Ch 48.5: Midnight

8 3 0
                                    

Densuki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Densuki

Namalayan ko nalang bigla na madaling araw na, ng napatingin ako sa orasang naka sabit sa pader ng Terris nila Jhayson, alas dose na pala hindi ko pa namamalayan. Lahat sila ay tulog na samantalang ako naman ay nandito sa terris nila mag isa, naka higa at hindi komportableng nanunuod ng pinikulang wala akong interest.

Kwento sakin ni Tita Lisa, kakabili lang daw nila ng tv, dahil bukod sa walang pag papatungan, ay malaki ang nasasagap na space ng Tv, buti nalang at naisipang mag linis ni Tita kaya agad silang naka hanap ng maayos na spot para sa mga furniture nila.

Buhay na buhay padin ang energy na dumadaloy sa buong katawan ko, wala akong magawa at wala din akong planong matulog ng ganitong oras. Kahit pa sinabi na sakin kanina... Kahapon ni Jhayson na matulog na ako ng maaga dahil nga doon sa kanyang imbistasyon.

Mag isa lang ako. Kagaya ng usual. Sanay na ako, pero kahit na ganito yung atmosphere, nakaka panibago padin sa pakiramdam dahil nandito ako sa lugar na hindi ako gaanong pamilyar.

Gusto ko sanang mag punta sa kwarto ni Jhayson para kumuwa ng libro don at mag basa-basa ng konti kaso, habang mahimbing siyang natutulog para hindi din ako mag isa, kaso... Ayokong i-risk na magising siya sa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na pag tulog.

At sigurado ako, sa sahig nanaman siya natutulog, para masolo ko nanaman yung kama, hindi ako papayag. Gusto ko siyang katabi, o kung ayaw niya talaga edi wag, dito ako tutulog sa sofa nila.

Natahimik ulit ako, at nag patuloy ang pinikula, hanggang sa may nakita akong isang artistang pamilyar ang muka, parang nakita ko na siya kaso hindi ko makumpirma dahil sa labo ng tv nila dahil sa antenna.

Hindi ko matandaan kung san ko siya nakita, ang tanda ko kasi habang nag lalakad ako pauwi galing sa mall ay may nakita akong parang mag shoshooting ng pinikula o teleserye. Baka siya yun. Pero bukod sa kanya ay meron ding isa pang artista eh. Baka don ko nga nakita.

Natahimik ako at pinag bigyan ko ang pinikula. Hindi ako interesado pero dahil nakita ko na sila eh bahala na... O baka napanuod ko na to dahil kay Samuel, na inimbitahan akong manuod noon... Tatlong beses lang ako sumama, tas ni libre pa niya ako, kaso nakatulog lang din naman ako.

Lumipas ang ilang minuto. Muli akong napa tingin sa orasan. 12:30 na pala. Agad na akong tumayo at tuluyan nang pinatay ang tv, tinatamad na ako. Pag patay ko ng tv ay
Naisipan kong sumilip sa bintana para makita ang atmosphere dito tuwing gabi. Ibang-iba samin na malapit sa plaza kung saan laging buhay sa gabi.

Walang katao-tao sa labas, at tangging ilaw lang ng poste, na medyo malayo sa kanila ang nakikita ko, visible din ang mga bitwin sa langit at ang buwan, na sobrang ganda.

Napa buntong hininga ako at naisipan kong tumambay muna dito, kukuwa na sana ako ng upuan kaso nagulat ako ng bigla kong nakita ang isang silhouette ng isang lalaki, pero si Jhayson lang pala yun na naka krus ang braso at tinititigan kung anong ginagawa ko.

A Lonely Man, Saved a Dying AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon