18

100 4 0
                                    

Nagising ako nakatali at hindi ko alam kung saan ako dinala ni Nelson at nang kasamahan niya.

Nilibot ko ang paningin ko medyo madilim at tanging liwanag nagmumula sa buwan lang ang liwanag ko. Sa tingin ko nasa underground ako ngayon. Alam kong may underground dito pero hindi pa ko nakakapunta.

"Mabuti naisipan mo na gumising." Tumingin ako sa magsalita.

"Pakawalan mo ko dito!" Sigaw ko at sinusubukan kong kumawala kaso hindi pa bumabalik ang lakas ko.

"Opps... Hindi pwede." Sabi niya at pinagpapalo niya ang katawan ko dahilan napahiyaw ako sa sakit.

Kapag ako nakawala dito lagot ka sa akin.

Huminto siya sa pagpapalo sa akin. "Siya nga pala may gustong makipag kita sayo."

Tumingin ako sa bagong pasok, sino pa nga ba? Siyempre yung boss nila – ang tatay-tatayan ko.

"Pwede mo na kami iwanan, Nelson."

"Sige po, boss." Lumabas na ang traydor.

"Bakit mo ito ginawa, Delvin? Hindi kita pinalaki para traydurin ako."

"Traydurin kayo? Pfft... Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Ako pa talaga ang iniisip mong traydor sa grupo pagkatapos mo kong paalisin. Anong klaseng tao ka? Tinuring kita na parang ama ko at binubuwis ko ang buhay ko sa bawat misyon na binibigay mo sa akin dati tapos ganito ang ipapalit mo sa akin! Mas pinagkatiwalaan mo pa si Nelson kaysa sa matagal mo ng kilala!"

"Ibalik mo na kung ano ang kinuha mo sa akin."

"Anong kinuha?! Wala akong kinuha sayo!"

"Ang dokumento nakatago sa secret passage. Ikaw at ako lang nakakaalam kung saan maaari makita ang secret passage, Delvin."

"Wala akong ibabalik sayo. Ako ang una nakakuha sa dokumento na 'yon at inagaw niyo lang sa akin kaya kinuha ko na ang dapat sa akin."

"Hindi mo pwede malaman ang naglalaman ng dokumento na 'yon."

Mas lalo akong nacurious kung ano ba talaga laman ng dokumento na 'yon at hindi ko pwedeng malaman. May tinatago ba siya sa akin? Imposibleng may alam rin sila Kent dahil gusto rin nila makuha ang dokumento.

"Kahit mamatay pa ko hindi ko ibabalik sayo ang dokumento."

"Hindi na kita pipilitin kung ayaw mong ibalik sa akin ang dokumento." Sabi niya at lumabas na siya.

Sana may dumating na mga kasamahan ko at makita nila kung saan ko nilagay ang dokumento pati rin ang mensahe ko.

Nilibot ko ang paningin ko baka may makita akong patalim o kahit ano na pwede makasira sa tali hanggang sa may nakita akong kutsilyo kaya pinipilit kong abutin.

Hindi ko namalayan na may pumasok sa loob at pinulot niya ang kutsilyo na kanina ko pa sinusubukang kunin.

Tumingin ako sa kanya. "Reno..."

"Hindi ako makapaniwala na tatraydurin mo rin kami, Delvin. Ang akala ko si Nelson lang ang tray–"

"Kahit ikaw naniniwala na traydor ako. Kahit kailan hindi ako nagtraydor sa grupo."

"Ang huling paguusap natin wala ka ng balak bumalik pang muli dito tapos nagdisguise ka pa na ibang tao. Tsk, sabi na nga ba wala akong maalala na may nirecruit kaming bago. Sabihin mo nga sa akin ano ba ang dahilan mo kung bakit ka pumunta at kinalaban kami?"

"Hindi ka naman maniniwala sa sasabihin ko kahit sabihin ko sayo ang totoo. Sabagay sino ba naman ako para pagpaniwalaan mo. Dating partner mo na pinaalis kaya ang boss niyo pa rin ang pinagkatiwalaan mo."

"Dahil mabait si boss."

"Oo nga mabait siyang tao kaya nga pati siya naloloko na rin ng inakala niyang pagkakatiwalaan niya. Alam nating pareho kung sino ang tinutukoy ko, Reno."

"Ang sakit lang na hindi mo sinabi sa akin na ikaw 'yong kausap ko kanina."

"Kung sasabihin ko sayo maaaring pumalpak ang plano kong makapasok sa head quarter niyo."

Pumunta na siya sa likuran ko at sinira na niya ang tali. "Kahit isa pa kong assassin dapat pagkatiwalaan mo pa rin ako. Pwede kita tulungan sa misyon mo."

Minasahe ko na ang wrist ko. "Hindi ko magawang ipamahak ka kahit mabait ang boss niyo delikado pa rin siya maging kalaban."

"Kaya mas pinipili mong kalabanin siya? Siya ang tumayong ama sayo."

"Exactly, siya ang tumayong ama sa akin pero siya pa rin ang unang nagtraydor sa akin. Pagpasensyahan na lang tayo, Reno ginagawa ko lang misyon ko."

"Saang grupo ka na ngayon? Sa kalaban ba namin?"

Kinuha ko ang damit at sinuot ko. "Isa akong agent. Pumasok ako sa pagiging agent para matuloy ko ang gusto kong mangyari – ang patayin si Nelson."

"Agent? Kaya pala noong isang misyon ko ay nakita kita na parang may hina–"

"Nakita niyo ba si Reno?"

"Sorry, Nelson pero hindi pa namin nakikita si Reno."

Bigla akong napatingin kay Reno dahil hindi pwede malaman ni Nelson nandito siya at pinakawalan niya ko.

"Tsk, saan na naman ba pumunta ang babaeng 'yon?"

Gulat na gulat akong tumingin sa kanya. "Babae? Babae ka? Ilang taon kong inakalang lalaki ka tapos babae ka pala."

Ngumiti lamang siya sa akin. "Mukhang wala na si Nelson. Kailangan mo ng tumakas dito at ididistrak ko si Nelson para hindi niya malaman na tumakas ka."

"Paano ka? Baka mapahamak ka. Alam mo kung gaano kadelikado si Nelson baka ano ang gawin niya sayo kapag nalaman niyang may kinalaman ka kung paano ako nakatakas."

"Huwag mo na ko isipin pa. Paglabas ko dito ay tumakas ka na." Sabi niya at agad na siyang lumabas.

Pagkakataon ko na kaya tumakas na ko sa head quarter. Binalikan ko kung saan ko pinarada ang kotse ko pero wala na doon ang kotse ko kahit rin yung dokumento. Sana sila Kent ang nakakuha ng dokumento.

Nang makarating ako sa hospital ay lumapit na ko sa unang nurse na makita ko.

"Excuse me, nurse."

Lumingon siya sa akin. "Yes po? Sir, gusto niyo po bang dalhin ko na kayo sa emergency room?"

"No, no. Nandito ba si Dr. Matsuda? Kung nandito siya pwede mo ba siyang tawagin?"

"Wait lang po. Tatawagin ko lang si Dr. Matsuda."

Sumandal na ko sa pader dahil nanghihina na naman ako. Hindi pa rin bumabalik ang lakas ko at mabuti nga nakarating ako agad sa hospital. Baka dito muna ako babawi ng lakas bago ako uuwi sa amin.

Humanda ka sa akin, Nelson kapag bumalik na ang lakas ko. Gaganti ako sa lahat na pinag gagawa mo sa akin ngayon. Hinding hindi ko kakalimutan ang araw na 'to.

Hate To Love YouWhere stories live. Discover now