5

56 5 1
                                    

Panlimang araw ko nang kasama si Heeseung at sa loob ng panahong iyon ay marami kaming pinagdaanan.

Dahil sa naibang orbit ng asteroid ay nagkaroon iyon ng epekto sa gravitational force ng mundo dahilan upang magkaroon ng iba't ibang sakuna. Ipo-ipo, tsunami, lindol, at biglaang pagsabog ng mga bulkan kahit iyong mga matagal nang nananahimik.

"Chapter 44 na itong part na ito kung kailan halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay nawala na, base sa aking akda," mahinang saad ko sa sarili habang kumukuha ng stocks sa istante ng abandonadong grocery store.

"Guess who?" saad ng nasa likod ko. Nakatakip ang mga kamay nito sa aking mga mata.

Hinigop ko ang inner cheek ko para pigilan ang nakaambang pagngiti ko. Boses palang, kilalang-kilala ko na kung sino iyon.

"Who else? Of course, it's you, Heeseung."

Inalis niya ang mga kamay niya. Para bang may kinuha siya sa lapag bago lumipat sa harap ko. Ngiting-ngiti siya habang itinatago ang mga kamay sa likod.

"What are you hiding?" I asked kahit alam ko na kung ano 'yon. Sa story kasi, mahilig sa Powerpuff Girls 'yong bida then 'yong ibibigay riyan ni Heeseung ay Powerpuff Girls inspired make up set na inilabas ng Vice Cosmetics.

"Take a guess, Margaret." He beamed a smile. Grabe, ang cute cute niya!

"One sack of rice?"

He pouted then shook his head. "Nope."

"Mint chocolate cake?"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Why? He hates that food so much! Hehe.

"I don't have an idea," I said, pretending I really do not know what it is 'cause I do not want to spoil the moment.

He finally show me what he got. It was indeed a make up set.

"For you."

I looked at it and smiled. "Thank you."

Lumiwanag ang mukha niya na sinabayan ng pagkislap ng mga mata niya. Mas lalo siyang gumwapo!

I returned his gaze and at that point, we just stare at each other while wearing smile on our faces.

Sa pagitan ng katahimikan sa aming dalawa ay saka ko pinakiramdamang mabuti ang sarili ko. My heart is beating fast. Gustuhin ko mang kontrolin iyon ay hindi ko magawa dahil para bang may sarili itong utak.

Am I really falling in love with Heeseung? O kailangan ko lang maramdaman iyon dahil iyon ang inilagay kong dapat mangyari sa chapter na iyon?

I'm confused.

Tamed-Dashed [ENHYPEN Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon