This novel is intended for mature readers only and should not have been ready by 18 below.
WARNING: Contains mature scenes, strong language and VIOLENCE. you may skip this story if you're not into this kind of genre. You've been warned.
Genres: Dark Romance
DISCLAIMER: characters,places and events are fictitious
-------------------------------------------It's been years simula noong pumunta ako ng probinsya at doon ko rin ipinagpatuloy ang pagbubuntis ko. Mahigit apat na taon din akong nanirahan doon at ngayon ay luluwas na kami ng Maynila dahil nakapasok ako sa isang kompanya sa Quezon city, nag-apply ako bilang sekretarya. Pasalamat ko iyon sa diyos dahil kahit papaano ay nagkaroon na rin ako ng trabaho, dahil sa totoo lang ang hirap maghanap ng trabaho sa probinsiya. Konti ang oportunidad hindi katulad sa syudad.
Sa totoo lang, kaya rin ako nag-apply dahil sa kaibigan kong si Verlice. Kaya nga medyo nagtataka ako dahil agad-agad din naman akong natanggap. Marahil naghahanap na talaga ito nang mabilisan.
"Isla come here to mommy! We're going to Manila baby! Are you excited?" I asked my 4 years old daughter na pumupungay-pungay galing sa paghiga.
"Hala? Totoo Mommy?! Yehey! Pupunta kami ni ng Manila." she exclaimed. Agad ko namang hinaplos ang magulo nitong buhok at hinalikan ang noo. Halata sa kanya ang saya, excited ito nang sobra.
"Bibihisan na kita baby, pagkatapos ay magpapaalam na tayo kila Mamila mo." Tumango siya sa'kin at niyakap ako ng mumunti niyang mga kamay.
Habang binibihisan ko si Isla ay tila merong bumabagabag sa isipan ko na hindi ko maintindihan. Yung kompanya kasing papasukan ko ay medyo familiar at parang narinig ko na iyong pangalan nito. Hindi ko lang matandaan at kung saan ko nga ba ito nakita dati pero iba talaga ang kutob ko.
Pagkatapos namin maghanda ng anak ko ay inilabas ko na rin ang aming bagaheng dadalhin. Hindi naman iyon gano'n kadami, karamihan nga ay dapat pa ng anak ko ang nasa loob nito.
"Ma, alis na po kami. Yung mga gamot mo wag mong kakalimutang inumin. Nandiyan naman sila Aling Lita. Sinabihan ko rin po siya na kahit papaano ay tingnan mo kayo rito sa bahay. Tatawagan ko po kayo palagi at kapag nakasahod ako ay ipapadala ko rin po agad."
"Oh siya, sige na anak mag iingat kayo ng apo ko, ha! Tawagan mo ako kapag nakarating na kayo ng Maynila." tumango ako at niyakap ito.
Muli siyang nakipagkulitan kay Isla pagkatapos ay tinanguan ako tsaka kami lumabas ng bahay.
Nasa loob na kami ng sasakyan. Hindi kami nag bus dahil sabi ni Verlice ay matagal daw ang byahe doon. Pinahiram naman ako ni Aling Lita kaya van ang sinasakyan namin. Medyo mahal nga lang pero sa tingin ko ay mababawi ko rin naman agad kapag sumahod na ako.
Habang nasa byahe ay tinext ko si Verlice na sunduin kami ni Isla pagdating ng Maynila. Hindi naman ako masyadong pamilyar sa syudad, baka mamaya pa't maligaw kami ng anak ko.
Ilang oras din pala talaga ang byahe papuntang Maynila. Mahigit siyam na oras din kaya ng makarating kami ng anak ko ay pasado alas sais na ng gabi.
"Baby, wake up na. We're here." gamit ang malambing na boses ay tinatapik-tapik ko rin ang pisngi ni Isla. Sinalubong ko ang mata nitong kakamulat lang at agad itong aligaga sa paligid.
"Mommy, nasa manila na po ba tayo?"
"Yes baby, kausap ko na ang Ninang Verlice mo, maya-maya pa ay nandito na siya." sabi ko. Tumango na lang ito sa'kin at ininat ang mga brasong galing palang sa paghiga.
Ilang minuto rin ang inabot nang may humintong sasakyan sa harapan namin. Bumaba rito si Verlice. Agad siyang nagtitili at dinamba ako nang yakap.
