Prolugue

116 3 0
                                    

"Bakit mo ko iniwan!!!mahal na mahal kita!!! Ikaw lang ang buhay ko,paano na ko ngayong wala ka na!!!" Humahagulgol na sabi ni cassandra sa kanyang duguan na nobyo.

"Pppinapangako ko...magkkikita pa tayong muli...sisiguraduhin ko na sa pagkikita natin ay matutuloy na natin ang naudlot nating pagmamahalan..." At unti-unting nagsara ang mata ng kanyang nobyo.

"Carlos mahal ko!!!" Yan lamang ang tanging nasabi ni cassandra habang hawak ang kamay ng bangkay nyang nobyo.

Nagulat na lamang sya ng may humatak sa kanya at kinaladkad palayo sa katawan ng kanyang patay na nobyo.

"BITAWAN MO KO FRANCO!!!HINDING HINDI AKO SASAMA SAYO!!!" Pinipilit ni cassandra na kumawala sa mahigpit na hawak ni franco.

"Kahit anong sabihin mo wala ka ng magagawa dahil patay na si carlos!!! Akin ka lang cassandra!!! Akin ka lang!!!" Habang hatak-hatak pa rin sya...

Hindi na napigilan pa ni cassandra ang mga luhang tuloy-tuloy sa pagpatak mula sa kanyang mga mata... Lumingon siyang muli sa duguang bangkay ni carlos... Laking gulat nya ng may isang malaking liwanag ang biglang lumitaw sa tabi ni carlos...

Agad niyang tinadyakan si franco upang makalapit kay carlos... Nabitawan sya ni franco, agad siyang tumakbo papunta sa lumiliwanag na bilog.

"CASSANDRA!!!!!" Hindi nagpatinag si cassandra sa galit na galit na sigaw ni franco. Mas lalo nya pang binilisan sa pagtakbo.

"Carlos sasama ako sayo!!!" Nasambit niya bago tuluyang pumasok sa lumiliwanag na bilog.

Nang makalabas siya sa lumiliwanag na bilog ay nagulat sya ng may mga bakal na nag-aandaran sa paligid nya at gumagawa ng mga tunog.

"Miss magpapakamatay ka ba!" Sigaw ng mga tao na nakikita nya na nasa gilid ng daang kinatatayuan niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid. Punong puno ito ng mga nag gagandahang ilaw. At may naglalakihan rin na gusali. At iba ang kasuotan ng mga taong naririto...

"Miss umalis ka dyan sa gitna ng kalsada! Baka mabunggo ka ng kotse!" Sigaw ng isang matandang babae habang nakaturo sa mga bakal na nag aandaran... Kotse pala ang tawag sa mga bakal na umaandar na ito...

Ngunit nagulat na lang siya ng makita si franco na papalapit sa kanya... Nakapasok rin pala ito sa bilog na lumiliwanag... Agad siyang tumakbo, ngunit di pa siya gaanong nakalalayo ng may marinig siyang tunog... nang lingunin niya ito'y...

*BEEP!!! BEEEP!!! BEEEEP!!!*

Agad siyang tumilapon ng mabunggo nang bakal na umaandar na ang tawag ay kotse... Agad na may lumabas na isang lalaki sa kotse at lumapit sa kanya... Nanlalabo na ang kanyang paningin... lumingon siya kay franco at nakitang papalapit na ito sa kanya...

Agad niyang hinawakan ang kamay ng lalaking lumabas sa kotse at sinabing..."Ilayo mo ko sa kanya... tulungan mo ko!" Naramdaman niyang binuhat siya ng lalaki bago siya tuluyang nawalan ng malay...

Secret GardenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon