CHAPTER 1:MISS STRANGER

55 3 2
                                    

Zachary's POV:

"doc kamusta po yung lagay nya!" Agad syang napatayo ng lumabas ang doktor sa kwarto ng babaeng nabunggo niya.

"She is okay right now. Di naman ganon kalala ang pagkakabunggo mo sa kanya! Baka pwede na siyang lumabas oras na magising siya."

Nakahinga ako ng maluwag. "Thank you doc... Akala ko napatay ko na siya eh..."

"Sige maiwan na muna kita." magalang na paalam ng doktor.

Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at dali-daling tinawagan ang kanyang kaibigan.

"Hello roven, anong balita. Alam mo na ba kung saan pumunta si Monique!" Tanong ko ng agad niyang sinagot ang tawag ko.

"According to the list of the airport, walang umalis na Monique Yan nang May 16,20**" kalmadong sabi ni Roven

"THAT'S BULLSHIT!!! HINDI YAN MAAARI!!!
KAILANGAN MAHANAP MO SI MONIQUE!!!" yan ang sinabi ko at agad kong pinatay ang tawag.

Monique na saan ka na ba? Ayokong sumuko sa paghahanap sayo... Ikaw lang ang buhay ko. Kailangan kitang mahanap.

Nang mahimasmasan ay agad akong pumasok sa kwarto ng nabunggo ko. Kailangan kong malaman ang pangalan niya para mapa-trace ko ang pamilya niya para malaman ang kalagayan niya.

Agad akong lumapit sa babae na nabunggo ko. Bakit kaya siya hinahabol ng lalaki kanina sa highway. Saka bakit mukha siyang takot na takot kanina!

Tinitigan ko siya. Maganda siya. Maputi, matangos ang ilong, makinis ang balat, at tama lamang ang pangangatawan. Ang ganda niya kahit siya ay natutulog.

Hay ano ba tong iniisip ko... Si Monique ang dapat na iniisip ko hindi ang babae na ito...

Pero di ko alam kung bakit pero unti-unting lumalapit ang kamay ko sa kanyang mukha. Nang malapit na ang kamay ko sa kanyang mukha ay biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Hello Chanel"

"Kuya nasan ka na ba? Nandito na ko sa bahay?"

"Nasa ospital ako."

"WHAT!!!! BAKIT!!! NAAKSIDENTE KA BA KUYA!!!"

Agad kong nilayo ang cellphone sa tenga ko... Ang sakit talaga sa tenga ng boses ng kapatid ko.

"Hindi ako naaksidente... may nabundol ako!!!"

"WHUUATTTT!!!! SAANG OSPITAL YAN PUPUNTAHAN KITA DYAN KUYA!!!!"

Sinabi ko naman sa kanya kung saang ospital kami naroroon.

"Okay I'll be there as fast sa I could..." yan ang huling sinabi ng kapatid ko ng matapos na ang tawag namin.

Tiningnan kong muli ang babae na nabunggo ko... ano kaya ang pangalan niya...

Di ko alam kung bakit pero kusang lumabas sa bibig ko ang katanungang ito..."Who are you Miss Stranger?"

Secret GardenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon