Chapter 4

43 34 2
                                    

Tatsuki POV

       Agad akong tinignan ni Manager pagkatapos ko gawin ang pagpigil sa kaniya.

"Kapag tatawag tayo ng police maiiskandalo na naman ang cafè," sambit ko.

"Tama ka kagaya last year," sambit ni Shiela.

"Oo nga." Sang-ayon ni Miaka habang yakap si Mae.

"Tama na sir." Suway ni Robin sa kanila.

"Umalis ka diyan," sabi ng kaaway ni Ishikawa.

"Umalis ka diyan, hinahamon niya ako!" Galit na galit na sigaw ni  Ishikawa.

"Kinagalit mo ba iyong pinikturan ko ang kasama niyong babae?" Maangas nitong tanong.

"Oo, dahil hindi naman mukha niya ang kinunan mo ng litrato. Kung hindi ang ilalim ng palda niya," sabi ni Ishikawa.

"Easy hindi lang naman siya ang kinunan ko, pati din 'yong may asul na buhok." Nakangisi niyang sabi.
   'What the! Pati ba naman si Bluebell?!'

"Anong sabi mo?" tanong ni Shoichi na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa lalaking bastos.

"Pati din ang cute na babaeng iyon," sagot niya at tinuro si Bluebell.

"Why you!"

"Easy, what's the big deal?"
    
        Dahil sa kaniyang sinabi ay parang nagalit ako. 'What's the big deal? Karangalan iyon ng mga babae ang kinunan niya.'

"You bastard!" Galit na galit na sigaw ni Shoichi at tumayo.

"Pigilan mo sila Manager!" Kinakabahan na sambit ni Miaka.

"Ayaw ko nga," sagot ni Manager.

"Para ka namang bakla," sambit ni Miaka ulit.

"Halikan kaya kita diyan tapos sabihin mong bakla ako," sambit nito. Napabuntong hininga na lamang ako at pumunta doon.

"Ako na ang bahala sa kanila," sabi ko.

"Hindi mo kaya 'yan, Tatsuki!" Nag-alalang sigaw ni Shiela. Ngunit hindi ako nakinig at pumunta lang doon.

"Hoy." Tawag ko sa bastos na lalaki.

"Bakit?" tanong niya.

"Umalis ka na." Nakangiti kong sagot. Gusto ko kasi paalisin ito at takutin lamang hindi naman kasi ako bastos sa mga customer.

"Anong ginagawa niya?"

"Ipahuli na natin 'yan sa police,"

"Dapat galit na siya, bakit pa siya nakangiti?"

"Baliw siguro,"
      Sambit ng mga tao sa paligid namin pero isinawalang bahala ko na lang ito.

"Paano kung ayaw ko?" Naghahamon nitong tanong 'Nagmamatigas ang mayabang na ito! Napakatigas, tignan natin tigas mo sa pananakot ko.'

    Agad nag-iba ang aking eskspresyon.
"Gano'n ba? Paano ba 'yan, bugbogin na lang kita. Alam mo bang black belt ako sa karate?" Pananakot ko dito.

"Ano naman ngayon?" tanong niya. Agad ko siyang kinuwelyuhan at sinabi ang mga katagang hindi niya makakalimutan.

"Your future will be worse." Pagtatapos ng sabihin ko at ngumisi na nakakatakot.

"Ah pasensya na sir, mga babae pasensya na." Natatakot niyang sabi at lumuhod pa at nagbayad.

"Go out we don't need your filthy money," sabi ko.

"Opo sir." Nanginingig niyang sabi at patakbong umalis.

~

"Wow Tatsuki," sambit ni Shoichi.

Behind Those Elegant WallsWhere stories live. Discover now