Kabanata 10

4K 35 7
                                    

Kabanata 10

Anie

I put on some more make up on my face but made sure it was only enough to make me look mature. Nakumbinsi ko si Khalid na samahan akong panoorin ang movie na matagal ko nang hinihintay. Hindi man ito date para sa kanya, well, sa akin ay oo kaya kinikilig na naman ako.

Me and my delusions. Nakakatawa, but I can't help it.

I heard a couple of knocks on the door. "Mi flor? Are you done? Baka ma-traffic tayo."

Inilapag ko ang brush sa dresser. "I'm done!"

Tumayo ako at pinasadahan pang muli ng tingin ang sarili. I'm only wearing a simple khaki dress. May maliit na manggas at tama lang ang baba ng neckline. Hanggang ankles ang haba ngunit mayroong slit. I paired it with a simple white shoes and a sling bag he gifted to me the other day. Suot ko rin ang regalo nitang kwintas na pagkamahal-mahal.

Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Khalid na kausap ang daddy ko sa phone. Mukhang nanghihingi ng update ang tatay ko kung totoo ngang walang dumadalaw sa akin para manligaw.

"Don't worry. I won't let anyone make her fall in love this early," paninigurado ni Khalid kay Daddy.

I smirked. Oh, really? Kung alam lang ni Daddy na kausap na niya ngayon ang nagpapatibok sa aking puso, baka may bugbugan na namang mangyari.

Khalid turned to me and paused a little as he scanned me from head to toe. Umikot pa ako at nag-pose habang nakangiti kaya nakita ko ang paglunok niya bago inalis ang tingin sa akin.

"Yeah. Don't worry about mi flor. I gotta go. Huwag mo na kong tatawagan ngayong araw. Ikaw ang may pinakamaraming record sa call logs ko, Armani."

Pinatayan niya ng tawag si Daddy. Maya-maya ay humugot siya ng hininga bago bumaling sa akin.

"Sometimes I wonder if your Dad is really a politician. Parang ang daming oras tumawag," aniya.

Ngumisi ako at tinawid ang aming pagitan. I made him look up so I can fix the collar of his black polo. Inayos ko rin ang pagkakatiklop ng manggas hanggang sa kanyang mga siko, at habang ginagawa ko iyon ay naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin.

I looked into his wild eyes and let myself get lost for a moment. At sa mga pagkakataong ganito, natatanong ko na lamang ang sarili ko kung bakit hindi ako ipinanganak nang mas maaga.

He pinched the tip of my nose. "Do you really wanna see that movie, hmm?"

Mahina kong pinalo ang kanyang dibdib. "Let's go."

Nauna na akong bumaba ng hagdan. Bumuntot naman siya sa akin, ngunit habang pababa kami ay tinawag niya ako.

"Mi flor."

I looked over my shoulder, only to see him burying his palm in his pocket while he's holding his phone in his other hand. Pagkatingin ko sa kanya ay kinuhanan niya ako ng larawan saka siya ngumisi.

"Sorry. You look really pretty in that dress," puri niya.

Uminit ang aking pisngi kaya bago pa man niya nakita ay tumalikod na akong muli. Nagwawala na naman ang dibdib ko, at kung makikita niya ang reaksyon ko ngayon ay baka mahalata na talaga ako.

I waited for him outside. Ipinagbukas niya ako ng pinto at pinapasok. Pinanood ko naman siyang umikot patungo sa driver side. Nang makapasok siya ay tahimik ko na lamang na pinagmasdan.

We went to the nearest mall and bought our tickets. Dahil may thirty minutes pa kami ay niyaya niya akong bumili ng snacks.

"Do you want popcorns?" he asked.

"Can we have ice cream instead? 'Yong naka-jar."

"Of course." Inakbayan niya ako. "Let's go buy some."

Bumaba kami sa first floor ng mall at hinanap ang shop ng ice cream. Sakto namang mayroong promo, at nang makita ko ang requirements para makakuha ng free tub ng new flavor ay kaagad akong lumingkis sa braso niya.

"Daddy, look! They'll give away free ice cream to couples!"

He looked at the signage then turned to me with a wrinkled forehead. "Mi flor, we're not a couple."

Sumimangot ako. "Then let's pretend to be one!"

Nagkamot siya ng batok bago bumuntonghininga. "You know I can buy you the whole ice cream company, right?"

"Eh, hindi naman 'yon eh! I wanna try their new flavor now!" I dragged him towards the booth. "Hi! We're a couple, too!"

Tiningnan kami ng photographer saka siya ngumiti. "Sige, Ma'am next kayo. Paki-fill out na lang ang form."

Ramdam ko ang kagustuhan ni Khalid na umapela ngunit hindi ko na binigyan pa ng pagkakataon. I filled out the form, even hypenated my last name with his before I gave it to the staff.

"Here!"

Binasa iyon ng staff. "Kasal na kayo, Ma'am?"

I grinned. "Soon!" Tumingin ako kay Khalid. "'Di ba?"

He sighed. "Yeah."

Kinagat ko ang ibaba kong labi upang magpigil ng kilig. Nakakainis naman! Aliw na aliw ako sa sarili kong kagagahan!

"Sige ho, Ma'am dito na tayo. Sir, upo ka rito sa stool tapos kandungin mo si Ma'am," the staff instructed.

Wala nang nagawa si Khalid kun'di ang sundin ang sinabi ng staff. Pigil na pigil ko naman ang kilig ko dahil sa mga pose namin. We were so intimate while holding the ice cream cones as if we're doing a pre-nup. May mga kuha na nakatitig kami sa isa't isa. Mayroon ding nakuhanang bumaba ang tingin namin sa mga labi ng isa't isa. Iyon namang huli ay kuha na hinalikan niya ang aking sintido habang nakangiti ako.

"Can I have my copies?" excited kong tanong sa staff.

"Sige, Ma'am pahintay na lang."

I jerked my head and looked at Khalid after the staff left. "See? We have free ice creams and some new photos together!"

He sighed. "Huwag mo lang ipapakita sa Daddy Armani mo 'yan. Baka isipin hindi na anak ang tingin ko sa'yo."

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ngunit pinili kong itago ang epekto sa akin ng kanyang sinabi. I swallowed the lump forming in my throat and then forced a smile while clinging onto his arm.

"Bakit naman niya iisipin 'yon? Would you . . . ever like me romantically?"

Tumingin siya sa akin at iniigting ang panga. "No, mi flor. I will never see you as someone I'd take to bed."

I blinked as the pain begin to crush my heart. "B-Bakit . . . gano'n naman kaagad? Hindi ba pwedeng . . . mahal mo lang romantically?"

Khalid sighed then looked away. "I love fiercely, wildly, mi flor. I worship my woman in every way possible. That includes pleasuring her in bed and making her lose her mind because of my touch." He stared at me coldly. "I can't do that to you . . ."

I smirked in a bitter way. "Why? Because I'm too young for you or because you still see me as the little girl you had to father back then?"

"Mi flor, you know what I mean."

Inirapan ko siya't hindi na naitago pa ang emosyon, at kahit anong tawag niya sa akin ay hindi ko na pinansin pa.

My fists clenched. I will do everything to erase that young Anie in his mind.

No matter what it might take . . .

🎉 Tapos mo nang basahin ang DUCANI LEGACY SERIES 8: Khalid (Exclusively Available In The VIP Group) 🎉
DUCANI LEGACY SERIES 8: Khalid (Exclusively Available In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon