Ch 49: The Great Actor

9 3 0
                                    

Jhayson

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jhayson

Gaya ng pangako ko, at siguro para medyo ma relax na din yung utak ko sa tulong ng nature, nag punta kami ni Densuki sa usual spot namin, pero this time... Wala akong inaksayang oras. Kaylangan naming mapag usapan to habang fresh pa sa utak namin.

Kanina habang rolling ang credits, na ngayon ko lang nakita. At paulit-ulit na binubulong ang pangalang nakita namin ay may nabuo na agad theory sa utak ko.

Marco Jerome Perez as Dr. Frank Revolon

Muli kong kinuwa ang notes ko at nakita doon ang pangalang Marco, isa sa pangalang nakita ni Densuki na possibleng fake id ni Charles.

Ayon kay Densuki: "Merong fake ids sa kanyang wallet" na naka pangalan kila:

Jack= The so called Good boy persona.

Marco= hindi kami sure.
Marco Jerome Perez as Dr. Frank Revolon

Dagdag ko sa baba ng notes ko, buti nalang talaga nakapag dagdag ako ng notes, kaso ang isa pang problemang kaylabgan kong harapin ay si Uno, minsan ko nalang siya nakikita at sigurado ako walang siyang mood para dito lalo na't ang bigat ng kanyang problema.

Napa buntong hininga ako ar isinara ang notes ko, tumingin ako kay Densuki na hanggang ngayon ay binubulong-bulong padin ang kanyang pangalan.

"Mabilisang tanong... Siya ba ang nasa pinikula?" Walang pag dadalwang isip, agad siyang tumango. "May possibleng ebidensya ka bang pwedeng i punto na nag papatunay na siya ang nasa pinikula?" Muli, walang pag dadalwang isip agad siyang tumango.

"Hindi malabo, sobrang confident ko na siya ang taong nasa likod ng krimen. Sa itsura, pananalita at sa boses. Siya si Charles, si Jack, at si Marco... Tama ang theory mo... Nag tatago siya sa kanyang mga persona at mga pekeng id." Panguna niya, tumango ako at agad nilagyan ng confirmed sa baba.

Multiple persona disorder confirmed.

"Densuki..." Tawag ko sa kanya. "Possible din kaya na kaya siya nawawala tuwing Tuesday hanggang Thursday ay hindi siya nag tatago, sa mga kalapit na bayan... Possible kayang kaya siya napunta doon sa mga kalapit na bayan ay... Nag shoshooting siya ng pinikula?" Tumango siya at muling akong nag sulat sa notes.

"Ayan din ang nasa isip ko kanina, at hindi nga malabo." Tugon niya, muli nag sulat ako sa notes ko.

Sobrang tibay na ng ebidenya namin, walang butas. Kaylangan nalang talaga ng tulong ni Uno para ma finalized na ang plano sa 'operation huli sa most wanted' sigurado din akong hindi niya inaasahan ang mala plot twist sa sariling pinikula ng kriminal. Buti nalang inimbitahan ako ni Jazmine, ang laki ng ambag niya. Buti nalang may buyer ng libro, kaya ako nag ka pera pang bili ng ticket.

"Pag may extra kang oras Densuki may task akong ibibigay sayo... Kahit saglit lang." Tugon ko. Matibay na ang ebidensya, pero hanggang ngayon kaylangan ko pa din ng back up data, na possibleng mas mag patibay pa sa ebidensyang hawak namin. "Kung magagawa mo ay mag punta ka sa mga bilihan ng CD, DVD, o mga rentahan ng mga pinikula... Hanapin mo lang sa credits yung pangalan ni Marco, kahit hindi mo panuudin, tas i-lista mo ang title ng mga pinikulang pangalan niya sa credits. Mag punta ka kahit saan, sa mga mall, sa mga nag titinda ng piratang pinikula, ikaw bahala. Basta may pangalan niya." Agad siyang tumango at nag ayos ng kanyang buhok.

A Lonely Man, Saved a Dying AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon