14

107 5 0
                                    

Delvin's POV

Maaga ako magising para magluto ng agahan namin ni Freya. Ngayon ang unang araw na asawa ko na siya. Hirap pa rin paniwalaan na magpapakasal ako.

Hindi ko na inabalang gisingin si Freya baka kasi magalit pa sa akin kaya nauna na kong kumain at may pupuntahan pa ko.

Nagiwan ako ng note kay Freya baka kasi hanapin ako pagkagising niya.

Tumingala ako pagkarating ko sa pupuntahan ko. "Di ko inakala na babalik ulit ako dito."

"Oh, Mr. De Castro."

"Attorney, tamang tama nandito kayo ngayon."

"Ano ang kailangan mo sa akin?"

"Gusto ko lang kayo makausap tungkol sa kondisyon na binigay ng matandang 'yon sa akin. Um, sinabi ko rin 'to sa inyo na hindi ako interesado sa mana pero biglang nagbago ulit ang isip ko."

"Sa anong dahilan kung bakit nagbago ang isip mo, Mr. De Castro?"

"Natupad ko na ang kondisyon na magpakasal ako para makuha yung mana pero imbes na sa pangalan ko. Pwede bang pangalan na lang sa magiging anak ko?"

"Anak mo?! Hindi ko inakala na may anak ka na pala. Okay, walang problema. Aayusin ko ang mga dokumento para mailipat sa anak mo itong mansyon. Ano pala pangalan ng anak mo?"

"Hindi pa nanganganak ang asawa ko at isang buwan pa lang siyang buntis."

Hindi pa nga namin alam kung ano ang gender niya, eh.

"I see... Tawagan mo na lang ako kapag nanganak na ang asawa mo para ayusin ko na ang mga dokumento."

"Thank you."

Napansin kong tulog pa rin si Freya dahil wala pang bawas yung niluto ko bago ako umalis kanina. Mukhang napagod kagabi.

Napangiti ako sa tuwing naalala ko ang nangyari kagabi. Di ako makapaniwalang papayag si Freya na may mangyari ulit sa amin.

I know she likes me, pero ano kaya ang nakain niya at bigla siya nagkagusto sa akin?

Napatingin ako sa phone ko ng may tumatawag sa akin – it was Clark. Right hand siya ni Kent kahit noong mga bata pa lang kami. Masyado kasing close ang magkapatid na 'to.

"What's up?" Pagkasagot ko sa tawag.

"We have an emergency. Kailangan mong pumunta sa head quarter ngayon."

"Huh? Alam mo namang hindi ako pwedeng umalis na hindi alam ni Freya."

"Magpaalam ka sa kanya. Papayagan ka naman siguro ni Freya na makipag kita sa amin."

"Sana ganoon kadali. Tulog pa rin siya hanggang ngayon."

Ugh, bahala na nga. Mahabang paliwanag na naman nito kay Attorney mamaya paguwi ko.

Ang hirap pala magkaroon ng asawa na isang abogado lalo na't buntis.

"Fine, pupunta na ko diyan."

Sa malayo pa lang ako ay tawanan nilang lahat ang naririnig ko. Akala ko ba may emergency dapat sineseryoso nila kung ano man ang emergency na sinasabi ni Clark kanina.

Nilibot ko ang paningin ko at mukhang si Nate lang ang wala. Baka busy lang siya sa labas. At ang tungkol naman kay Jazz ay busy sa resort nila pero minsan pinapatawag siya dito sa Manila kaya wala na siyang oras.

"Anong emergency ba 'yon?" Tanong ko sa kanila dahilan huminto sila sa tawanan. Yung totoo? Hindi nila namalayan nandito na ko?

"Nandito ka na pala, Delvin." Sabi ni Kent.

"Ano ba kasi yung emergency? Kung walang emergency aalis na ko."

"Teka teka. Huwag kang umalis. May emergency nga talaga."

"Ano ba kasi 'yon?"

"Tungkol sa huling misyon na binigay namin sayo."

Kumunot ang noo ko. "Ano meron? Ginawa ko namang tama ang misyon kaya malabong pumalpak ako."

"Actually, nagkamali ka nga kinuhang dokumento."

"What?! Paanong nangyari 'yon? Tiningnan ko muna bago ko kinuha yung dokumento."

Inabot sa akin ni Kent ang isang folder. "Mas mabuti pang tingnan mo ng maigi para alam mong nagsasabi ako ng totoo."

Kinuha ko na sa kanya ang folder at tiningnan ko na ang dokumento. "Paano nangyari ito? Ang alam ko tama ang kinuha ko."

"Wala bang ibang tao maliban sayo?" Tanong ni Yuuta sa akin.

Iniisip ko ang lahat na pangyayari habang nasa kalagitnaan ako ng misyon at doon ko naalala ang lahat. Shit! Habang nagmamadali akong umalis may isang tao ang bumangga sa akin.

"Habang nagmamadali ako may isang tao ang bumangga sa akin. Baka nadampot niya yung folder na kinuha ko."

"Or maybe he did it on purpose."

"What do you mean?"

Tumayo na siya sa kinauupuan niya. "Ayon sa sinabi nila dapat walang ibang tao doon pero may isang tao nakatago at hinihintay na may dumating. That means he planned it all of this."

Nautakan ako ng taong 'yon ah. Dapat makuha ko yung dokumento.

"Kung ganoon nga ang nangyari dapat makuha natin yung dokumento bago pa mahuli ang lahat."

"Iyon nga ang gagawin natin kaya pinapunta ka namin dito. Kailangan mo ulit kunin yung files at sa tulong ni Calvin."

"A-Ako?"

"Oo, ikaw pero huwag ka magaalala hindi ka lalabas ng head quarter. Si Delvin lang ang aaksyon.

"Ano matutulong ko sa misyon?"

Nilagay ni Kent ang laptop sa table at pinaharap sa amin. "Kung hindi ako nagkakamali ganito ang itsura ng lugar. Tama ba, Delvin?"

"Oo, ganyan na ganyan nga ang itsura noong lugar."

"Hmm..." Tumingin ako kay Calvin na abalang inoobserbahan ng maigi ang picture sa laptop. "Saan banda dito yung nabangga mo 'yong tao?"

"Sa tingin ko dito." Tinuro ko yung lugar.

"Kung dyan... Ibig sabihin pwede siya dito nagtago." Tinuro niya kung pwede nagtago ang taong nakabangga sa akin. "O dito. Iyan ang dalawang posibilidad pagtaguan niya."

"Masyadong obvious ang isang lugar. Dapat malalaman ko agad kung may tao o wala."

"For example, ninja siya."

"Ninja?" Nagtatakang tanong ni Damian.

"Oo, ninja."

"Wala namang ninja dito. Kaya paano mo nasabing ninja yung kumuha ng dokumento kay Delvin?"

"Example lang naman. Pwede rin na isang assassin."

"Assassin?" Di ako makapaniwala sa narinig. "Pwede rin 'yang sinabi mo."

Kahit matagal na kong wala sa pagiging assassin, isa pa rin akong professional assassin. Tsk, humanda sa akin kung sino man ang kumuha ng dokumento na 'yon sa akin. Maling tao ang binangga niya.

"Bakit niyo naman naisip na isang assassin ang gagawa nito? At anong pakay nila kung bakit sila interesado rin sa dokumento na hinahanap natin?" Sunod-sunod na tanong ni Damian.

"Wala akong ideya kung ano ang pakay nila." Sabi naman ni Calvin.

"Dahil ang dokumento na hinahanap natin ay matagal na nilang hinahanap." Sagot ko.

"Huh? Paano mo nalaman na hinahanap rin nila ang dokumento?" Tanong ni Yuuta.

"May dapat ba kami malaman?" Tanong naman ni Clark.

Napatingin ako sa kanilang lahat dahil nakatingin sila sa akin. Wala nga pala silang ideya na dati akong assassin bago pa nila ako nakilala.

"Dunno. Guess, maybe?"

Mas mabuti pang wala silang ideya na dati akong assassin dahil ayaw kong mapahamak ang mga kaibigan ko.

Hate To Love YouWhere stories live. Discover now