Lumipat kami ng bahay. Naging masaya naman kami, at dumaan ang mga araw hanggang sa naging taon, na wala namang masamang nagparamdam at nagpakita pa sa amin. Wala na rin akong naririnig sa kahit isang miyembro ng pamilya namin na nagkukwento tungkol duon sa batang nakikita nila sa dati naming bahay.
Hanggang isang gabi habang nanunuod kami ng horror ng boyfriend ko, tinukso ko ang aking papa na magkwento rin ng mga kwentong kababalaghan base sa naranasan at mga nakita niya.
"Alam nyo ba, sa dati nating bahay nung bata ka pa? Ikaw palang ang anak namin nung mga panahong iyon. Nasa Hongkong ang lola mo at yung dalawang tita mo. Bale, ikaw, ako ang mama mo at ang katulong lang namin ang naiwan sa bahay. Nagulat ako isang gabi at nakita ko ang mga kubyertos sa kusina na nagsilutangan. Bumaba ako sa extension ng bahay natin para yayain nalang ang mga kaibigan ko na mag inuman upang mawala ang takot ko. Ngunit mas nanindig ang mga balahibo namin ng mga kaibigan ko ng biglang lumutang yung 4x4 na gin sa mesa, dala siguro sa kalasingan ng isa naming kasama, hindi niya napansin na walang nakahawak sa boteng lumulutang, kinuha niya ito at inilapag sa mesa. Hindi nag tagal ay muli itong lumutang at muli nanamang kinuha ng kaibigan naming yun yung bote. Hanggang sa hindi na kinaya ng isa pa naming kasamahan ang kaniyang natunghayan at siya ay nagmadaling tumakbo pauwi sa kanilang bahay at hindi na muling bumalik dahil sa takot. Pati sa banyo sa extension ng bahay na iyon, may nag faflush ng inidoro pag sisilipin mo walang tao, pero may bakas ng pag flush. Kung naaalala mo pa nung bata ka pa. Bagong lipat lang tayo sa bahay na iyon, may sabitan ng dextrose duon na kinakalawang na ngunit di natin inalis iyon." -Papa
"Ehh Pa, bakit di natin itinapon yung sabitan ng dextrose? Eh dito naman po sa bagong bahay natin? gusto ko pong magkwento rin kayo sa mga naexperience niyo dito."- Ako
"Hindi namin itinapon yung sabitan ng dextrose anak dahil, pakiramdam ko. ang mga bagay na iniwan ng patay ang nakapagbibigay swerte sa atin.
Dito naman sa bagong bahay natin, nakikita ko parin dito yung bata dati. Dun pa rin siya nakatayo sa tabi ng tv na patungan ng mga vases at angels. Kung bakit ba naman kasi parehas lang ng pinaglagyan non tulad nung lumang bahay natin.
Buti nga at pumayag rin yung mama mong ilabas ko na iyon at itapon sa likod ng bahay para hindi na manggulo. Ayaw pa nga ng mama mo nung sinabi kong ipapatapon ko na eh. Bespren niya yata yung bata! hahahahha. Pero alam mo ba, kapag lasing ako, hindi ako nakakatulog ng mahimbing dito. Laging may humahawak sa paa ko. Minsan pa nga ang kulit kulit niya. ang dami niyang sumbong sa akin tungkol sa inyo. Parang sa palagay ko, gusto niya tayong pag awayin. Sinabihan ko nga yung bata na hindi siya welcome sa pamilya natin. na bisita lang siya at hindi siya part ng family natin. Lagi niyang sinasabi sa akin na hindi raw intact yung family natin. Sinisira niya tayo. Siguro gusto lang niya kasi na lagi siyang napapansin. Akala niya siguro pinapansin siya, akala niya parte siya ng family natin. Lagi siyang napapansin kasi katabi lagi ng TV natin yung patungan ng mga vases na tinatambayan niya. Simula nga nung pinaalis ko iyong metal na iyon. Hindi ko na siya muling nakita dito sa bahay eh. "- Papa
BINABASA MO ANG
Jar of Creeps
KorkuNaniniwala ba kayo sa mga multo or entities na karaniwang nakikita ng mga taong bukas ang third eye? Hali na't tunghayan natin ang mga kwentong kababalaghan na mkakapagpatayo sa inyong mga ......................................... BALAHIBO.