Smoking Man

3 0 0
                                    

Inutusan ko yung boyfriend ko na pumunta sa bahay nila at kunin yung mga naiwan na gamit ng anak namin sakanila. Mga bandang alas sais na ng hapon iyon. Pagkadating niya dito sa bahay namin, nagulat ako sa pambungad na kwento niya.


"Babe, alam mo ba? may nakita ako diyan sa may taas na lalaki. Nung unang daan ko nakita ko siya, nagyoyosi. Nakatingala naman at ang nakapagtataka pa dun, naka puting shirt at puting pambaba siya. Hindi ko alam, pero ang weird kasi bakit pure white yung suot niya. Pagbalik ko naman, tinignan ko ulit yung direksyon kung saan ko siya nakita kanina, tapos biglang wala naman na siya duon!"- Bf




(Biglang sumingit sa usapan)




"Nakikita mo rin pala yun?! HIndi siya naka shirt ng puti, naka barong iyon. at iyung sabi mo na nagyoyosi siya na nakatingala? Hindi siya basta nakatingala lang. Naka patiwakal yung postura niya. Mukha siyang nagbigti mismo sa bandang iyon. Lagi ko siyang nakikita at nadadaanan sa tuwing aalis na ako ng dis oras ng gabi." - Daddy

Jar of CreepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon