Maaga akong nagising pag tingin ko ng oras sa cellphone ko ay 5:40 am palang. napag desisyonan kong mag luto na ng almusal namin ni Mama. Pag tingin ko sa ref ay tanging hotdog nalang at itlog ang laman nito! Sa sabado kailangan ko na talagang mamalengke dahil wala ng laman yung ref pati na rin yung bigasan namin ay pa ubos na. Sakto naman ay makukuha kuna yung sweldo ko sa sabado!
Pagtapos kong mag luto ay pumasok na ako ng banyo para maligo. Sobrang lamig nakalimutan kong gawin yung routine ko kapag naliligo shit! Nakalimutan kong lagyan ng mainit na tubig yong pampaligo ko.
Paglabas ko ng banyo sakto naman ay nakita kong nag pa alam ng aalis yung nobyo! ni Mama, siguro ito na yung tamang oras para kausapin ko siya tungkol dun.
"Ma pwede ba kitang maka-usap"
"Tungkol saan naman nak?"nagtatakang tanong nito.
"About po sa Nobyo mo Ma! Hindi kuna patatagalin to didiretsahin na kita Ma! Hindi ko gusto iyong lalake na yun para sayo. Wag po sana kayong magalit sa'kin ni hindi ko nga alam kung mapagkakatiwalaan naten yun!" tuloy-tuloy kong sabi.
"Mabait naman ang tito Roel mo! Masaya naman akong kasama siya sapalagay ko ay mapag kakatiwalaan Naman natin siya" may pangu-ngumbinsing tinig niya.
"Ah basta hindi ko po talaga gusto iyong lalakeng yon para sayo! Basta sinabihan ko na kayo Ma! Teka nga pala san mo po ba iyon nakilala" kasi hindi naman familiar sa'kin yung mukha nung lalake.
"Ah dito rin sila naka tira sa subdivision, nong nag jojogging ako dun sa park nakilala ko siya at hiningi niya yung number ko"pag kwento niya
"Mayaman ba yun Ma?"tanong ko ulit
"Ah hindi driver siya dun sa malaking bahay iyong bahay nung mga abogado doon siya nag tatrabaho"jusq akala ko naman kung mayaman na eh driver pala!
Hindi naman sa demanding ako tinanong ko lang si Mama kung mayaman ba yun! Kasi hindi ko talaga alam kung anong nakita niya sa mokong na yun!
"Siya nga pala Ma! Nag luto na po ako ng agahan natin" ipinag sandok ko na si Mama ng kanin
"Magkakape kaba anak? "Tanong niya na tinanggihan ko naman.
"Hindi na po Ma, maaga akong papasok ngayon sige po kain na kayo diyan, magbibihis na po ako" tumangon naman ito sakin
Iniwan ko si Mama na kumakain.pumasok na ako ng kwarto para mag bihis! Sinuot ko yung uniporme ko na napaka-iksi daig pa ako nitong sasayaw sa club, buti nalang talaga ay maputi ang leegs at tuhod ko dahil kung hindi ay di ako papayag na mag suot nito. Katulad ng dating kong ginagawa nag lagay lang ako ng polbos at liptint
Kinausap ko yung sarili ko sa salamin
Ito ang unang araw ng kalbaryo ko sa school pano ba naman kasi yung napag ka sunduan namin ni ludovic! Malamang eh pag uusapan nanaman ako ng mga studyante sa school argh! Kainis bat kasi pumayag pa ako sa bwisit na deal na yon!"Ma! Aalis na po ako" naghuhugas ito ng pinag kainan niya
"Sige mag iingat ka anak" hinalikan ko na si Mama sa pisngi at sabay ng umalis
___________________________________
Kasalukuyan akong naka sakay sa jeep ngayon! Syempre katulad ng dati siksikan nanaman. ng mapatingin ako sa matanda na nasa harapan ko ngayon ay titig na titig ito sa'kin para bang may gusto itong sabihin! Hindi na ako nakapag tiis kaya tinanong ko na si nanay
"Hello po may problema po ba" tanong ko dito kasi iba talaga yung titig niya
"Mag iingat ka ineng wag kang magpapadala sa galit mo! Hanggat maaari habaan mo ang pasensya mo sana ay ma control mo ang sarili mo!" Ang weird naman ni lola tsaka anong mag iingat,mag papadala sa galit? Wala naman akong kaaway o kagalit hays!
YOU ARE READING
The Girl With A Secret [ON-GOING]
Romancethe girl with a secret that she doesn't tell anyone To protect her mother but one day there was a boy who knew her secret and uses it to blackmail her the woman who has many secrets because she doesn't want to hurt the one she loves This is my firs...