NAPATINGALA si Madeline. The man was wearing a hat. Kung may tali iyon patungo sa baba nito ay baka isipin niyang iyon marahil ang hitsura ng Stetson. Naka-white shirt ito at may suspenders. She almost raised a brow. Suspenders were something she seldom seen worn by men now a days. Or never at all.
But then this was an old man. Must be in his fifties. Kaya hindi na dapat pagtakhan ang buong kasuotan nito, pati na rin ang antiparangsuot sa mga mata ay tulad niyaong sa mga lalaki noong nineteen twenties or thirties.She looked around her. Napuna niyang wala nang bakanteng mesa. Nagkakagulo ang mga bata sa loob ng fast-food chain. It was a Saturday. Inaasahan nang mapupuno ang mga fast-food chains.
"Oh, sure." Itinuro niya ang silyang nasa tapat niya. Sa kanan niya ay si Sherie.
Both corners of the man's mouth wrinkled as it broke into a smile and murmured his thanks. Ibinaba nito ang tray na ang laman ay isang tasang kape at apple pie.
Up close, the man looked younger, kaysa sa edad na una niyang hinala rito. And he was good-looking despite his age. Napakunot-noo si Madeline. Somehow, parang may nakakahawig ang matandang lalaki.
Oh, well, maraming tao naman ang magkakahawig saan mang panig ng mundo.
"Hello..." Sherie said with a smile.
She frowned. Hindi si Sherie ang basta-basta bumabati at ngumingiti sa mga estranghero. Hindi niya miminsang sinasabi sa anak iyon at hindi naman siya nahihirapang sundin nito ang tagubilin dahil likas kay Sherie na hindi palabati sa mga hindi kakilala.
Lumapad pang lalo ang ngiti ng matandanglalaki. At kahit nakaantipara ito ay kitang-kita ni Madeline sa mga mata nito ang warmth para sa bata.
"Hello, too, little one. And aren't we pretty?"
Sherie giggled adding to Madeline's amazement.
Hindi matiyak ni Madeline kung paanong nangyari at ang sumunod na mga sandali ay nag-uusap na sila ng matandang lalaki na tila ba matagal na niya itong kakilala. They were talking of inconsequential things. Napuna rin niyang sa pag-uusap nila'y isinasali ng matandang lalaki sa usapan si Sherie. Na labis namang ikinatuwa ng anak niya.
"What's your name?" tanong ni Sherie.
"Oh, how remiss of me!" wika nito, may pagkaaliw sa tono. "My name's Gene."
Isang tango at alanganing ngiti lang ang isinagot ni Madeline. If the old man had expected her to give her name then he had a long wait. She could only hope he hadn't noticed her rudeness for not introducing herself. Pero siya ang taong hindi nakikipagkilala sa estranghero gaano man kapalakaibigan ang approach.
Pagkatapos ay nalaman niya mula rito na taga-Esperanza ito, ang bayan na kasunod ng San Ignacio. That made her relax a little. Iyon marahil ang dahilan kung bakit pamilyar anglalaki sa kanya. At kaya rin tiwala itong lapitan silang mag-ina at huntahin dahil siguro pamilyar din siya rito. Ang San Ignacio at Esperanza ay hindi nagkakalayo sa laki, parehong may tigwawalong baryo. Gayunman, ang San Ignacio ay kasunod ng Trinidad bilang sentro ng komersiyo sa mga karatig-probinsiya.
At dahil mas commercial town ang San Ignacio kaysa sa Esperanza ay malamang na nakikita siya nito noong araw. Ipinakikipag-usap ng matandang lalaki ang magkakasunod na bayan sa paraang tila ba kay tagal na nitong pinananabikan iyon.
"And you are bored with your job right now?"
he asked. The topic was shifted smoothly.
She blinked, disconcerted for a moment. "W-well... yes." Hindi niya matiyak kung paano napunta sa trabaho niya ang usapan. She couldn't remember talking about her job. Pagkatapos ay nakita niyang may dinukot sa bulsa ng polo shirt nito ang matandang lalaki at ibinigay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sweetheart 17: Someone To Watch Over Me
RomanceMadeline was foolish to have accepted a job from a strange old man. Ang trabaho ay nasa bayang nilisan niya may limang taon na ang nakalipas at ipinangakong hindi na babalikan. As if being pulled by some invisible string, Madeline travelled south. A...