Simula

7.7K 159 48
                                    

Simula

Khalid

"Cheers," Armani 'nataguan ko ng anak' Reino De Alba said while holding his glass of whiskey. Nang balingan ko ay nakangisi ang gago kaya napatuwid ako ng upo.

"Hindi ko alam kung nakikiramay ka ba talaga sa nangyari sa marriage ko o nagsi-celebrate kang gago ka," asik ko bago inuntog ang sarili kong baso sa baso niya.

Armani chuckled softly before taking a sip on his glass. "Of course I empathize with you, but I also celebrate what happened."

My brow shot up. "Paki-rephrase bago kita masuntok, Governor."

"Relax, we're celebrating."

"Puta, ano akala mo sa annulments ko? Birthdays?"

He laughed. "Well, with Miles cheating on you, hindi ba dapat magpasalamat ka pa? You said it yourself. Wala na siyang ibang ginawa kun'di awayin ka sa mga simpleng bagay. Your marriage is so toxic. Ni umuwi rito sa Pilipinas hindi mo magawa sa nakalipas na walong taon dahil isa rin siya sa naging dahilan. Now that you're annulled, mababawasan ka na ng sakit ng ulo." Ngumuso siya. "Mga anak na lang namin ni Abram poproblemahin mo."

Naihilamos ko ang aking palad sa mukha saka ko tinitigan ang nakalutang na yelo sa alak. I didn't really love Miles, though. I just married her because it was convenient for us. We both came from failed marriages and we thought we're destined to be together because we fucked up our relationships. To make it simple, we only got married because we're lonely. . . and we enjoy hard sex.

Hindi na dapat ako nagulat na sa ganito rin humantong 'to. Una pa lang naman may mga pagkakataon nang nabubwisit ako dahil ayaw na ayaw niyang inuuna ko sina Anie. Iyon naman ang palagi naming pinag-aawayan. Ang mga anak ni Armani. Tumigil lang ang pang-aaway niya sa akin dahil sa mga bata noong nag-stay na kami sa Washington para sa career ko bilang MMA fighter. 

"Kakausapin na siguro ako ng panganay mo ngayon? Annulled na kami ni Miles," I said before gesturing my hand to tell the bartender to pour my glass some more whiskey.

"Maybe. Malaki pa rin ang tampo but I guess she'll talk to you now."

I sighed. Nagtampo si Anie sa akin dahil hindi talaga ako makauwi sa loob ng walong taon. Ewan. Na-spoil ko rin siguro masyado dahil isang sabi lamang niya noon, kahit ano pa ang ginagawa ko ay dumarating ako. Noong unang beses niyang nag-birthday na hindi ako nakauwi, Anie blocked me in all of her socials. Tumanggi na ring makipag-usap sa akin kahit si Atreus o Areisso ang tinatawagan ko.

Armani held me by my shoulder. "Abram chatted me just now. May irereto sa'yo. School teacher sa Laguna. Mahinhin, matalino--"

"Pass."

"But she's ready to settle down--"

"I said I'll pass, Armani." Tinungga ko ang baso at pinunasan ang mantsa ng alak sa mga labi ko pagtapos. "I'm done, alright?" I smirked. "Kung kaya n'yo ko inirereto ay dahil natatakot kayong dalawang aagawan ko kayo ng asawa, calm your fucking tits, mate. I have no plans to steal your wives. Masyado kayong threatened sa pagiging single ko."

He sighed. "No, man. We just wanna see you with someone, too. 'Yong pangmatagalan na talaga."

I scoffed. "At gaano naman kayo kasigurado na 'yang mga irereto n'yo, tatagal nga talaga?" I sighed and just touched the edge of my glass with my index finger. "I'm done, Armani. Tanggap ko nang hindi ko mararanasan kung anong nararanasan ng mga kapamilya ko."

It isn't just about having someone to be with anymore. Kahit naman hindi ko aminin, malaki ang epekto sa akin ng dalawang marriage ko. It's not easy to throw yourself out there only to see your marriage fall in the end. Kasalanan ko rin siguro. My idea of love is too good that either I'll have what my family has, or I'll just settle with someone I have no ounce of feelings for. 

DUCANI LEGACY SERIES 8: Khalid (Exclusively Available In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon