NAGPUPUYOS ang dibdib na tinungo niya ang pinagparadahan niya ng Chevy Camaro niya. Ni hindi niya binuksan ang pinto at humakbang na lamang papasok. Isinubo niya sa ignition ang susi at ilang sandali pa'y nasa daan na siya pauwi sa kanila. Ala-una na ng madaling-araw at kung maaari lang na huwag siyang umuwi ay gagawin niya.
Much as he despised Leticia and her son, he didn't want to worry his father totally. Nakitaniya ang sindak sa mga mata nito nang pumasok sa ER at makita ang duguang bulak na ginamit sa kanya.
Damn Leticia and her son to hell!
Totoong hindi sila mayaman kung ihahambing sa ilang mayayaman sa bayang iyon subalit nakaaangat sa buhay ang pamilya Montecillo at malakas ang negosyo ng papa niya. Pag-aari ng ama niya ang pinakamalaking poultry farm and supply store sa bayang iyon na may mga sangay sa Trinidad, San Ignacio, at Esperanza—na ang kasunod na bayan ay Candelaria.
Nang akusahan niya si Leticia na ang kabuhayan lamang ng papa nito ang gusto nito, isang nilalanggam na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.
"Dahling," she had said in a patronizing voice, her long fingernails grazed the skin on his throat. Sadya nitong idiniin iyon nang bahagya. "Hindi ko alam kong paano mo nasabi iyan gayong hindi naman kasingyaman ng mga Saavedra at deSalvo ang ama mo?"
Nagsindi ito ng sigarilyo at nagbuga ng manipis na usok sa mukha niya. Kung hindi siya nani-nigarilyo noong mga panahong iyon sa pagsisimula ng rebelyon niya ay baka naubo siya.
"But..." she said continued, "I will tell you asecret." Lumapit pa ito sa kanya at bumulong. "I love being the mayor's wife." Pumormal ito, nawala ang ngiti at biglang naningkit ang mga mata. "At titiyakin kong mananatili akong ganoon, ano man ang gawin mo!"
Nagmamay-ari ng isang malaking restaurant/videoke bar sa bayan ng Esperanza si Leticia at doon din ito nakilala ng ama. Nang makasal ang dalawa'y ipinamahala ni Leticia sa iba ang negosyo at ang bahay sa Esperanza. Ayon pa rin sa nakalap niyang balita'y dati itong Japayuki na nakaipon ng puhunan sa negosyo at nanayuhan sa Esperanza mula sa Maynila at doon nagtayo ng negosyo.
Walang sinuman sa bayan na iyon ang hindi nakakakilala sa pamilya Montecillo. Bukod sa ang pamilya nila ang isa sa pinakamatanda sa bayang iyon ay tuluy-tuloy na nanunungkulan bilang alkade ng San Ignacio si Juano Montecillo.
Lalong kilala rin si Juano Montecillo sa pagkakaroon ng anak na tulad niya. Hindi na niya maalala pa kung kailan nagsimulang itaguri sa kanya ang salitang "bad boy" ng bayang iyon. Ang tiyak niya'y nagsimula ang rebelyon niya nang pakasalan ng ama si Leticia.
Leticia was forty-two, or she had said so, when his father married her. Isa ring biyuda at siDante ay anak nito sa unang asawa. Mukhang Hapon si Dante kaya hindi mahirap hulaang anak ito ni Leticia sa isang Hapon. Natural ang pagiging brown ng buhok. At totoong magandang lalaki naman. Kung sinabi ni Leticia na artista ang anak nito noong ipinakikilala sa kanya ay paniniwalaan niya.
Leticia must have been very young when she'd gotten pregnant with Dante. Malibang mas matanda ito kaysa sa sinasabing edad nito. Masyadong pusturyusa si Leticia. Palaayos at ni hindi niya kinakitaang hindi naka-makeup kahit sa loob ng bahay. She was voluptuous and wore dresses one size smaller to emphasize her curves.
At laging gusto nitong sumama kay Juano sa lahat ng political affairs nito kahit hindi kinakailangan ang presensiya nito. May mga taong nag-iisip na baka tumakbo rin si Leticia sa pulitika o 'di kaya'y halinhan si Juano sa pagiging mayor sa sandaling kumandidato ito bilang gobernador.
Walang pakialam si Keith kung dinudulutan man niya ng kahihiyan ang ama sa mga rebelyon niya. Lihim siyang naghimagsik sa pag-aasawang muli nito. Hindi niya maintindihan ang uri ng babaeng inihalili nito sa namayapa niyang ina.
BINABASA MO ANG
Sweetheart 17: Someone To Watch Over Me
RomanceMadeline was foolish to have accepted a job from a strange old man. Ang trabaho ay nasa bayang nilisan niya may limang taon na ang nakalipas at ipinangakong hindi na babalikan. As if being pulled by some invisible string, Madeline travelled south. A...