3

132 5 0
                                    

Pagpasok ko kinaumagahan ay nagtataka ako wala yatang Kyle na bumabati sa akin ng good morning ngayon. Sa ganitong oras nandito na 'yon ngayon tapos binabati na niya ko ng good morning pero wala ngayon. O baka mamaya nandito na siya.

Pumunta na ko sa pwesto ko dahil nakita ko na parating ang professor namin sa first subject.

"Good morning, class. Quiet!" Tumahimik na ang iba kong kaklase na kanina pa maingay. "May sasabihin muna ako sa inyo bago magsimula ang klase natin."

Bumalik na ang iba kong kaklase sa kanya-kanyang upuan at hinihintay ang gustong sabihin ng professor namin sa amin.

"Ang sasabihin ko sa inyo ang tungkol sa nangyari kay Mr. Kyle Gomez."

"Hala, ano po nangyari kay Kyle?" Tanong ng isa kong kaklase na babae. Kahit ako nagtataka kung ano ang nangyari sa kanya.

"Noong Sabado natagpuan ng mga kapulisan ang katawan ni Mr. Gomez na wala ng buhay."

Namilog ang mga mata ko. Sino naman ang gagawa noon sa kanya? Hindi kaya yung killer? Pero ang pagkaalam ko babaeng law student lang ang pinapatay niya. Ibig sabihin hindi lang pala babae ang pinapatay niya.

Naririnig ko ang bulung-bulungan ng mga kaklase ko sa binabalita ng professor namin.

"Ayon sa mga pulis pinatay si Mr. Gomez ng hindi pa kilalang suspect at nangyari ang crimen noong Biyernes ng gabi. Sino dito ang madalas na kasama ni Mr. Gomez?"

"Si Freya po." Sabi ng isa kong kaklase.

"Ms. Acosta."

Tumayo ako. "Hindi ko po kasama si Kyle noong gabing 'yon. Pero aaminin ko po na ako ang kausap niya bago magsimula ang unang klase namin.

"I see... Magiingat ka dahil malapit sa dorm kung saan natagpuan ang bangkay ni Mr. Gomez."

"Malapit po sa dorm?" Napaisip ako bigla doon ah. O pagkakataon lang ang lahat na pangyayari at yung nangyari sa akin na muntik na mapahamak.

"Yes, malapit sa dorm. Baka may nakita kang kahina-hinala ng pauwi ka sa dorm noong gabing 'yon."

Umiling ako. "Wala po."

"I see... Maupo ka na at magsisimula na tayo."

Naglalakad ako pagkatapos ng klase ko pero iniisip ko pa rin ang nangyari kay Kyle. Sino naman kaya ang gagawa noon sa kanya? Sobrang bait ni Kyle kaya imposible may nakaaway siya. O yung lalaking tumulong sa akin noong gabing 'yon. Di ko naman kilala yung lalaking tumulong sa akin kaya hindi ko siya pwede ipagtanggol kung siya nga ang pumatay kay Kyle.

"Hey, watch where you are going!" Bumalik ako sa reality ng may marinig akong boses. "Tsk. Natapon na tuloy yung iniinom ko sa akin."

"Sorry, sorry. Um, pupunasan ko na lang." Kinapa ko ang sarili ko pero doon ko naalala wala nga pala akong dalang panyo. "Sorry, wala akong dalang panyo."

"Anong gusto mong gawin ko? Ako ang magpupunas nito eh, ikaw ang may kasalanan!"

Bago pa ko makasagot may nakita akong nilahad ang kamay na may hawak na panyo dahilan napatingin ako sa katabi ko at laking gulat kong makita kung sino.

Ano ang ginagawa niya dito?

At paano siya nakapasok?

"Nakita kong tinapon mo ang inumin mo sa sarili mo habang malalim ang iniisip niya para ipalabas mong binangga ka niya at natapon sa suot mong uniporme."

"Tsk. At sino ka naman?"

"Subtitute professor niyo ko sa isang subject niyo. Kaya magdasal dasal ka na para pumasa sa subject ko kung ganyan ang ugali mo."

What the hell? Kailan pa nagtapos ng law ang lokong 'to? Ang pagkaalam ko ibang course ang tinapos nito pero hindi ko na maalala at hindi na 'yon mahalaga.

And yes, I admit it he is 5 years older than me.

