CHAPTER 2: STRANGER'S KISS!!!

47 2 0
                                    

Cassandra's POV:

Bakit ang dilim... Nasaan na ako... Wala akong makitang kahit ano... Carlos mahal ko nasaan ka na ba? Tulungan mo ko!!!

Nagulat na lang ako ng may munting liwanag ang lumilitaw... at may nakita akong lalaking nakatalikod... kilala ko siya...

SI CARLOS!!!!

Agad akong tumakbo patungo sa kanya ng bigla akong napatigil ng bigla siyang magsalita..

"Mahal na mahal kita Cassandra.... Konting tiis na lang malapit na tayong magkita..." Nakita niyang ngumiti sa kanya si Carlos at mabilis na naglakad....

"Carlos .....wag mo kong iwan...." Napaluhod na lang ako habang nakayakap sa mga binti ko...

Nagulat na lang ako ng may humatak sa kin patayo at sinakal ako....

"MAGKAKAMATAYAN MUNA TAYO BAGO KAYO MAGKASAMA NI CARLOS!!!"

"Fff...f...franco....bitawan mo ko nasasaktan na ko..." ako habang pilit na tinatanggal ang kamay ni franco sa aking leeg...

"AKIN KA LANG CASSANDRA!!!! AKIN KA LANG!!!!" Franco habang mas hinigpitan ang pagkakasakal sa akin....

"Ttt...ttu...tttulungan mmo kko....Carlos!" Nasabi ko bago tuluyang nawalan ng malay...


Zachary's POV:

Nandito pa rin ako sa ospital hinihintay na magising ang babaeng nabunggo ko...at hinihintay ko rin ang kapatid ko na dumating....

Napatingin na lang ako sa pinto ng bumukas ito at niluwa ang kapatid ko...


"THANK GOD KUYA!!! MAY MASAKIT BA SAYO!!!" Si chanel habang kinakapa ang mukha at braso ko...


"Tumigil ka nga! Baka biglang magising yung nabunggo ko sa sobrang ingay mo..."


"Ay sorry.... hehehe...." siya habang nagkakamot ng ulo..."pero teka nga kuya bakit mo ba nabunggo yung girl na yan... infairness maganda siya!!!"

Sasagutin na sana niya yung tanong ni chanel ng makarinig silang dalawa ng ungol...

"Fff...f...franco....bitawan mo ko nasasaktan na ko..."

"CHANEL DALI TUMAWAG KA NG DOKTOR AT NURSE!!!" Ako habang lumalapit dun sa babaeng nabundol ko...


Dali-dali naman na sumunod sa kanya si Chanel... Agad itong lumabas at tinawag ang doktor...


"Ttt...ttu...tttulungan mmo kko...."


Patuloy pa rin siya sa pag-ungol...nagulat na lang ako ng may tumulong luha sa mga mata niya...

Hinawakan ko siya sa dalawang kamay... Nang magbukas ang pinto ay agad na lumapit ang doktor sa kanya..... Nagulat na lang kami ng bigla siyang bumangon at sumigaw....


"CARLOS!!!!!" Mas nanlaki pa ang mga mata ko ng bigla niya akong niyakap at hinalikan...


O___O?

Nakita ko din na napatakip ng bibig si chanel at nanlalaki ang mga mata...

Nang magbitiw ang mga labi namin ay parang nasa state of shock pa rin ako... di ako makagalaw sa kinatatayuan ko... At nakayakap pa rin sa akin ang babae na nabunggo ko...

Bumalik lang ako sa katinuan ko ng bigla akong tapikin ng doktor sa balikat at pinalalabas... Nakita ko na lang na tinuturukan ng kung ano ang babaeng nabunggo ko... at parang nawawalan na ito ng malay...

Pero bago ito mawalan ng malay ay may sinabi pa siya... "huwag mo ko iwan.... Carlos..." hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay...

Nang makalabas na ko ay di ko napigilan ang sarili ko at kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang ito... "F**K!!! SH*T!!! I JUST KISSED A STRANGER!!!!" O___O

Secret GardenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon