KINABUKASAN ng umaga'y una niyang pinuntahan ang opisina ng lokal na kompanya ng kuryente. Nagulat pa siya nang madatnan doon si Keith.
"Mommy, iyon ang friend mo, 'di ba?"
"Yes, sweetheart. It's Keith. I wonder what he is doing here?" Huminto siya sa paghakbang at akmang lalabas pabalik. Hindi niya gustong magkita silang muli pagkatapos kagabi. Sa halos buong magdamag, sa kabila ng pagod niya sabiyahe, ay ito ang laman ng isip niya.
Subalit kumawala si Sherie sa pagkakahawak sa kamay niya at tumakbo palapit dito. "Keith!" sigaw ng bata.
That got Keith's attention and turned. At first he looked surprised, then broad smile lit his face as he stared at Sherie, then at her, and back to Sherie. Sinalubong nito ang bata at kinarga at itinaas. Her daughter shrieked in delight.
"My god, you're so pretty in the daylight!"
"Mommy said I am always pretty. We look alike."
Ibinaba nito ang bata at nilingon siya. There was that familiar tender smile on his lips as his eyes met hers. "Yes, sweetheart. Lovely. The both of you."
With her heart pounding on her chest she walked towards him. "Ano ang ginagawa mo rito, Keith?"
"Hello to you, too," he said, smiling wryly. "I had a goodnight's sleep. At natitiyak kong ganoon ka rin, considering the dark shadows under your eyes," he said, his tone challenging her to deny what he was insinuating.
She ignored that. "Please put my daughter down, Keith. May kakausapin ako sa loob tungkol sa kuryente sa villa."
He sighed. "I was here early. Inayos ko na ang pagpapakabit ng kuryente sa bahay sa burol at—"
She gaped at him. "You what?"
"Narinig mo ako, Maddy. They're about to install electricity anytime today. They've checked the computers and yes, a certain Victor Montoya, III owned the property. At sa wari ay naunahan ako..." He grinned at her "...tayo, ni Mr. Montoya. A fax had arrived yesterday morning from Canada with the same request to install electricity."
She opened her mouth but closed it again when she couldn't find the words to say. Lalo nang lumawak ang kalituhan sa isip niya.
"W-who is this Victor Montoya, Keith?"
"Hindi mo siya kilala?"
Naguguluhang umiling siya. Gusto niyang sabihin ditong ang matandang lalaking nagbigay ng calling card at ng sulat ng pagpapahintulot sa kanya ay nitong nakalipas na dalawang linggo lang niya nakilala. Minsan lang niyang nakatagpo.
"Ipinagbibili ang propiedad, Maddy. Tiyak na inihahanda ni Mr. Montoya ang mga bagay-bagay para sa sino mang magnanais tumingin sa property. And that would be me," may katiyakang sabi nito. "I will see to it. Anyway, baka ang makasasagot sa tanong mo ay ang hardinero. Natitiyak kong isa sa mga araw na ito'y pupunta sa bahay-Kastila si Mang Generoso."
She went still. Mang Generoso. Gene. Could it be that...
Her eyes flew to Keith's.
"What?" tanong nito, nagsasalubong ang mga kilay.
Sasabihin ba niya ang hinala niyang ang matandang lalaking nakatagpo niya sa McDonald's at si Mang Generoso ay maaaring iisa? Halos iisa ang pangalan. At natatandaan niyang pamilyar sa kanya ang matandang lalaki. Hindi nga lang niya matukoy.
Sa halip ay umiwas siya ng tingin at itinuon iyon sa empleyadong kausap ni Keith kanina. "W-wala na ba silang kailangan mula sa akin?"
"Sa palagay ko'y wala na. Ang pirma mo na lang marahil mamaya kapag naikabit na ang elektrisidad." Niyuko nito ang relo sa braso. "Come, you pretty ladies. I'll treat you to lunch."
BINABASA MO ANG
Sweetheart 17: Someone To Watch Over Me
RomanceMadeline was foolish to have accepted a job from a strange old man. Ang trabaho ay nasa bayang nilisan niya may limang taon na ang nakalipas at ipinangakong hindi na babalikan. As if being pulled by some invisible string, Madeline travelled south. A...