PROLOGUE

5.4K 105 5
                                    


INIHILIG niya ang bisikleta sa matandang puno ng narra at tiningala ang bahay na iyon sa burol. Iyon na marahil ang pinakamatandang bahay sa bayang magkasunod, ang San Ignacio at Esperanza.

Nakatayo ang bahay-Kastila sa dalawang bayan. Subalit sa tantiya niya ay mas nasa bahagi ito ng Esperanza. Dahil ang burol, ayon sa mga taga-San Ignacio, ay bayan na ng Esperanza. Nagkataon lang na ang malakingbahagi ng lupaing nasasakupan ng may-ari ng bahay-Kastila ay sakop ng San Ignacio.

Ang sabi ng Lola Benita niya ay naroon na ang bahay na iyon hindi pa man ito ipinapanganak.

Her grandaunt was sixty-three years old. Samakatuwid ay maaaring isandaang taon nang mahigit na nakatayo ang bahay na iyon sa burol. Ayon sa mga bali-balita ay nasa ibang bansa ang nagmamay-ari ng bahay. Isang napakayamang negosyante na hindi na napag-uukulan ang iniwang propiedad.

Ayon din kay Lola Benita ay ang huling natatandaan nitong may nakatira roon ay noong bata pa ito. Ibig sabihin ay matagal nang bakante ang bahay na iyon sa napakatagal na panahon. Hindi daanan ng tao ang lugar na iyon dahil pribado ang madamo at magrabang daan patungo sa bahay-Kastila sa burol. Ang magkabilang bahagi ng daan ay dawag at siit, makakapal at nagtatayugang talahib, at mga punong sintanda na rin ng bahay na iyon.

She liked old houses. They had character. At kalimitan ang ganoong matatandang bahay ay may mga itinatagong kuwento ng mga taong namuhay sa nakalipas na mga henerasyon. At gusto niya ang kuwentong naririnig at nababasa niya tungkol sa panahong kay tagal nanglumipas. Lalung-lalo na ng mga kasaysayan ng pag-ibig.

Iyon marahil ang dahilan kung kaya hindi niya maiwasan ang maintriga sa bahay-Kastila na iyon sa ituktok ng burol. Napakaraming kuwento ang bahay na iyon na kalimitan ay pawang katatakutan. Subalit hindi siya naniniwala roon. Kung totoong haunted house ang bahay-Kastila, disin sana'y hindi niya natatanaw ang isang lalaking nakasumbrero sa tuwing nasa dagat siya at napapatingala roon.

Walang kapitbahay ang bahay na iyon sa burol. Dahil ang ekta-ektaryang lupain na nakapaligid ay pag-aari din ng nagmamay-ari ng bahay.

Sa tuwing gusto niyang maligo sa dagat ay hindi niya alintana ang mamaybay ng mahabang oras sa paikot na dalampasigan hanggang sa marating niya ang lugar kung saan natatanaw niya ang bahay-Kastila. Hindi niya maipaliwanag ang atraksiyon niyon sa kanya gayong ang karamihan sa mga classmates niya'y kinikilabutan at sinasaway siya sa tuwing sinasabi niyang gusto niyang puntahan ang bahay na iyon.

Mula sa dagat ay itaas na bahagi lang ng ikalawang palapag at bubong lang ang natatanaw niya. Ngayong nagkaroon siya nglakas ng loob na magtungo roon ay nahantad sa kanya ang kabuuan niyon. Ang bubong niyon ay tisa. Yari ang bahay sa bato at kahoy. May malalaking bintana na karaniwan na sa mga lumang bahay.

Bagaman walang pintura ang bahay, ang picket fence na nakapaikot doon ay napipinturahan ng puti. Mula sa kinatatayuan niya ay matatanaw rin ang mga halamang nakapalibot doon.

Prominente na ang dalawang puno ng kalachuchi sa magkabilang dulo ng bakod na may bulaklak na puti at rosas. Sa anyo ng mga puno ay hindi mahirap sabihing sintanda na rin iyon ng bahay. Sa pagitan ng mga kalachuchi ay makakapal na bougainvillea na ang mga dahon ay humahalik na sa lupa sa katandaan. Bagaman hindi bago ang pintura ng bakod ay hindi rin naman iyon masasabing nababakbak na. Kaya naman ipinagtataka niya ang usap-usapang haunted ang bahay-Kastilang iyon.

Sa pagkakaalam niya sa mga haunted house ay lumang-luma at sira-sira at inaagiw na. But not the house on the hill. Tila laging sariwa at namamantining mabuti ang mga halamanan.

Ito ang unang pagkakataon na nagkalakas siya ng loob na panhikin ang hagdanang bato na nakabaon sa lupa patungo sa bahay. Hindi siyamatapang pero hindi rin naman siya duwag. She started climbing the stone steps. Binibilang niya ang mga batong apakan habang pumapanhik siya. She stopped counting at thirty-five. At humihingal na rin siya nang makarating sa itaas.

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon