Ch 58: The Headlines

12 3 0
                                    

Jhayson

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jhayson

"Hello?" Bati ko sa caller. "Kamusta na po si Densuki? Nasan siya, sorry kung nawala ako bigla, if possible po mag kita tayo sa presinto at doon ko ipapaliwanag ang side ko."

"Toy' kalma! Kalma!" Tugon niya. Naka ramdam ako ng dalwang tapik sa balikat ko kaso hindi ko muna yun pinansin, natigil sa pag lalakad si Charles ng tanongin siya ng isang pulis, nag request din siya na takloban ang kanyang muka na agad namang tinakloban ng pulis. "Ayos na yung babae, isinugod namin sa hospital at nag inspection ang pulis, nalaman nila na ito nga ang kwarto ni Densuki, isa daw sa biktima ng most wanted at on the way na daw sila papunta sa bahay ng suspect." Tugon ng lakaki sa kabilang linya. "Kilala ka ng ilang pulis, at sabi nila ay kilala ka nga daw nila... Kaya wala nang problem."

Napa buntong hininga ako at may bigla namang bumungo sa balikat ko, napa tingin ako sa isang matandang lalaking sumugod papunta sa direksyon ni Charles. Kilala ko kung sino siya. "Ganun po ba? Sige po maramang-maraming salamat po sa tulong ninyo! Sobrang laking biyaya ninyo sakin."

"Walang ano man toy, sige inggat ka ha! Tetext ko nalang yung details ng kwarto ni Densuki... Sige... sige." Pinatay niya ang tawag at natulala ako habang nakatitig sa lolo niya na kinakausap ang isang pulis.

"Pakiusap! Pakawalan ninyo ang apo ko! Wala siyang ginagawang masama!" Pag mamakaawa nito. "Peke ang balita na isinasampa laban sa kanya! Maniwala kayo! Isang anghel ang apo ko!" Dagdag niya.

"Jhayson!" Nagising ako sa realidad ng makinig ang isang pamilyar na boses, lumingon ako sa likod at nakita ko ang gulat na gulat na muka ni Jazmine. "Anong ginagawa mo dito?" Kumuwa siya ng panyo at pinunasan ang pawis ko sa noo. "Bakit kasama ninyo ni Uno ang mga pulis? Anong nangyayari? Bakit inaresto nila si Marco?" Sabay turo sa kriminal na kinakausap ang kanyang lolo. Lumapit naman samin si Uno at nag katinginan lang sila ni Jazmine.

"Jazmine, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Ako dapat ang nag tatanong sainyo! Anong ginagawa nyo dito?" Tanong niya samin. Tumingin sakin si Uno, at gets ko agad ang pinupunto niya. Privacy pa din, got it.

"Jazmine, taga dito ka?" Tanong ni Uno at tumango lang si Jazmine. "Kung ganun... Umuwi kana, ayokong madamay ka pa... Wag na wag mong sasabihin kahit kanino to." Bulong ni Uno sa kanya, nag katinginan naman kaming dalwa at tumango lang ako.

Napa bitaw siya sa balikat ko at kinuwa ang bag na nalaglag sa sahig at nag aalalang nag lakad palayo samin. Lumingon-lingon pa siya pero ng makalayo siya ay agad kaming lumapit kay Charles at sa mga pulis na pinag kaguluhan na ng mga tao.

"Nasan yung sinasabi mong Theo Gyle? Sabihin mo!" Tanong ng pulis. Yumuko lang siya at ramdam ko na masyado siyang na prepressure. Hindi ko a alam kung maalam bang mag basa ng utak si Uno pero agad niyang pinatahimik ang mga taong naka palibot samin, tinapik niya ang kanyang Tito sa balikat at agad naman siyang pinatayo ng tito niya na nag posas ng isang kamay na naka posas naman sa kanyang posas upang hindi siya maka takas.

A Lonely Man, Saved a Dying AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon