Ang boarding house na tinutuluyan ko, ay malapit sa isang creek. Sa likod ng room namin ay mayroong poso pinag iigiban ng tubig ng mga estudyante sa tuwing walang tubig ang buong building.
Isang gabi, hindi ako makatulog dahil bukas pa ang ilaw. Nagrarush kasi ng plate si ateng roommate ko na Architecture. Mga alas tres na ng madaling araw iyon.
"Ate, hindi ka pa ba matutulog?"- Ako
"Hindi pa, tatapusin ko muna ito. kailangan na kasi naming ipasa bukas eh. Matulog ka na. Mauna ka na kung gusto mo. Pero kung hihintayin mo ako. Okay lang rin naman dahil malapit ko na matapos itong plate ko. Ikaw ba? Maaga pa yata pasok mo mamaya? 7:30 ka di ba?"- Siya
"Okay lang ate, antayin nalang kita. Hindi rin kasi ako makatulog kapag bukas ang ilaw ng kwarto eh. Okay lang naman. Umaga lang naman pasok ko bukas. Itutulog ko nalang ng hapon para makabawi. hahaha"- Ako.
"Sige, bahala ka."- Siya
(Nang biglang......... keeeek keeeeeek keeeeeeeeek)
"Halah? Ano iyon? Ang ingay?"- Ako
"Yung poso ? Bakit may nag iigib ehh alas tres palang naman ng madaling araw ahh?"- Siya
"At tiyaka kung sino man iyon, bakit siya mag iigib? malakas naman tubig ahh? tapos nilolock naman yung gate ng building natin bago matulog lahat? Silipin mo nga ate?"- Ako
"Ayoko, natatakot ako. ikaw nalang." (Habang nag-aayos ng mga ginamit sa plate niya)
"Ikaw nalang ate, diyan ka naman sa taas natutulog ehh. mas malapit sa iyo yung bintana. Silipin mo na kasi! Titignan mo lang naman eh." - Ako
(Dahandahan niyang sinilip at Sumigaw)
"AAaaaaaaaaah!!! Matulog na tayo!" (Sabay talukbong siya)
----KINAUMAGAHAN----
"Ate ano yung nakita mo sa poso kagabi?" - Ako
"Lalaki, ang pangit ng itsura niya. May malaking mga mata. natakot ako kaya niyaya na kitang matulog!" - Siya
BINABASA MO ANG
Jar of Creeps
TerrorNaniniwala ba kayo sa mga multo or entities na karaniwang nakikita ng mga taong bukas ang third eye? Hali na't tunghayan natin ang mga kwentong kababalaghan na mkakapagpatayo sa inyong mga ......................................... BALAHIBO.