grabe, ang galing ng plot twist. panalo 'to miss author!
naiyak ako promise. di ako makamove on
grabe ka author, masyado kang mapanakit. :'(
akala ko parehas silang makaliligtas pero bakiiiiit
di ako fan ng enhypen pero binasa ko to kasi maganda daw. totoo nga
Hindi mapagkit ang ngiti ko habang binabasa ang bagong comments sa Tamed-Dashed. Nang masigurong nabasa ko na lahat ay ini-log out ko na ang aking Wattpad account.
Tatlong buwan na ang lumipas mula nang mag-Bagong Taon. Ganoon na rin katagal mula nang magising ako sa pinakamahaba kong naging pagtulog.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako kumbinsido na lahat ng iyon ay parte lamang ng panaginip. Subalit, may parte ng pagkatao kong gustong papaniwalain ang sarili kong natulog lang talaga ako at hindi napunta sa mundo ng aking kuwento. Why? Cause the Earth is still the same when I came back to reality. Walang bakas na natamaan ito ng asteroid.
Tatlong buwan. Tatlong buwan ko na ring lihim na iniiyak gabi-gabi ang mapait na sinapit namin ni Heeseung sa akda kong tila ba nagkaroon ng live adaptation.
Nang magising ako sa pagkakahimbing ng panahong iyon ay maghapon akong nagkulong sa kuwarto. Hindi ko na nga rin nagawa ang pangako kong mag-update dahil hinang-hina ako. Nakadagdag pa na parang damang-dama ko na sinusunog ako nang buhay nang 'matamaan' ako ng asteroid noong bumagsak iyon sa lupa. It's like the most painful thing I ever experienced.
Oo, pinili ko ang manatili sa labas ng bunker. Pinangatawanan ko ang pagsalubong sa bumagsak na asteroid para makabalik ako sa tunay kong mundo kahit walang kasiguruhan nang mga panahong iyon. Thankfully, I woke up in my bed. Alive and kicking.
Five days after I woke up, saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na itipa sa Wattpad ang ending ng akda ko. Ni-revise ko ito. Ang ginawa kong ending ay ang pagpapaubaya ng babae tulad ng 'nangyari' sa akin. Sa maikling salita, buhay si Heeseung sa nobela.
Umani ako ng maraming feedback, positibo man o negatibo. Mabilis ding kumalat ang story ko through word of the mouth. Sa ngayon, ten million reads na agad ang meron ito sa Wattpad. Sabi kasi nila ramdam na ramdam daw nila ang bawat eksena. Para daw realistic.
Kung alam lang nila.
Umusbod ang kuryosidad ng Wattpad readers sa ibang bansa kaya marami ang nag-request ng English translation ng Tamed-Dashed. Agad ko silang pinagbigyan kaya mas lumawak pa ang audience ng nobela ko.
"Ate Margaret, check Heeseung's new post!"
Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang sunod-sunod na mensahe ng readers at mga kaibigan ko. Ano ba ang espesiyal sa post ni Heeseung at kailangan pa nila akong ligaligin para makita iyon?
Halos sumayad sa lupa ang panga ko sa pagkakanganga nang makita ko ang post nilang tinutukoy. Selfie ni Heeseung iyon habang hawak ang phone niya. And guess what? Ipinakikita niya ang story ko na nasa Wattpad!
I read the caption.
Three months ago, I had a similar dream like what was narrated in this novel. . .
To the author of this wonderful story whose name is the same as the woman in my dream, can we grab a cup of coffee? will be there in PH next week.
Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko na para bang uminom ako ng isandaang tasa ng kape. Paulit-ulit kong binabasa ang caption ng post ni Heeseung hanggang sa mamemorya ko iyon.
Tears of joy came out from my eyes as I utter a gratitude to whatever entity made this magical thing to happen.
My lips formed a smile reaching my eyes. "Akala ko, 'yong tragic death ng isa sa characters ang plot twist na matagal ko nang hinahanap. I was wrong. Kung ano talaga 'yong plot twist? Eto 'yon."
Mas lumaki ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang larawan ni Heeseung sa recent post niya. I hit the reply button and typed:
Of course, it's a yes, Heeseung.
- Margaret xxWakas

BINABASA MO ANG
Tamed-Dashed [ENHYPEN Fanfiction]
FanfictionWhat if paggising mo e parte ka na ng fanfiction story na isinulat mo? Ikaw ang bida at partner mo ang hinahangaan mong ENHYPEN member na si Heeseung?