CHAPTER THIRTEEN

2.6K 77 4
                                    

KEITH went still. "What... about her?" he asked, his voice dangerously calm.

"Madeline's back in town, buddy. Dumating siya kanina sa bahay nina Molly. May tatlong oras mahigit din silang nagbalitaan."

Sa isang mahabang sandali ay nakatitig lang siya sa kaibigan na tila ito tinubuan ng sungay. His heart started to pound against his chest. Flashes of Madeline's young face came to mind.

Sinikap niyang huwag mahalata sa tinig niya ang kakaibang interes. "Naroon... pa ba si Maddy sa bahay nina Molly?"

"Molly said she left around four this afternoon. Patungo raw sa Esperanza... said something like being offered a job in a radio station there."

"Radio station? You mean the VGM Broadcasting?"

"Must be. Nag-iisa lang naman ang radio station sa Esperanza, 'di ba?"

"Is it still operational? Mukhang matagal na yatang nagsara ang istasyong iyon, ah. Paanong doon siya magtatrabaho?"

Inabot nito ang supot ng pagkain ng pusa at pagkatapos ay iniabot din sa tindera ang bayad. "Search me. But Molly believes she's back for good. Pinigilan nilang mag-ina na dumoon muna sa kanila subalit tumanggi si Madeline. Maghahanap daw ng beach cottage sa Esperanza."

"Thanks for telling me, pare." Tuloy na siyang pumasok sa loob ng sasakyan at ilang sandali pa'y nasa daan na siya patungo sa botika.

Dumating sa San Ignacio si Madeline makalipas ang limang taon. Hindi niya alam ang iisipin. Ang gagawin. In a way, makabubuting sa ibang bayan ito magtungo at manirahan.

Tumiim ang mukha niya. Madeline had left five years ago. Hindi siya nito binigyan man lang ng pagkakataong magpasya para sa kanila. Marami nang nangyari sa buhay niya. At natitiyak niyang ganoon din ito. Walang kailangang gawin at isipin kundi tuluyang ibaon sa limot ang nakaraan. And whatever Madeline's reason for coming back wasn't his business anymore.

Itinabi niya sa gilid ng daan ang sasakyan at pagkatapos ay bumaba at tinungo ang botika. Iniabot niya ang reseta ng doktor sa pharmacist.

"Nagsisimula na ang summer. Mainit na, hindi ba?" said the woman on his left.

Iniisip niyang may ibang kausap ang babae, subalit nang lingunin niya'y wala nang tao sa kabilang bahagi nito. So she must be talking to him. Keith realized the woman was not from this town. Kahit sa kabila ng maraming mga dayo ay kilala niya ang halos lahat ng tagarito, if not by names, by their faces.

Ang nakita niya'y isang babaeng marahil ay nasa pagitan ng kuwarenta at singkuwenta ang edad. She was lovely despite the age. Naka-flyaway ang buhok na bahagya pang naka-tease. Itim at makislap na eyeliner ang nasa mga mata nito. She was wearing a red lipstick. Sa iba'y baka magmukhang masagwa ang kulay ng lipstick nito. Pero bumagay iyon sa babae atmarahil dahil sa kabuoang ayos nito.

She looked like a woman from the twenties. Kahit ang damit nito ay retro. Mula ulo hanggang paa ay lumang uso ang suot ng babae. Malapad ang collar ng damit at malaki ang sinturon para sa isang maliit na baywang. Her skirt flared down to the half of her legs.

It was as if she had stepped out from an old Tagalog movie he noticed his father had been watching lately. Carmen something was his father's favorite actress. Hindi siya magtataka kung may nakatagong camera sa kung saan at artista ang babae at isang eksena sa shooting ang nagaganap.

"Ako ho ba ang kinakausap ninyo?" he asked politely.

Her smile widened, and Keith had to admit the woman was really pretty in a different sort. "Oh, yes," sagot nito. "Nagsisimula na ang summer at mainit na. Kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong tumira sa isang lugar kung saan tila laging malamig."

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon