Sorry sa late update! -__-V
2 weeks din akong di naka-update....sorry....saka medyo maikli lang tong update na to kasi medyo busy eh....
Pero dahil 200 reads na nag change na ako ng new cover!!
Vote and comment pls!!!
Be a FAN
******
Cassandra's POV:
"Bitawan mo nga yung kamay ko!" Ako na pilit na tinatanggal yung kamay ng lalaking to.
"Sabing bitawan mo yung kamay ko eh...saan mo ba ako dadalhin..."
Ano ba naman tong lalaking to....siya na nga tong nang hila tapos siya pa yung suplado.
"SAAN MO SABI AKO DADALHIN!!!" Sigaw ko...nakita kong maraming napatingin sa amin pero itong lalaking to parang wala pa ring narinig.
"Pag di mo pa ako sinago-----"
"SA LANGIT!" Sigaw niya.
Sandali lang...sa langit daw...sabi naman nung babaeng nakausap ko hindi pa naman daw ako patay...ibig sabihin yung sinasabi niyang langit ay yung....yung...yung...
Nagulat na lang ako nang nasa silid na ako na pinanggalingan ko ng magising ako...nanlaki pa lalo ang mga mata ko ng bigla niyang sinara yung pinto...
"AAAHHHHHH!!!!!" Sigaw ko sabay hampas sa kanya ng sunod-sunod...
"Hoy ano ba. Bakit mo ko hinahampas!"pabulong niyang sabi sa kin sabay hawak sa balikat ko.
"AAAHHHH!!!BASTOS!!!!" Sigaw ko ulit sabay tabig sa mga kamay niya na nakahawak sa mga braso ko.
Dahil sa sobra kong kalikutan ay nadulas ako...mabilis ko siyang hinila pero parang mali yung ginawa ko kasi parehas kaming natumba....
Ang kinalabasan ay nakapatong siya sa akin....
Napatitig ako sa mga mata niya...nakita ko rin na nakatitig din siya sa akin...ang ganda ng mga mata niya...napahawak ako sa dibdib niya para medyo magkaroon ng puwang sa mga katawan namin....bakit parang bakal tong dibdib niya...
Napatitig ulit ako sa mga mata niya...nakita kong unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin...bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko...
Dug.dug.dug.dug.
Hindi ko alam kung bakit pero kusang pumikit ang mga mata ko...naramdaman kong malapit na ang labi niya sa labi ko...nang maglalapat na ang mga labi namin ay....
"Kuya di ko na nahabol si darre----OH MY GOSH!!!SHIT!!!MY VIRGIN EYES!!!!SIGE PAGPATULOY NIYO NA YUNG GINAGAWA NIYO!!!BYE!!!" Yung babaeng kapatid nung lalaking bumunggo sa akin....
Nanlaki na lang ang mga mata ko! Agad ko siyang tinulak at agad na tumayo at akmang lalabas din pero agad din niyang hinila ang kamay ko...
"Saan ka pupunta?"tanong niya sa akin....bakit parang wala lang sa kanya yung muntikan nang mangyari kanina.
"Sa la....la....sa labas lang ako...." ako sabay akmang bubuksan na yung pintuan kasi pakiramdam ko umiinit yung pisngi ko....pero bigla niya ulit akong hinila.
"Wa...wag ka nang lumabas....mag...pahi...pahinga ka na lang...dito....ako na lang yung lalabas...kaya....kaya nga kita dinala dito sa kwarto para makapagpahinga ka para bu....bukas.....makalabas ka na di...di...dito....sige magpahi.....magpahinga ka na..."sabi niya ng nakatingin sa taas...at teka lang bat namumula yung pisngi niya.
"Te...teka..."ako
Pero di ko na siya natawag dahil nakalabas na siya....
Mali yata ako nang iniisip....parang apektado din siya eh...
Franco's POV:
"Paano mo ko matutulungan!" Agad kong tanong sa babaeng humatak sa kin ng nasa tapat na kami ng bahay niya. Mukhang mansyon itong bahay niya.
"Kailangan mo ng pera diba....matutulungan kita!" Sabi niya sabay pasok sa malaking pintuan.
Sinundan ko siya..."Hindi ko kailangan ng pera! Ang kailangan ko eh mahanap si cassandra!" Sigaw ko
Nakita kong parang nagulat siya pero agad din siyang ngumiti.
"May hinahanap ka pala...mas matutulungan kitang mahanap ang babaeng hinahanap mo!"siya sabay ngiti sa akin ng matamis.
"Paano!"tanong ko
"Simple lang yan....may pera ako...may tao akong uutusan para hanapin ang babaeng hinahanap mo...pero gagawin ko lang yun kung susunod ka sa kondisyon ko..."siya ulit sabay titig sa mga mata ko...
"Anong kondisyon?"
"Maging modelo ka ng kompanya namin and then ipapahanap ko ang babaeng hinahanap mo!"siya sabay lapit sa kin...."so deal" siya sabay lahad ng kamay sa harap ko...
Kahit di ko maintindihan ang sinabi niya ay agad kong hinawakan ang kamay niya..."DEAL!"
********
SANA MAGUSTUHAN NIYO! :-)
VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
Secret Garden
Randomwhat if PAST meets PRESENT? what if the one you love is in PRESENT but your one great love is in the PAST? who will you choose.... your PAST or your PRESENT? this story will help us know that our past can also be our present... and our present can...