Sa pag inom ng aking ama, kadalasan, sa sala na siya inaabutan ng antok. Narinig na lamang namin siyang sumigaw at nagmura isang gabi pagkaalis ng kaniyang mga kainuman, "P*tng*na mo! Umalis ka dito!" . Sabi niya may nakita raw siyang bata sa mismong sulok ng bahay namin na nakakitaan ng aking ina sa batang nakita niya. Base sa kanya, isang batang babae na may pulang mata, inosenteng mukha, maiksing buhok na parang batang lalaki ang kaniyang nakita. Ayon sa kaniya, naiinis raw siya sa batang iyon dahil madalas siyang kinukulit nito at hinihila ang kaniyang mga paa kapag nakahiga siya sa sofa sa sala namin tuwing nalalasing siya.
Ayon rin sa aking tito na bunsong kapatid ng aking mama, nakikita niya rin daw ang batang babaeng yun na madalas maglakad sa may bandang kusina at banyo namin. bata lang raw talaga ito at madalas na gumagala sa palibot ng aming bahay.
At maging ang kaibigan ng aking ama, ay laging may kumakalabit sa kaniya kapag nakaupo siya at nakikipagkwentuhan at inuman. Isang gabi natanong niya ang aking tatay, "May kumakalabit nanaman sakin oh!" Ngunit sabi ng aking tatay "Wala yan, dala lang yan ng kalasingan mo!".
BINABASA MO ANG
Jar of Creeps
TerrorNaniniwala ba kayo sa mga multo or entities na karaniwang nakikita ng mga taong bukas ang third eye? Hali na't tunghayan natin ang mga kwentong kababalaghan na mkakapagpatayo sa inyong mga ......................................... BALAHIBO.