chapter 4

17 4 4
                                    

nagising ako sa sinag ng araw at sa mga ibon na umaawit sa may bintana ang ganda nilang pag masdan at ang sarap sa tenga ng mga boses nila naisipan kong kuhanan ito ng litrato at pag tapos nun ay nag si liparan na ang mga ito kaya napag isipan ko na ring bumangon at pumunta na ako ng banyo para mag hilamos, nagtataka lang ako kasi hindi ako ginising ni Mama eh pag tingin ko sa cellphone ko kanina 8:27 na samantalang dati 7:00 palang ginigising niya na ako para mag almusal, hays! puntahan ko kaya si Mama sa kwarto niya baka tulog pa

Pag bukas ko ng pinto ay wala si Mama

"Hays saan kaya pumunta si Mama" napalingon ako ng bigla akong  nakarinig  ng pag bukas ng gate.

"Oh anak gising kana pala sorry dipa ako nakakapag luto ng almusal" hinihingal niyang saad.

"Ayos lang po Ma, Ako nalang po mag luluto, saan ka pala galing Ma at hingal na hingal ka? " Tanong ko.

"Ah si tito Roel mo kasi Nak inaya akong lumabas kanina" i rolled my eyes that guy again

"At pumayag ka naman alam mo naman na ugali nun bat pa kayo pumayag na sumama!  Ano bang sabi sayo? " Naiinis kong tanong

"Humingi lang ng pasensya yung tao Anak" pasensya! ulol lunukin niya yung pasensya niya

"Sige na Ma magluluto na ako ng almusal naten mag sisimba pa tayo!, Kahit kailan talaga napaka rupok mo buti nalang di ako nag mana sayo Ma" inirapan niya lang ako at pagka tapos ay tinalikuran lang ako nito

"Jusq anak linggo pala ngayon! Araw nga pala ng pag samba" yan kasi inuuna mo yang karupokan mo tsk.

Pag tapos namin kumain ay nag bihis na kami ni Mama,  Ang araw  ng linggo ay nilalaan namin sa diyos

Born again christian kami ni Mama  at every sunday ay nag sisimba kami at nag so-song lead ako sa church namin

"Bilisan mo na anak malelate na tayo" oo na ito na  nga nag mamadali na nga ako eii

Nag abang na kami ng masasakyan at ilang sandali pa ay naka rating na nga Kami

9:30 Am na, hudyat na mag sisimula na ang aming gawain at nag salita na nga ang ma ngu-nguna Sa'min

"Tayo po ay tumayo para sa ating pag aawitan at tinatawagan ko po si Sister Sol upang pangunahan tayo sa pag aawitan" at  pumunta na nga ako sa unahan

"Amen tayo pong lahat ay umawit, awitan natin ang ating panginoon sakanyang kabutihan na ginawa sa ating buhay awitin po natin ang  "At the cross "

At the cross i bow my knee when your blood was shed for me there's no greater love than this.

Naka pikit ang aking mga mata habang dinadama ang presensya ng lord

"Sunod po nateng awitin ang Still" sabay-sabay po tayong umawit.

Hide me now under your wings
Cover me within your mighty hand

Habang umaawit ay naka tingin ako kay Mama alam kong minsan na siyang sumuko pero nung nakilala namin ang panginoon parehas kaming nabigyan ng pag asa.

when the oceans rise and thunders roar
I will soar with you above the storm
Father you are king over the flood
And i will be still know you are God🎶

At pagkatapos kong kumanta ay bumaba na ako sa stage at nag simula na rin ang sermon

Tahimik lang kami ni mamang nakikinig sa pastor na nasa harap namen at malapit na rin namang matapos ang sermon at talagang napaka ganda ng passage na aming napakinggan

1 PEDRO 3: 3-4

ANG INYONG GANDA AY HUWAG MAGING PANLABAS LAMANG TULAD NG PAG AAYOS NG BUHOK AT PAG SUSUOT NG MGA GINTONG  ALAHAS AT MAMAHALING DAMIT ⁴ SA HALIP PAG YAMANIN NINYO ANG KAGANDAHANG NAKA TAGO SA PUSO,ANG KAGANDAHANG WALANG KUPAS NA NILIKHA NG MAAMO AT MAPAYAPANG DIWA NA LUBHANG MAHALAGA SA PANINGIN NG DIYOS.

The Girl With A Secret [ON-GOING]Where stories live. Discover now