Hi sorry again sa mga grammatical Error at sorry din if natatagalan ang pag ud medj busy din kasi.
------------------------------------------------------------------------
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, hays today is hell day, bulong ko sa sarili ko. ito ang unang araw ng pag papanggap namin ni Ludovic bilang mag jowa, hindi ko alam kung paano umakto dahil hindi pa naman ako nagkakaroon ng karelasyon kaya hindi ko alam kung ano gagawin ko. Siguraduhin niya lang na hindi ako guguluhin ng mga babae niya dahil kung hindi malilintikan siya sa'kin
Bumangon na ako sa pagkaka higa at pupungay-pungay na tumayo, ang sabi ni ludovic kahapon ay simula ngayon sabay kaming papasok at hatid sundo niya ako sus alam ko namang hindi niya gagawin yun, napukaw ako sa kakaisip ng bigla akong tinawag ni mama
"Sol bumangon kana diyan, nasa baba iyong nobyo mo" mapang asar na saad ni mama na animoy kinikilig
"What sinong boyfriend po Ma" don't tell me nasa labas ka ludovic, No! hindi naman niya alam kung saan ang bahay namin.
"Ano kaba anak wag kanang mahiya pinag daanan ko na yan Sus! aba basta wag mong pababayaan ang sarili mo oh siya umayos kana at kanina pa daw iyon nag hihintay sayo sa labas" sobrang aga niya naman, kakagising ko lang ni hindi pa nga ako nag sisipilyo
Dali-dali akong naligo at nag bihis shit kung bakit ba kasi kay aga-aga ay may bumibisita dito sa bahay. Imposible namang si ludovic yun kasi di naman niya talaga alam kung sa'n ang bahay namin shocks.pag katapos ko ay bumaba na ako upang silipin kung sino ang nasa baba. Lord please lang wag naman sana si Ludovic.
"Anak aba eh napaka gwapo naman pala ng nobyo mo hindi mo sinasabi sa'kin na may nobyo kana pala at alam mo bang 6;30 palang ay nandito na siya " mahigit 30 minutes siyang nag hintay aba di ko na ata kasalanan yun
"Ma hindi ko po siya" natigil ang sasabihin ko ng biglang nag salita si ludovic
"Tita gusto mo po ba mag kwentuhan tayo" madiin na pagkakasabi niya at alam ko naman kung anong ibig sabihin niya
"Ma hindi ko po sinabi sayo agad kasi po kagabi ko palang siya sinasagot " peke akong ngumiti, lagot ka sa'kin wala sa usapan na sasabihin niya kay Mama.
"Ay ganun ba, oh siya wag mong sasaktan ang anak ko. Sa wakas naman ay may mag babantay na sa anak ko talagang dalaga na nga siya" agad namang kumunot ang noo ko
"Maaaaaa" nakakahiya baka isipin ni ludovic na mama's girl ako
"Nag almusal kana ba iho" no hindi kami pwedeng mag stay ng matagal baka may masabi pa siya kay mama
"Ah hindi na po Ma, sa labas nalang po kami kakain, diba love" pinanlakihan ko siya ng mata bilang senyas na tumango siya
"Ah yes po tita, sa labas nalang kami kakain maaga pa naman po" naka ngising saad niya
palabas na kami ng gate ni ludovic ng bigla kong pitikin ang tainga niya dahilan ng pamumula nito
"Aray! what are you doing, bat mo naman pinitik yung tainga ko" masungit na saad niya
"Kasi ikaw nakakainis ka bat ka pumunta dito sa bahay" bulyaw ko sakanya,
"Diba sabi ko naman sayo sabay na tayong papasok kaya ihahatid sundo kita at wala ka ng magagawa kilala na ako ng Mama mo at mukhang boto naman siya sa'kin" ang kapal naman talaga ng mukha. Hindi na ako nakipag talo pa sakanya tahimik nalang akong pumasok sa kotse niya
Habang nasa biyahe ay pa simple kong tinitignan si Ludovic. Iniisip ko kasi kung bakit kailangan namin mag panggap kung bakit ginagawa niya ito! Hindi ko alam kung anong purpose niya ang weird. tumikhim ako upang pukawin ang katahimikan
YOU ARE READING
The Girl With A Secret [ON-GOING]
Romansathe girl with a secret that she doesn't tell anyone To protect her mother but one day there was a boy who knew her secret and uses it to blackmail her the woman who has many secrets because she doesn't want to hurt the one she loves This is my firs...