Chapter three
"Pwede ba? Wag mo na ako sundan." Malamig na sabi sakin ng gwapong katabi ko. Choosy naman neto! Pasalamat nga siya gusto ko pa siya ihatid ee. Nagmamaganda loob lang naman ako.
"Arte mo! Ihahatid nanga kita ee. Saka tatlong bahay lang naman pagitan ng bahay naten" Pairap na sabi ko nalang sakanya. Tignan mo'tong lalaking 'to! Parang hindi nabugbug. Wala derederetso lang siya mag-lakad na akala mo kung sinong hari ng daan. Lagpas kasi ng tatlong bahay sa amin yung bahay nila. Pero eto kahit lagpas na yung bahay namin, ako naman si sunod..eh kasi natatakot lang naman ako, baka balikan kasi siya nung mga masasamang tao na
"Di kita kailangan." Sabi niya sabay lingon sa akin. Bigla naman akong napayuko. Napangiti ako ng malungkot, akalain mo nga naman oh. Di manlang ako lubayan ng mga salitang yan. Lagi ko nalang naririnig yan. Lagi nalang akong.....hindi kailangan.
Nag angat ako ng mukha at nakita kong nakatingin padin siya sa akin. Ngumiti naman ako at umiwas ng tingin. Pag lingon ko sa gilid namin saka ko lang anrealize na nasa tapat na pala kami ng bahay nila.
"Oh ayan na pala ee. Sige una na ako huh! Basta bukas okay? Bye!" Sabi ko nalang sakanya ng nakangiti ng sobra bago kumaway at tumalikod pauwi sa amin.
Nang makarating naman ako sa harap ng bahay namin, binuksan ko ang maliit na gate namin at pumasok. Napabuntong-hininga naman ako ng malalim ng makita kong nasara nanaman yung pinto namin. Hays Cha, dating gawi nanaman.
Kinuha ko yung lagi kong nakatabing lumang malaking karton sa gilid ng bahay namin at yung kumot saka unan na lagi kong ginagamit kapag pinagsasarhan na ako ng pinto at hindi na makakapasok sa bahay namin. Buti nalang medyo maluwag dito sa labas namin, kiber nalang sa mga lalapang lamok sa akin.
Nang malatag ko naman na yung hihigaan ko, humiga na ako at sinumulang titigan ang napaka gandang kalangitan.
Mukhang mga bituin nanaman ang kasama ko sa gabing ito. Napangiti nalang ako. everytime na matutulog ako dito sa labas, i will always look up unto the sky and be mesmerize by the stars. Lagi ko nga naiisip, sobrang galing talaga ni God. He made the stars for us to realize that, in every darkness there is something precious in it.
——-
~Xander's Point of view~
Ang aga kong nagising. Nakakatangina lang. Ang aga aga kasi akong binulabog ng nanay ko para daw sabay sabay na kaming mag-almusal bago sila umalis para mag trabaho. Tss. Ka-cornyhan. Baket kailangan pa sabay sabay kakain kung puro sermon lang naman maririnig mo sa hapagkainan.
BINABASA MO ANG
Unwanted Angel
Spiritual"All you need is love...the only thing that I don't have..." |Short-story|