Chapter 12

11 7 0
                                    

Tatsuki POV

            Kasalukuyan akong nakaupo dito sa upuan ko sa solid aralan namin habang nagbabasa ng librong hiniram ko sa library. Libro ito ng aking mga hindi pa natutunan tungkol sa mga kaluluwa o multong ligaw.

"Napapansin ko kadalasan ka nang nagbabasa ng mga ganiyan." May biglang nagsalita sa harapan ko. Inangat ko ang mukha ko para makilala ko kung sino ito.

"Mae?"

"Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong nito at uminom pa ng juice na nasa cartoon.

"Hindi naman," sagot ko dito at bumalik ang aking atensyon sa librong binabasa.

"Bakit ka ba nagbabasa ng mga ganiyan?" tanong niya ulit at ngayon ay nakaupo na ito sa upuan na kaharap ko lang.

"Wala lang," sagot ko.

"Ah oo nga pala, membro ka pala ng paranormal activity squad." Nakangiting sabi ni Mae. Agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Tumahimik ka nga baka may makarinig sayo," sabi ko dito. 'Private pa naman ang tungkol diyan sa sinasabi niya. Bawal malaman ng iba ang tungkol sa paranormal activity squad ayon kay Ishikawa.' Tinanggal ko naman ang kamay ko sa bibig niya at muling bumaling sa binabasa ko ang atensyon ko.

"Oo na tataahimik na," sabi niya. Bakit ba kasi nandito ang bubwit na 'to!

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kaniya.

"Ang harsh mo naman," sagot niya. Magsasalita na sana ako ng may tumakip sa mata ko at amoy na amoy ko ang pabango niya.

"Hulaan mo kung sino ako." Natatawa nitong salita at simadyang pinaiba ang boses, napangiti na lang ako.

"Bluebell," sagot ko agad naman niyang kinuha ang kamay niya sa mata ko.

"Bakit mo nalaman?" tanong niya at nakanguso.

"Kasi maliit ka," sagot ko na lang.

"Maliit nga maganda naman," sabi niya. Kaya napangiti ako at ginulo ang buhok niya.

"Tara na sa cafeteria," sabi ko at tumayo.

"Sige." Sang-ayon ni Bluebell at ngumiti naman ako. Tumingin ako kay Mae na nakaupo parin hanggang ngayon.

"Sama ka Mae?" tanong ko sa kaniya.

"Huwag na," sabi niya at tumayo na din.

"Sige mauna na kami," sabi ko at hinila na si Bluebell na masamang nakatingin kay Mae.

"Sige," sambit niya. Habang naglalakad kami sa hallway ay walang ni isa sa amin ang gustong magsalita, hanggang sa binasag na nito ang katahimikan.

"May gusto siguro iyong si Mae sayo." Paguumpisa niya at nakabusangot na naman. Agad akong tinigil ang paglalakad ko at pinisil ang mukha niya ay nagsalita.

"Hindi mangyayari iyang sinasabi mo," sabi ko at tumawa. Pagbitiw ko sa kaniyang mukha ay bigla na naman siyang namula.

"Sabi mo iyan ah," sabi niya at nag-iwas ng tingin.

"Mahal mo ako siguro kaya ka nagseselos," sabi ko at tinignan siya. Iniinis ko kasi siya dahil matagal ko namang alam na crush ako ng batang ito.

"H-Hindi, ano ka sinuswerte?" Pagtangi niya at nauutal pa kaya mas lalo ko pa siyang inasar at napapatawa ako.

"Tara na nga," sabi ko at hinila na naman siya. 'Naaliw ako pag kasama ko ang babaeng ito, hindi ko alam ngunit pag nandito siya sa tabi ko ang bilis ng oras at kahit anong gawin ko ay mabilis parin lumipas. Parang fast forward, madrama siya pero madali mo lang namang kausapin at intindihin. Sandali, hindi kaya may nararamdaman na ako para sa batang ito? Hindi, hindi, hindi, hindi ko pa nga alam ang nararamdaman niya talaga sa akin. Kung mahal na ba niya ako, kasi kung crush lang maaaring mag bago pa ang isip niya.'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind Those Elegant WallsWhere stories live. Discover now