Chapter 8

22 21 0
                                    

A/N: pasintabi  po sa mga kumakain, huwag itong basahin kung madali lang kayong mawalan ng gana o hindi gusto ang mga mangyayari dito. Pwede na lang po ninyo i-skip ang chapter na ito, pero kung malakas ang loob mo. Eh, 'di pwedeng-pwede mo itong basahin.

Ishikawa POV

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari Ishikawa?" tanong ni Mia kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ano ba ang nangyari?" Balik kong tanong dito, kaya napatingin sina Shoichi sa akin.

"Balita-balitang may nakitang babaeng bangkay kanina sa kalye. Wakwak ang tiyan nito at nawawala ang mga laman loob nito." Sagot ni Adrian habang bumalik sa pagbabasa ang atensyon nito.

"Talaga?! Totoo?!" Tagalang hindi ako makapaniwala kaya napasigaw ako.

"Pareho lang talaga kayong Tatsuki," sagot ni Sky habang kumakain.

"Pakialam ba namin? If late comers kami sa mga balita, hindi naman kaparehas ninyo na marites!" Parehong sigaw namin ni Tatsuki.

       'Aish! Masisisi ba nila ako kung napaka-busy ko sa mga madaming gawain sa paaralan, mga problema na hindi maubos-ubos. Napakahirap naman kasi ng buhay ko halos lahat nakapasan sa balikat ko.'

"Guys can I excuse myself?" tanong ni Shoichi dahilan upang lingunin namin ito.

"Ah yes, you may." Nakangiting sagot ko bilang leader na lang nila.

         Ngunit sa pag-alis nito ay sinundan iyon ng tingin ni Bluebell. Nagtataka lang ako, simula ng dumating si Byakuran ang kapatid nila na may puting buhok ay parang biglang nagbago ang pakikitungo ni Bluebell sa kaniyang kuya. Para silang hindi na nag-uusap o naghihimigan man lang. I wonder if they have an problem, akala ko ako lang ang nakahalata sa mga kinikilos ni Bluebell at Shoichi, pero meron pa palang nakapansin nito bukod sa akin, ito ay si Tatsuki.
      Parang sinusubaybayan nito ang mga bawat kilos ni Bluebell at Shoichi.

"Ah!" Malakas na sigaw na nanggagaling sa labas agad kaming napatayo.

"Anong nangyayari?" tanong ng ilang tao sa labas.

"May babae daw nahulog sa rooftop," sagot ng isang estudyante sa kasama niya. May nahulog galing sa rooftop? Bakit naman ngayon lang ito nangyari dito sa Amin, bakit nga ba?

"Puntahan natin," sabi ni Bluebell na seryosong-seryoso. Agad kaming tumango at lumabas, nagtungo kami doon at nakita ang babae. Nakakaawa ang kalagayan nito.

"Oh my god." Bigkas ni Mia at yumakap kay Sky. Kawawa ang kalagayan nito dahil bali ang braso ng babae at wakwak din ang tiyan at ang mas nakakapagtaka ay nawawala ang mga laman loob nito.

"I'll call some teachers," sabi ko at pumunta sa ibanh direksyon.

"Hello?" Bungad ng boses sa isang guro tinawagan ko.

"Call the principal, may estudyante ditong nahulog sa rooftop," sabi ko pa gamit ang seryosong boses.

"Oh my! Yes, I will call him!" Sigaw nito at nagkukuripas na ini-off ang tawag ko. Agad akong bumalik sa napangyarihang kaganapan.

"May nabiktima na naman." Ani ni Bluebell at umalis. 'Ano kaya ang sinasabi niya?'

"Okay. Go back to your perspective classroom now!" Utos ko sa mga estudyante.

"O-Okay sir," sagot ng mga ito. Mabuti at hindi sila matitigas.

     Ilang minuto ay dumating na ang mga teachers at principal, dumating din ang mga SOCO.

Behind Those Elegant WallsWhere stories live. Discover now