Chapter 10

18 11 0
                                    

Tatsuki POV

"Tatsuki pakihatid nito sa table 26." Utos ni Miaka ang aming taga-gawa ng mga flavors na gusto ng customer.

"Okay." Sabi ko at kinuha ang milkshake flavor strawberry.

"Pakihatid din ito Shiela." Utos ni Miaka kay Shiela. Habang nandoon naman si Mae sa counter. Then si Robin naman ang tagalinis.

"Opo," sagot nito. Pumunta na ako sa table 26.

"Here's your order ma'am." Magalang kong nilatag ang iniorder niyang milkshake sa table.

"Thank you," sabi nito na ang atensyon ay nasa binabasa niyang parang novel. 'Ano bang pakialam ko? Hay!' Umalis na lang ako para kunin pa ang ibang order ng costumers.

"May I take your order ma'am and sir?" tanong ko sa isang babae at lalaki.

       'Mukhang nag da-date ang mga ito. Ano bang pakialam ko? Napakatsismoso ko yata ngayon? Ano bang nangyayari sa akin?'

"I will take a mango float and dark chocolate cake, how about you?" tanong niya sa kaniyang kasama. Habang nililista ko ang mga iniorder niya.

"Mine is same as he ordered," sagot niya at nakatingin sa akin.

"Okay. It's just take a few minutes." Nakangiti kong sagot dito at umalis.

"Ito na Shiela," sabi ni Miaka.

"Thanks," sabi ni Shiela at umalis.

"Two mango float and dark chocolate cakes," sabi ko. Yes, may cake din dito. Kaya nga ito tinawag na pastry cafè.

"Ang busy mo Miaka," sabi ni Robin dito.

"Ikaw kaya dito, kung hindi ka ba magiging busy." Pambabara niya dito.

"Tawagin mo si Manager para tulongan ka," ani Robin at tinignan si Miaka.

"His busy," sagot nito. Habang ako nakikinig lang sa kanilang dalawa.

"Parati lang naman busy 'yang boyfriend mo!" Salita bigla ni Mae. Agad namilog ang mga mata ko sa tinuran ng kasama ko.

"Ano? Boyfriend ni Miaka si Manager?" tanong ko dito. 'Grabe! Hindi ko alam!'

"Ikaw lang walang alam dahil umalis ka no'n," sabi ni Mae.

"Kwento niyo nga," sabi ko. Minsan lang ako magiging chismoso kaya hayaan niyo na ako.

"Dito may bumastos sa kaibigan mo, hindi ba?" tanong ni Mae.

"Oo," sagot ko. Ang araw na iyon siguro 'yun iyong binastos sina Bluebell.

"Umalis ka pagkatapos ng shift mo. Kaya dahil sa pagtawag ni Miaka kay Manager na bakla, hinalikan siya nito at tulala lang si girl. Tinanong siya ni Manager na sasagutin na ba siya nito at napa oo si Miaka na wala sa sarili." Mahabang paliwanag ni Mae. 'Ah! So matagal na pala silang manager ah!'

"Ito ihatid mo na sa nag order sayo," sabi ni Miaka na pulang-pula.

"Oo," sagot ko at umalis. "Ma'am and Sir here's your order," sabi ko.

"Thank you," sabi ng babae.

"Let me help you," sabi ng lalaki sa akin at tinulongan ako.

"Thank you po sir," sabi ko dahil sa dami ko pa talagang binibitbit. Umalis na ako at bago ako umalis ay narinig ko mga pinag-usapan nila, grabe na ang pandinig ko ngayon ah.

"Here's yours Yana," sabi ng lalaki.

"Thank you Dion," sambit din ng lalaki. Ay sana all ang sweet ah.

Behind Those Elegant WallsWhere stories live. Discover now