukha nito ang takot kaya tatakbo na sana ang mokong pero nalatigo at naputol na ang ulo niya at naging abo na ito.
"Walang kuwenta! Mga buwisit kayo!" Ang sabi ni Manong Pagi. Bakas sa tono ng boses niya ang galit na hindi maipaliwanag. Naglakad na siya palabas sa eskinita humangin bigla parang may ibang naramdaman si Manong Pagi kaya sabay hugot ng baril niya at tututok sa kaliwang gilid niya.
"Teka! Pare ako ito!" Ang sabi ng isang lalaki na naka-t shirt na itim may cap at maong pants magkasing edad lang sila ni Manong Pagi dahil base sa itsura nila. Si manong pagi ay may mahaba na buhok na puti pati ang bigote at Balbas. Samantala yung isa ay may bigote at balbas pero hindi puti at clean cut siya. May katangkaran si Manong pagi at medyo malaki ang katawan niya di tulad nung isa na katamtaman lang ang tangkad at laki ng katawan.
"Sasusunod wag kang susulpot ng ganun Berto baka mabaril na kita" -Manong Pagi.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ano ba yung nangyari kanina? Nanaginip lang ba ako..... Aray hindi ako nanaginip totoo nga na muntik na akong mamatay kanina sa weird na yun."Oh, Richard uminom ka muna " ang sabi ni Vien sabay abot ng baso ng tubig.
"Salamat" - Ako. Nagpunta kami sa inuupahang apartment ni Vien dahil galing siya sa probinsya at nagtatrabaho lang siya dito sa maynila para matulungan ang pamilya niya sa probinsya.
"Ayos ka lang ba? Richard kasi kanina nung biglang may humatak sayo natakot ako" ang sabi ni Vien sabay yakap sa akin. Mabuti na rin pala na nangyari yun dahil mas nagiging malapit na si vien sa akin. Kaming dalawa lang ni Vien dito sa apartment niya hehehe alam na this Rock N Roll na! Naka-suot siya ng puting sando at shorts, kitang-kita ang hubog ng katawan niya at ang kanyang futute you know what i'm saying hehehe.
"Alam mo richard nabitin ako kanina sayo , gusto ko tikman ka na alam mo bang tuwing nakikita kita na-tuturn on ako sayo " ang sabi sa akin ni Vien habang malapit sa tenga ko ang bibig niya. Para bang nang-aakit ang boses niya, sabay umibabaw siya sa akin habang naka-upo at hinalikan na ako. Syempre alam na gusto ko rin ko eh.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nasa loob ng isang itim na pick-up truck sila Manong pagi at ang kasama niya na si Berto kung tawagin ni manong. Binabagtas nila ang isang daan sa lungsod ng Antipolo walang katao-tao sa paligid may dumaan mang tricycle sa mga daanan pa-isa isa lang kaya pwede kang magmabilis ng takbo."Francisco yung naka-sagupa nating mga Aswang kanina sa Pasig tauhan lang may mas mataas pa sa kanila" ang sabi ni Berto habang nagmamaneho.
"Ahhhh, kaya pala tayo nandito dahil dito na natin makikita ang pinuno nila " -Francisco, sabay tingin sa isang maliit na bote may laman itong kung anong halaman at may langis sa loob. Bumula ito sabay.....
"Tigil mo!" Ang sigaw ni Francisco kaya nagulat si berto at tinapakan agad ang preno at tumigil ang sasakyan.
"Ano ba yun?!" -berto, sabay tinapat ni Francisco ang bote na may halaman na kung ano at langis sa mukha ni berto. Bigla na lang ay may nakita silang lalaki na tumatakbo para bang hinahabol siya ng kung ano kaya lumabas ang dalawa na may dalang shotgun at buntot-Pagi.
"Tulungan nyo ako!"
.
.
.
.
.
.
.
.
