4

72 6 1
                                    

“Lord naman, sana sa story kong When a Fangirl Meets a Boyband Mafia Boss n'yo na lang ako ipinasok, eh. Kahit ’di N'yo na ako gisingin kung nananaginip lang ako, okay lang. Pero bakit sa Tamed-Dashed pa?” angil ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

Oo, nasa kotse na kami ni Heeseung. Tutal ako naman ang author nito, alam ko na kung saan nakalagay ang bunker kaya imbes na magpasikot-sikot kami ay doon na lang kami didiretso. Naisip ko rin na baka paraan din iyon para mabago ko ang tadhana ng characters sa kuwento.

“You were saying something?”

Nagbalik ang balintataw ko sa kasalukuyan nang magsalita si Heeseung.

“W-What?”

“I was curious when you mentioned Tamed-Dashed. That is our song.”

Napa-o shaped ang bibig ko. Oo nga pala, hinango ko sa kanta ng ENHYPEN ang title ng story ko kasi tinatamad akong mag-isip.

“Ohh, nothing.” I chuckled. “It's my favorite song.”

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ni Heeseung. Kinilig yarn porsyur!

“Ohh. . . So you're an ENGENE.” It seems like I hit his soft spot when he knew I am a part of their fandom. Proud to be kaya 'to!

Noon ko sinimulang ikuwento sa kaniya ang pagiging fangirl ko. And guess what? Napapangiti at napapatawa ko siya! Parang limot na nga niya agad na muntik ko na siyang mabagsakan ng estante kanina, eh.

Hashtag, fangirling goals achieved. Oh pak!

We’re happily laughing at each other when we saw a bunch of cars that are  approaching from the opposite side.

“Balik kayo! Walang daan diyan. May sinkhole!” sigaw ng isang lalaking may katandaan na.

This is the exact thing that happened on the Chapter 12 of Tamed-Dashed.

Bumangon ang lamig sa buo kong katawan. Napagtanto kong anumang sansala ang gawin ko, kusang gumagawa ang tadhana ng paraan para magkaroon ng katuparan ang mga isinulat ko sa libro.

Nanghihina kong naisapo ang kamay ko sa aking noo.

Tamed-Dashed [ENHYPEN Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon