Chapter 5

30 31 0
                                    

N/A: sorry for the wrong typos ahead. Hindi pa kasi ito edited, I hope you enjoy this chapter.

Tatsuki POV

    Parang may naaninag akong liwanag, dahan-dahan kong idinilat ang aking mata. Sa pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko ang mga kasama ko.

"Mia, Sky, Adrian, Ishikawa." Tawag ko sa kanila. Agad akong napatingin sa apoy at kumakalat na ito papunta sa sasakyan. Pag hindi pa kami nakalabas ay maaaring mamatay kami, ngunit saan kami dadaan? Walang daanan akong nakita.

"Dito." May boses akong narinig at sinundan ko ito.

"Saan?" tanong ko na lang.

"Dito," sagot niya at pagtingin ko ay may daanan akong nakita. May babaeng kulay dilaw na buhok ang nasa labas. 'Tao ba siya o multo? Pero malakas ang enerhiya niya at nawala narin si tatang. Ibig sabihin ay malakas ang isang ito!'
      Agad kong hinila sila Ishikawa at nakapagtataka ay nahila ko silang apat. 'Paano? Ang hinila ko lang ay sina Adrian at Mia.'

"Paanong nangyari?"

"Huwag kang mag-alala," sambit noong babaeng dilaw na buhok habang hinihila sina Ishikawa at Sky.

"Sige h-hilain mo pa," sabi ko at nakalabas narin kami. Magpapasalamat na sana ako sa kaniya ng mawala siya bigla, ibig sabihin multo talaga siya. Hindi ko alam kong guni-guni ko lang siya, pero pinasasalamatan ko siya, kahit hindi ko nakita ang mukha niya. Kasabay noon ay nawalan ako ng malay.

Bluebell POV

      Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa ng biglang tumunog ang aking cellphone.

"Hello?" I asked.

"Is this Miss Bluebell?" tanong ng kabilang linya. I got curious so tiningnan ko kung sino itong nag call sa akin, but it's unknown number.

"Yes," sagot ko.

"Miss na sa hospital po ang kapatid mo," sagot niya na nagpabigla sa akin.

"Anong hospital?!" Natatarantang tanong ko.

"Antonio's hospital po," she answered. When she answered I quickly pick my wallet and para-para the taxi. Pagdating me sa hospital na tinutukoy ng nurse ay agad akong pumunta sa mga nurse.

"Shochi Calderon please," sabi ko.

"Room 14 in second floor po," sabi nito.

"Okay, thanks." Nagmamadali kong salita at patakbong pumunta sa elevator. Pagdating ko sa Room 14 ay pumasok ako.

"Kuya, w-what?!" Malakas kong sigaw ng makita silang lahat ay nasa iisang kwarto at ang gising ay si Kuya, Adrian at Sky. Nagkukwentohan pa sila.

"Hi Bluebell." Bati ni kuya at kumaway pa. Agad akong pumunta kay kuya at binatukan siya.

"Nag-alala ako and then nakikipagkwentuhan ka lang pala!" Malakas na sigaw ko habang mangiyak-ngiyak at binatukan siya ulit.

"Aray! Aray! Tama na nga!" Sigaw niya habang sinasalo ang mga sipa at suntok ko.

"Sana all," sabi nong dalawa.

"Sorry na nga," sambit ni kuya.

"Kung hindi lang kita kuya," sabi ko at niyakap siya.

"Pasensya na pinag-alala kita," sabi niya at nagpapacute pa. Akala mo naman bagay sa pagmumukha niya heh!

"Sana all ang sweet," sabi na naman nang dalawa.

"Adrian!" Napahinto kami sa sigaw na iyon ng isang babae na humihingal na nasa may pinto. 'Girlfriend ba iyan ni Adrian? Parang galit na galit ah, well sino ba hindi magagalit eh naaksidente ang jowa niya.'

Behind Those Elegant WallsWhere stories live. Discover now