Epilogue

266 4 0
                                    

"Delvin, hindi mo ba sasagutin ang tawag sayo? Kanina pa kasi tumutunog at nakakairita na." Sabi ni Clark.

Kinuha ko na ang phone ko sa desk bago sinagot ang tawag.

"Finally, you answer my call."

Kumunot ang noo ko. "Sino 'to? Bakit na sa 'yo ang phone ni Freya?"

"Baka nakalimutan na kung sino ako kaya magpapakilala ako sayo, ako lang naman si Blaire Ventura. Oh, ayan kilala mo na ko ah."

"Bakit na sa 'yo ang phone ni Freya?"

"Kaya ako ang tumawag sayo gamit ang phone ni ate Freya para sabihin na manganganak na siya. Yes, tama ang dinig mo parating na ang anak niyo."

Kinalabit ko si Nate dahilan lumingon siya sa akin at para rin sabihin sa kanya nanganak na si Freya.

"What? Really?" Lumapit siya sa akin at nilapit ang tenga sa phone.

"Saang hospital si Freya?" Tanong ko.

Sinabi na ni Blaire kung saang hospital dinala si Freya. Shit, hindi ako makapaniwalang dumating na ang anak namin.

"Susunod ako sayo mamaya. Tatawagan ko lang sila mom para sabihin nanganak na si Freya." Sabi ni Nate.

"Wow! Congrats." Sabi ng iba.

"Welcome to fatherhood." Sabi naman ni Calvin.

"Salamat. Una na ko sa inyo."

Pagkarating ko sa hospital si Blaire pa lang nakita kong nakaupo sa labas ng delivery room kaya nagpasya na kong lapitan siya.

"Blaire, ano na ang balita kay Freya at sa anak namin?"

Lumingon siya sa akin. "I don't know. Hindi naman ako pwede pumasok sa loob para malaman kung ano na ang nangyari kay ate Freya."

"Tsk. Pasalamat ka babae ka." Umupo na ko sa bakante at hinihintay na may doctor na lumabas mula sa delivery room.

Tumayo na ko nang may doctor na lumabas.

"Sino ang kamag-anak ng pasyente?"

"Ako ho! Asawa niya ko."

"Congratulations, Sir. You're having a healthy baby boy."

Napangiti ako. "Thank you, Doc."

Pagkaalis ng doctor ay tumingin ako kay Blaire.

"Mauna ka na sa room ni Freya at hihintayin ko ang pagdating nila Nate dito."

"Baka hanapin ka ni ate Freya pagkagising niya."

"Alam mo ba nandidilim paningin ko sayo. Kapag sinabi kong mauna ka na, mauna ka na at susunod ako pagdating nila Nate."

Tsk, bagay nga talaga sila ni Damian dahil pareho silang hindi marunong sumunod sa instruction. Bwesit. Nakaka gigil! Dapat maganda ang araw ko ngayon dahil dumating na ang anak namin ni Freya.

Lumapit na ko pagkakita ko kila Nate.

"Delvin, kamusta na si Freya?"

"She's fine po."

"Eh, ang anak niyo? Lalaki ba o babae?"

Hindi pala sinabi ni Freya sa mga magulang niya ang gender ng anak namin.

"Lalaki po ang anak namin."

"Lalaki pala ang kauna-unahang apo natin, Neil. Ano kaya nga ang magandang ipangalan sa kanya?"

"Fannie, mas mabuti kung ang magasawa ang magbibigay ng pangalan sa anak nila."

"Kaya Nate, magasawa ka na rin."

Hate To Love YouWhere stories live. Discover now