"Tsk. Makaalis na nga."

Tumingin ako sa kanya. "Stalker nga talaga kita."

"Freya, Freya, dapat nga magpasalamat ka pa dahil niligtas kita doon."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. At pwede ba lumayo layo ka sa akin dahil sa tuwing nakikita kita nasisira ang araw ko."

"Kaya walang nagkakagusto sayo dahil ganyan ang ugali mo."

"Aba–" Pigilan niyo ko baka ano pa ang gawin ko sa kanya. "Pasalamat ka subtitute professor ka dito, kung 'di ano pa ang gawin ko sayo."

Grrr... Bwesit! Sira na talaga ang araw ko kapag nakikita ko ang Delvin De Castro na 'yan.

Mabuti maaga natapos ang huling klase ko kaya maaga rin ako makakauwi sa dorm at may oras pa ko magpahinga bago magaral ng lessons namin.

"Hatid na kita sa dorm mo."

Napatalon ako sa gulat at humarap sa kanya. "Papatayin mo ba ko sa gulat?! Kung maka sulpot ka diyan parang kabute."

"Sorry. Hindi ko sinasadyang magulat ka."

"At hindi mo na kailangan ihatid ako sa dorm. Malapit lang yung dorm dito." Palakad na sana ako nang marinig kong nagsalita siya.

"Ang balita kong may pumatay daw sa isang kaklase mo."

Binaling ko ang tingin sa kanya. "Huwag mong sabihin sa akin may kinalaman ka sa pagpatay kay Kyle? Irereport talaga kita sa mga pulis."

"Ginawa mo naman akong mamamatay tao."

"Why not? Masyado kang misteryosong tao, Delvin. Ni hindi nga namin kilala ang mga magulang mo."

"Importante pa ba 'yon? Hindi 'yan ang dahilan ko kung bakit gusto kita ihatid sa dorm mo."

Kumunot ang noo ko. "Ano na naman ba ang gusto mo ah?"

"Gusto kitang makausap."

"Tungkol saan ba 'yon?"

"Tungkol sa kaklase niyo. Si Kyle Gomez."

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid dahil maraming estudyante at ibang staffs ang lumalabas sa school. Hindi kami pwede magusap dito at marami makakarinig.

"Huwag tayo magusap dito." Hinawakan ko ang kamay niya sabay hatak sa kanya.

Dinala ko siya sa isang lugar na walang tao o wala talagang dumadaan.

"Bakit mo ko dinala dito?"

Tumingin ulit ako sa kanya. "Ayaw ko kasi may makarinig sa paguusap natin."

"Okay...?"

Bumuga ako ng hangin. "Fine. Noong inanunsyo kanina ng isang professor namin sa nangyari kay Kyle ay pakiramdam ko pinaghihinalaan ako ng iba. Hindi porke't ako ang huling kasama ni Kyle ay gagawin ko na sa kanya 'yon. Kaibigan ko siya at hindi ko 'yon magagawa sa kaibigan ko."

"Naiintindihan kita, Freya."

"Ikaw pa lang ang pinagsabihan ko nito. Subukan mong sabihin kay Nate ay ako mismo ang papatay sayo at sisiguraduhin kong hindi ka maidentify ng mga pulis."

"Whoa, relax. May napansin lang ako simulang nawala 'yang Kyle na yan."

"What do you mean?"

"Hindi na rin kasi binalita pang muli na may pinatay na babaeng law student."

"Anong gusto mong ipalabas? Si Kyle yung hinahanap ng mga pulis na killer? Hindi niya 'yon magagawa. Sobrang bait kaya ni Kyle."

"Gaano mo na ba kilala ang Kyle na yan ah?"

"Since first day ko sa law school."

"Ibig sabihin hindi mo pa siya ganoon kilala. Huwag ka magpabulag sa kabaitan ng mga tao nasa paligid mo dahil hindi mo alam ang tunay nilang kulay."

"Gusto mo bang ipalabas na si Kyle ang matagal ng hinahanap ng mga pulis? Yung killer?!"

Umiling siya. "Hindi ko masasagot ang tanong mo, Freya. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin alam ng mga pulis kung sino ba ang prime suspect sa pag gagahasa at pagpatay sa mga babaeng law student."

Hate To Love YouWhere stories live. Discover now