1

376 14 1
                                    

Nagpapaligsahan ng lakas ang Auld Lang Syne na pinatutugtog sa sala pati ang kantang Tamed-Dashed na pinatutugtog ko sa outdated kong iPhone.

Ibinaling ko ang tingin ko sa papel na kanina pa nasa harapan ko. Draft ito ng finale ng ENHYPEN fanfiction story na ginagawa ko. Nakapangako ako sa readers ko na magpo-post ako ng update pagsapit ng bagong taon pero hanggang ngayon, wala pa rin akong nasisimulan. Nahihirapan pa rin kasi ako sa execution kung paano tatapusin ito. It is either I can put a happy ending on it like what I did to my previous works o lalagyan ko ng plot twist.

Kung happy ending ang ilalagay ko, okay na. May nakahanda na akong palitan ng lines between the two characters kaso feeling ko, hindi magiging malakas ang impact sa mga mambabasa. Para kasing masyadong common na, eh. Kung plot twist naman ang pipiliin ko, iyong gusto ko sana ay tatatak nang matagal sa isip ng readers kahit tapos na nilang basahin ang story ko.

I'm really in a dilemma.

Marahas akong nagpakawala ng buntonghininga sabay tingin sa oras sa aking cellphone. Eleven seventeen in the evening. Ilang minuto na lang ay magpapalit na ang taon.

Susubsob sana ako sa desk nang mapatigil ako. There was a random idea na sa tingin ko ay saktong-sakto para sa finale ng aking akda ang biglang pumasok sa isip ko. Ito na ’yon!

Wala na akong pinalipas na pagkakataon. Kinuha ko ang ballpen at sabik kong sinimulan ang pagsusulat ng huling kabanata ng fanfic story ko.

Tamed-Dashed [ENHYPEN Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon