Ch 55.5: Planning

8 3 0
                                    

Jhayson

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jhayson

As expected kahit sports event ang araw na to, hindi kami makaka iwas sa gulo. Dahil sa nangyari kahapon at apparently witness mula sa kabilang university naging kalaban nila Rei sa badminton, this week. Nag karoon ng aberya sa line up, disqualified by default si Rei dahil sa scandal at under monitoring din siya for acts in violence. At nakaka gulat na ako ay under investigation din kahit wala naman talaga akong ginagawa. Hindi naman ako kinakabahan dahil aware ako na wala akong ginawa. Tska, may ilan namang tindera mula sa food court na nag punta dito dahil may mga anak din silang dito nag aaral at pinaliwanag ang katotohanan.

Ligtas kami sa mas mabigat at malalim na gulo, total nag paliwanag naman si Rei patungkol sa issue nila ni Elma at kahit mukang wala silang interest sa issue ay naniwala sila sa side niya, dahil na din sa pagiging witness ko sa nangyari bago mag spark ang issue ay mabilis kaming nakalabas sa guidance office, kung saan nag aabang si Wesley at si Al. Hindi ko maipaliwanag pero biglang nag bago yung aura ni Rei, imbis na nalungkot sa nangyari, para pa siyang nag celebrate bilang champion sa isang mas malaking tournament.

Naka ngisi at mas naging masaya sa nangyari. Masaya ako na wala na si Elma na pahirap sa gawain niya, pero masaya ba ako dahil na guidance office kami na usually sa highschoolers lang nang yayari. Tska disqualified siya, sayang yung pagod at practice na ginawa nilang dalwa no Jazmine, buti nalang, pumayag ang fourth year graduating student na babaeng dating player ng badminton na makipag partner kay Jazmine para ipanalo ang pangalan ng Patriot, sa badminton. Pero kahit na ganun ang scenario sayang na sayang yung opportunity ni Rei na makapag taas ng tropeyo sa entablado.

Nag punta kami sa badminton court ng ma check ko ang oras, ilang minuto nalang ay mag uumpisa na ang match ni Jazmine. Naupo ako sa tabi ni Uno ng makarating kami doon, nag punta naman sa likod namin sila Wesley at Al kasama si Rei sa likod at nanuod nalang kami ng laban ng ibang school habang nag hihintay kay Jazmine. Nandon siya sa gilid, nag wawarm up kasama yung kasama niya, pansin ko na naninibago siya, pero sure ako kaya niya yun. Siya pa ba!

“Matanong ko nga lang!” biglang tugon ni Al na nakakuwa ng attention ng lahat. Napalingon kami ni Uno sa kanya at sabay ayos niya ng kanyang boses. “Anong nangyari kahapon? Bakit kayo mag kasama? Anong gulo ang nangyari?” tanong niya na para bang naiinis samin. Kung sabagay hindi ko nga naman sinabi sa kanila ang rason, basta-basta nalang kasing nag announce kaninang umaga sa speakers ng school na pinapatawag kami.

“Mamaya nyo na pag usapan yung patungkol don, dahil nag aalala sa inyo si Jazmine.” Bigla kaming napatingin kay Uno, kanina pa sila mag kasama dahil sumunod nga si Al at Wesley samin, hindi din naman makaalis si Uno dahil walang kasama si Jazmine, baka atakihin ng anxiety, lalo na’t disqualified pa si Rei sa laro. “I kwento nyo daw sa kanya ang lahat ng nangyari… maging ako ay walang idea sa nangyari kaya, Jhayson… alam kong mahilig kang mag basa ng kwento, ikaw ngayon ang mag kwento… transparency.” Napatingin ako kay Rei at tangging tango lang ang sinagot niya. Dodouble check ko sa kanya mamaya baka mali ang pag kakaintindi niya sakin. Ang tinutukoy ko ay yung nangyari samin ni Elma.

A Lonely Man, Saved a Dying AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon