17

106 4 0
                                    

Delvin's POV

"Magiingat ka sa misyon mo." Sabi ni Kent.

"Tandaan mo naghihintay ang asawa mo sa pagbalik mo." Sabi naman ni Yuuta.

"Oo, alam ko."

As if may mauuwian pa ako kapag natagalan ako sa misyon na 'to. Kilala naman siguro nila ang ugali ni Freya.

Nagdisguise muna ako para hindi ako makilala ng mga makakalaban ko bago pa ko dumeretso sa assassin head quarter.

Nilibot ko ang paningin ko pagkarating ko sa head quarter nila. Matagal tagal na rin pala ang huling punta ko dito. Ang akala ko hindi na ako makakaapak pang muli dito sa head quarter.

"Hey!" Nagulat ako ng may nakapansin sa akin kaya lumingon ako, si Reno lang pala. Pwede ko siyang gamitin sa misyon ko at sana mapapatawad ako ni Reno sa gagawin ko. "Ngayon lang kita nakita ah. Paano ka nakapasok dito? Spy ka, 'no?"

"Uh... Um, hindi ako spy. Bagong recruit lang ako dito."

"Wala akong maalala na may plano magrecruit ng bago si boss. Oh, well..." Nilahad niya ang palad niya. "Ako nga pala si Reno Valenciano."

Alam ko na ang pangalan mo pero kapag nalaman mong kung sino ang nasa harapan mo – hindi ko alam ang magiging reaksyon niya.

"Um, um..."

"Relax. Hindi naman kita sasaktan o kung ano man."

"Dion ang pangalan ko."

"Nice to meet you, Dion." Sabi niya sabay hakbay sa akin. "Since baguhan ka pa lamang dito kaya itour kita sa head quarter para maging familiar ka agad."

"Reno..."

"Wait lang ah." Pumunta na siya sa taong tumawag sa kanya.

Sinundan ko ng tingin si Reno at nakita ko kung sino ang tumawag sa kanya – si Nelson. Nandito pala ang traydor.

I remember ang sabi ni Reno sa akin dati na hindi umaaksyon ang boss nila para tanggalin ang traydor. Ano kaya ang binabalak niya kung bakit hindi niya tinatanggal si Nelson? May alam rin naman siya na may balak si Nelson na patayin ako kaya uunahan ko na siya hangga't wala siyang ideya na nandito ako ngayon.

Habang abala ang ibang assassin ay pumunta na ko sa isang silid kung saan nakalagay ang mga dokumento na tinatago nila.

Sana mahanap ko na yung dokumento na kinuha nila sa akin noong huling misyon ko at makauwi na agad.

Pero hindi ako pwede maging kampante na madali itong misyon ko dahil professional assassin ang pwede kong makabangga.

Nagtago ako ng may narinig akong mga yapak at papalapit sa direksyon ko.

"Bakit ba kasi hindi pa rin pinapaalis ni boss 'yang si Nelson."

"Kaya nga. Dapat siya yung natanggal hindi si Delvin. Ano kaya ang iniisip ni boss kung bakit hindi niya pinapaalis si Nelson?"

Ibig sabihin pala marami ring assassin ang may ayaw kay Nelson.

Dahan-dahan na kong unaalis sa pwesto ko pero sa masamang palad may naapakan akong isang bagay na maingay.

"May tao ba diyan?!"

Nagmamadali akong hanapin ang secret passage. Ako at ang tatay-tatayan ko lang nakakaalam tungkol sa secret passage dito.

Ang mga tinatago dito ay ang mga mahalagang dokumento. Kung wala sa itaas ibig sabihin dito nilagay yung kinuha nilang dokumento sa akin.

Napangiti ako ng makita ko na ang dokumento na hinahanap ko.

Nilagay ko na ang dalawang daliri ko sa ear piece. "Nakuha ko na yung dokumento."

"Good."

"Pero may isang problema. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito dahil ang daming assassin sa labas."

"Guys, nakita niyo ba yung bagong recruit?" Rinig kong tanong ni Reno.

"Anong recruit? Wala tayong bagong recruit, Reno."

"Meron. Kausap ko nga siya kanina at ang sabi niya bagong recruit lang daw siya."

"Galing ako sa opisina ni boss kanina at wala siyang nabanggit na may bago tayong recruit. Kung meron man sana kanina pa niya tinatanong kung dumating na ba yung rookie."

Naloko na. Kailangan ko ng umalis dito bago pa nila 'ko mahuli at malaman kung sino ba talaga ko.

Kaso paano ba ko makakaalis na hindi nila namamalayan?

Idinikit ko ang tenga ko sa pader para malaman kung may tao pa ba sa labas pero mukhang wala ng tao. Kaya kinuha ko na ang pagkakataon na lumabas habang wala pang bumabalik.

"Hoy! Sino ka?"

Shit, naloko na talaga. Hindi ako pwede magpahuli sa kanya kung 'di hindi ko mababalik sa head quarter ang dokumento na kinuha nila sa akin noon. Wala nga kong ideya na importante rin pala ito sa tatay-tatayan ko.

Nacurious tuloy ako kung ano ang nakalagay sa dokumentong ito kung bakit gusto niya rin makuha at tinago pa sa secret passage.

Imbes na humarap ako sa kanya ay tumakbo ako ng mabilis. May mga dumadating kaya napatalon ako sa taas nila para makatakas.

"Anong ginagawa niyo?! Habulin niyo!"

May narinig akong ingay. Shit, may nagpatunog sa alarm para malaman ng iba na may kalaban nakapasok. Kailangan ko na magmadali kung 'di hindi na ko makakalabas na buhay dito.

Bago pa tuluyan na magsara ang labasan ay nagpaslide ako para makalabas na ng tuluyan.

"Akala niyo mahuhuli niyo ng buhay. Over my dead body." Nakangisi kong sabi saka inalis na rin ang pang disguise ko.

Pero hindi pa rin ligtas dito kaya kailangan ko na umalis agad baka may makakita pa sa akin.

Bumalik na ko kung saan ko pinarada ang kotse

"Halt!" Itinaas ko ang dalawang kamay ko. "Akala mo matatakasan mo ko ah."

Humarap na ko sa kanya. "Masyado kitang minaliit, Nelson."

"Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo kung bakit ka pumasok sa head quarter namin at nagdisguise ka pang bagong recruit kahit wala naman kami nirecruit na baguhan."

"Kinuha ko lang ang kinuha niyo sa akin noon."

"Mali ang binangga mo, Delvin."

"Huwag mo sana kalimutan kung sino ang kaharapan mo ngayon. Kung matapang ka hindi ka uurong dito, Nelson." Hinahamon ko siya makipag laban sa akin ng patas.

Iniilagan ko ang lahat na suntok at sipa ni Nelson. Hanggang ngayon mahina pa rin siya sa close fight. Kaya binigyan ko siya ng suntok sa sikmura dahilan napaluhod siya sa harapan ko.

"Ack... Malakas ka pa rin."

"Huwag mo kasi ako minamaliit kahit matagal na kong wala na sa pagiging assassin."

"Sino ba ang nagutos sayo na pumasok sa head quarter namin? Sino ang boss mo ngayon?"

"Hindi na mahalaga kung sino ang nagutos sa akin. Ang mahalaga naku–" Naputol ang sasabihin ko dahil parang may kung anong tumusok sa leeg ko at bigla rin akong nanghina. "A-Ano ang ginawa mo sa akin."

"Hindi ako tanga na pupunta dito na magisa."

Shit, hindi ko na malagaw ang buong katawan ko. Yung bagay na tumusok sa akin ay pang paralyze para hindi ako makagalaw.

Hate To Love YouWhere stories live. Discover now