Grabe ang sarap talaga ni Vien shet! Binubuksan na niya ang mga botones ng suot kong long sleeves. At hinalikan na niya ako sa leeg habang busy siya sa pagtatanggal ng long sleeves ko. Nagtanggal na siya ng sando at tanging bra na lang suot niya sa pangtaas. Lalo na tuloy akong nananabik sa ginagawa niya. Kaya hinalikan ko na siya sa leeg niya baba."Hmmmmmm, ang sarap mo talaga richard.... " -Vien
"Hahaha, ganun ba kaya di ka na makapagpigil sa akin " - ako, hanggang sa unti-unti ko nang natatagal ang strap nang bigla na lang ay bumulo siya sa akin ....
"Oo hindi na ako makapagpigil na kainin ang laman loob mo...." Ang sabi ni Vien, bigla akong kinilabutan sabay talon siya palayo sa akin at naka-crawling position.
Naalala ko bigla yung nangyari kanina wag mong sabihing katulad niya si Vien."Richard Cortes alam mo bang unang beses pa lang kitang nakita ay naglaway na ako sayo , hahaha " ang sabi ni Vien. Nanlilisik na ang mga mata niya at parehas ng lalaki kanina kulay pula ang itim na part ng mata. Tang-ina kay gandang babae niya naloko niya ako dun.
"Mukhang makakatikim na ako ng karne at dugo ng isang maharlika " -Vien, at nagbago na ang itsura niya parehas na ng lalaki kanina na humatak sa akin. Sabay talon sa akin pero natadyakan ko siya sa ere nang tumalon siya kaya tumilapon siya sa LCD television niya. Naamoy ko na naman ang amoy na mabaho yung amoy ng naagnas na katawan ng hayop o tao papalabas na sana ako sa pinto pero bigla akong nakalmot sa braso ko at tumalsik ako sa isang cabinet.
"Hindi ka na makakatakas pa !" Ang sabi ni vien at ngumiti kita ang mga matatalas niyang ngipin. Dadambahin na niya ako ng bigla hatawin ko siya ng bote sa ulo. Taob siya at sumisigaw nakita ko na lang ay umuusok siya kaya nagmadali na akong tumayo bigla ay nasampahan niya ako sa likod ko. Ang bilis niya kumilos binangga ko siya sa pader at lumusot kami dun dahil plywood lang ito.
Bagsak kaming dalawa kaya dali-dali akong tumayo at tumakbo palabas ng kuwarto. Hawak ko ang braso ko na dumudugo binuksan ko na ang pinto at tumakbo na sa labas para makatakas. Walang tao sa lansangan dahil madilim pa ang paligid hindi ko alam kung ano oras na. Ang tanging dapat kong gawin ay makalayo sa impakta na iyon. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko siya ang bilis tumatakbo siya gamit ang kamay at paa para siyang hayop tumutulo pa ang laway.Naabutan niya ako kaya nadapa ako. May nahawakan akong bato kaya hinataw ko siya sa ulo at tinadyakan para maalis sa ibabaw ko.
"Tang-ina kadiri tinuluan mo pa ako ng laway!" Ang sigaw ko, at tumakbo ulit ako. Hanggang sa nakita ko ang isang itim na pick-up truck, may lumabas dito na dalawa kaya humingi na ako ng tulong....
"Tulungan nyo ako!"
End of this Chapter .
Vote!
Share!
Comment !
Salamat at nakalipat na ako sa Imperyo mula sa lugar na hindi ko pinili :) sensya na ha may mga mura ganyan kasi ang gusto kong mabasa nyo dahil may pagka-badass ang ilan sa mga character ko .
BINABASA MO ANG
The Aswang Hunter
AksiMga aswang magtago na kayo nandito na ang uubos sa inyo! -Aswang Hunter This story is inspired by: movies,TV serires,Novels,Comics etc. this story contains badwords,sexuality etc. This the second story na masasama sa League of Heroes sa Heroes Uni...