Pauwi na kami ng Baguio that time, galing kami sa bahay namin 1 and a half hour away from Baguio. Usually umaalis ang daddy ko ng Sunday 11 pm dahil sa Manila siya nagtatrabaho. Nagpapareserve siya sa bus at laging ganong oras at araw siya umaalis sa amin. Napagpasiyahan namin ng boyfriend ko na sumabay nalang sa daddy ko na bumalik ng Baguio dahil may pasok rin kami kinaumagahan. 2nd year college ako at 3rd year college naman ang bf ko. Umuuwi kasi kami ng bf ko sa amin every weekend dahil humihingi kami ng allowance sa parents namin at naglalaba ng mga damit. Habang nagdadrive ang daddy ko, sa likod kami nakasakay ng bf ko. Walang katabi ang daddy ko sa front seat. Dahil medyo malayo layo pa naman ang biyahe namin. Naisipan kong matulog na muna sa lap ng boyfriend ko. Sa kasarapan ng tulog ko, biglang pumreno ang daddy ko, nagising ako bigla dahil sa sigaw niya "P*tang*na mo! Bitch!".
"Daddy ano iyon?"- Ako
"Nakita niyo yun?"- Daddy
"O-opo tito!"- Bf ko
"Ano ba kasi iyon? Sumigaw ka pa daddy ng bitch, sinong pinagsasabihan mo? Eh ako lang naman ang babae dito ah?!"- Ako
"Babe, foggy kasi tapos may biglang babaeng huminto sa harap ng sasakyan."- Bf ko
"Oo anak, hindi mo ba nakita iyon? Sinagasaan ko nga iyung white lady ehh. Bigla nalang rin siyang nawala nung sumigaw ako at nagmura."- Daddy
Author's Note:
Naboboring na ba kayo sa mga stories ko? hahaha. Sorry ahh? Di ako expert gumawa ng stories ehh. Sinubukan ko lang. Wala naman sigurong masama sa Pag TRY. :) Pero based on real life po ito lahat. Walang twist. Eksaktong eksakto sa mga nangyari yung mga sinusulat ko. hahaha.
Ang hirap palang makisama kapag lahat sila nakakakita ng multo, tapos ikaw lang ang hindi. hahaha. Naging dakilang tagakwento nalang tuloy ako. :)

BINABASA MO ANG
Jar of Creeps
HorrorNaniniwala ba kayo sa mga multo or entities na karaniwang nakikita ng mga taong bukas ang third eye? Hali na't tunghayan natin ang mga kwentong kababalaghan na mkakapagpatayo sa inyong mga ......................................... BALAHIBO.