Nakapikit man ang mga mata ko pero tila nasisilaw ako. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko para alamin ang nangyayari.
“Nasaan ako?” tanong ko sa aking sarili. Inilibot ko ang tingin ko at saka ko napagtanto na nasa MRT station ako sa Araneta.
“Araneta? A-Ano ang ginagawa ko rito?”
Inobserbahan ko ang paligid. Walang katao-tao. Pero bakit?
Naglakad-lakad ako papasok sa pinakamalapit na mall sa MRT station. Walang guard kaya dire-diretso lang ako sa pagpasok.
Nagulat ako sa tumambad sa aking mga mata. Gulo-gulo ang mga paninda at wala ring katao-tao sa loob.
“Help . . . Help me.”
Napalingon ako sa may bandang kaliwa kung saan nanggaling ang tinig ng isang lalaki. Bumilis ang pintig ng puso ko sa pagkakataong iyon.
Parang pamilyar ito? Sa stall pa talaga ng BENCH?
I dismissed the crazy idea that entered my head.
“Imposible. Napakaimposible.” Bahagya pa akong natawa habang umiiling.
Natilihan lamang ako nang muli kong narinig ang nanghihinang tinig. Wala akong sinayang na oras. Lakad-takbo akong pumunta roon.
“I’m here!”
Natumbahan ng stall ang tao sa ilalim. Ubos-lakas kong binuhat ang may kabigatang estante para mailigtas ang lalaki. Maitatayo ko na sana ang estante nang . . .
“Ahhhh!” Sa gulat ay nabitiwan ko ang aking hawak kaya muling bumagsak iyon sa dating puwesto.
“Miss, you almost killed me!” pagalit na saad ng lalaking kilalang-kilala ko. Nakaupo na ito ngayon habang nagpapagpag ng damit na inalikabok. Nakagulong ito patagilid kaya hindi nabagsakan ng estante.
“H-Heeseung?”
Imbes na sumagot ay nag-smirk lang ang binata sa akin habang naka-krus ang mga braso sa harap ng dibdib. Parehong-pareho ng ikinilos niya sa fanfiction story na ginawa ko kung saan siya bida!
Oo. Hindi man kapani-paniwala pero nasa loob ako ng akda ko. Kung paano ay hindi ko alam.
Dahan-dahan kong iniyuko ang ulo ko. Napalabi ako nang makita kong nakasuot ako ng pink t-shirt na may print na Powerpuff Girls. Ganitong-ganito ang damit ng bidang babae sa kuwento!
“Sorry,” tangi kong saad. Mesmerized pa rin ako sa pagkakataong iyon. Ikaw ba naman ang makaharap ang bias mo sa ENHYPEN, eh, talagang matutulala ka rin.
“Are we just gonna stand here or wait for that stupid asteroid to hit us?”
Natilihan ako. Oo nga pala. Ang tema ng Tamed-Dashed ay mami-meet ng bidang babae si Heeseung sa mismong lugar na ito sa araw ng Manifesto world tour ng ENHYPEN. Pero sa mismong araw na iyon, nagulantang ang buong mundo dahil may isang asteroid ang nawala sa orbit na sa tantiya ng mga eksperto ay babagsak sa Earth sa estimang dalawang linggo! 1/4 ng football field ang sukat nito, sapat na para mabura ang Pilipinas sa mapa ng mundo.
'Yong bidang babae rito sa kuwento at si Heeseung ang magiging magkasama sa loob ng panahong iyon sa paghahanap ng bunker na gawa sa Titanium, materyales na kayang protektahan ang mga tao sa loob dahil kaya nitong i-withstand ang anumang external force na mula sa labas ng bunker.
At ang ending ng kuwentong ito na fresh pa sa isip ko dahil kagabi ko lang ito naisip ay. . .
Napatda ako. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa loob ng isang segundo.
“No!” Umalingawngaw sa bakanteng mall ang aking sigaw.
“W-What happened?” Dinaluhan ako ni Heeseung nang makita niyang parang mababagsak ako sa sementadong sahig.
Hindi puwede . . . Hindi puwedeng mangyari iyon!
BINABASA MO ANG
Tamed-Dashed [ENHYPEN Fanfiction]
FanfictionWhat if paggising mo e parte ka na ng fanfiction story na isinulat mo? Ikaw ang bida at partner mo ang hinahangaan mong ENHYPEN member na si Heeseung?