"Not so expected, Happy Valentine's!"
Mapipilit ba natin ang isang puso kung hindi naman tayo ang tinitibok nito? Syempre hindi! You won't beg for the love that's not meant for you, let's wait for the right love that will come in a right time. Kapag walang dumating, e baka hindi talaga tayo pinagpala sa pagmamahal na 'yan.
Pero hindi ko pa rin mapigilang masaktan. Isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas simula no'ng umamin ako sa kaibigan ko.
"Ah, Marcus. M-May sasabihin sana ako," sambit ko habang nakayuko.
Kaming dalawa lang ngayon ang tao sa room, ang ibang classmates namin ay umuwi samantalang ang ibang kaibigan naman namin ay nagbanyo muna.
A week before the Valentine's day, I decided to confess my feelings to him.
"Ano 'yon Norm? Bakit napakaseryoso mo yata?" aniya habang natatawa.
Normie. Breath in. Breath out.
I exhaled before I start confessing to him. "I-I like you,"
I stared at him. He was so stunned after I said those words.
Sh*t Normie, why did you confess?! Napapikit ako habang minumura ang sarili. I know, from how I see it. Alam ko na agad kung ano nararamdaman niya siya akin, kaibigan. 'Yon lang ang tingin niya sa 'kin. What a nice Valentine's for you Normie!
"Normie, Marcus tara na!" rinig kong sigaw ng mga kaibigan namin sa labas. Dali-dali kong kinuha ang bag at naglakad palabas.
"M-Marcus, let's go. H'wag mo nang isipin ang sinabi ko. Joke lang 'yon." sabi ko na kunyaring natatawa. Tumango siya at sumunod na rin sa amin.
We were classmates and friends together with our circles since grade 8 until now, we're on our last year being a Senior High School student with the same strand. Noong nag-grade 8 din ako simulang nagka-crush sa kanya. Noong una akala ko simpleng pag-hanga lang, kasi sino ba naman hindi magkaka-crush diyan? Matangkad, gwapo, magaling kumanta, academic achiever, at mabait pa. Sobrang pinagpala ng panginoon. Pero hindi ko inaasahan habang tumatagal, lumalalim na rin ang nararamdaman ko sa kaniya.
For 4 years, I chose not to confess my feelings to him. It's our friendship over anything. Pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko bakit ako umamin sa kaniya. I don't know if I should regret it or not. I'm finally relieved because I am not hiding anything anymore, but its our friendship who got ruined because of this feelings of mine!
"Norm, look. Si Marcus kasama na namn niya si Shane," bulong sa akin ni Angeli habang nakanguso sa dereksyon nila palabas ng gate.
I felt a sudden pain in my chest. So, the rumors are true. Kaya pala hindi na siya sumasama sa amin pa-uwi dahil may iba siyang sinasamahan at hinahatid, si Shane. May mga naririnig ako na nililigawan niya raw si Shane, dahil nga maraming nakakakita na palagi na silang magkasama.
A day after I confessed, doon din siya palaging mailap sa akin. Nagpapansinan naman kami pero hindi gaya dati. Kapag dismissal naman, hindi na rin siya sumasabay sa amin pauwi palaging nauunang lumabas tila nagmamadali. Nagmamadali nga ba o iniiwasan ako?
"Hayaan mo na baka dumidiskarte, pagbigyan muna natin. Para sa pag-ibig at future ni Marcus," Hinila ko siya papunta sa ibang kaibigan namin.
YOU ARE READING
POEMS AND ONE SHOTS!
PoesiaA collection of poems and one shot stories. Thank you for reading!