"Beshie! Hala! Ito na ba yung inaanak ko! Jusko! Ang ganda pala talaga ng anak mo." puri niya kay Isla na bahagyang nakaawang ang bibig dahil sa mga nakikitang sasakyan sa kalsada.
"Syempre, kanino pa ba yan magmamana malamang sa'kin." natawa siya sa sinabi ko.
"Oh, siya nga pala bukas na bukas daw ay mag simula kana sa trabaho mo. Bukas din ay pupunta ulit ako sainyo para masamahan kita doon sa kompanya. Kung nababahala ka naman sa inaanak ko, iiwan ko siya kay Manang. Iyon ang madalas tumira sa apartment ko. Tsaka isa pa girl, sikat na abugado ang pagsisilbihan mo, napaka makapangyarihan at ang gwapo pa!"
Tanging tawa nalang ang naisagot ko kasi sino ba namang hindi matatawa, kilig na kilig ang bruha napakalandi!
Andito na kami ngayon sa harap ng apartment. Hindi naman ito masyadong malaki at hindi rin masyadong maliit, kung tutuusin parang sakto lang talaga. Sapat lang para sa aming mag-ina.
Habang nag aayos ako ng mga gamit namin ni Isla ay bigla akong nagulat nang nagsalita ang anak ko.
"Mommy, diba sabi mo sa akin dati nasa Manila si Daddy, ibig sabihin po ba no'n mommy makikita ko na si Daddy?"
Nagulat ako sa naging tanong ng anak ko. Iyon ang matagal ko nang iniiwasan sa kanya. Ang tanungin ako nang tanungin patungkol sa ama niya.
"Hindi ko pa alam anak, pero wag ka malungkot ah? Sasabihan ko siya para makita ka."
Dahilan ko kahit wala iyong kasiguraduhan. Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop na siya nakatira ngayon. Matagal na akong walang koneksyon sa kanya at hindi ko na babalikan pa.
"Sige po, salamat Mommy." nakangiting aniya at hinalikan ako sa pisngi.
Habang nagluluto ay napapaisip ako sa sinabi ng anak ko. Tila kinakain ako ng konsensya ko kasi lumaki siyang walang ama, at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya maipakilala sa tatay niya. Kung pwede lang sana, kaso hindi eh. Mahirap. Sobrang hirap.
"Beshie! Uy ano na? Kanina kapang hinihintay ni Sir, nag text ako sayo na agahan mo hindi ka naman nag rereply! Bilisan mo na at maligo ka na! Hinihintay kita sa labas."
Shit! Patay. Mukhang malilate ako sa unang pasok pa lang!
Agad akong naligo. Pormal lang ang suot kong itim na squarepants at puting polo. Naglagay din naman ako ng konting kolorete sa mukha, kahit papano ay magmukha naman akong presentable sa harap ng magiging amo ko.
Mabilisan lang din ang pagpapaalam ko kay Isla. Sinabihan ko na siya nung nasa Probinsiya pa kami at alam kong maintindihin siyang bata. Kanina lang ay ginising ko talaga siya dahil ayokong iwan ito nang biglaan, pero pagkatapos ay bumalik siya sa pagkakahiga. Ibinilin ko na lang siya kay Manang na siyang umaasikaso sa apartment ni Verlice.
Habang nasa kotse kami ay hindi na talaga ako mapakali, sobra akong kinakabahan. Pinawi na lang iyon ng mga magagandang tanawin at naglalakihang building sa taas.
Nang makababa na kami ay nakita ko ang napakataas na mga building. Sinundan ko na lang si verlice hanggang sa makarating kami sa harapan kompanyang papasukan ko.
Nagulat ako nang basahin ko ang pangalan na nakaukit sa taas.
De Luca Group Corporation
Mas lalo akong natigilan nang makilala kung sinong lalaki ang pumukaw ng atensyon ko.
"You are 45 minutes late!" halos pasinghal na bulalas niya sa'kin. Nagulat kami pareho ni Verlice.
Laking gulat ko na ang lalakeng nagsasalita ngayon sa harapan ko na magiging boss ko, ay ang nag iisang lalakeng nakakaalam ng matinding sikreto ko!
Walang iba kundi si Ludovic De luca.
YOU ARE READING
The Girl With A Secret [ON-GOING]
Romancethe girl with a secret that she doesn't tell anyone To protect her mother but one day there was a boy who knew her secret and uses it to blackmail her the woman who has many secrets because she doesn't want to hurt the one she loves This is my firs...