Chapter two.

266 9 2
                                    

Chapter two. 

"Aray!"  

"Pwedeng tumingin ka naman sa dinadaanan mo!?" 

"Ohh..sorry naman, chill kalang. Init-init naman ng ulo ng Xander-boy naten ee." Sabi ko sa huklubang nakabunggo ko, masayado kasi akong feeling todo takbo akala mo naman hinahabol ako ni kuyang gwapo. Ayan tuloy nabangga ko pa si kumag, napapala nga naman ng assuming. 

"Sa susunod kasi tignan mo yung dinadaanan mo." Sabi niya sabay walk-out. Minsan nga naisipi ko kung siya naba ang bagong walk-out king ngayon? Tuwing kausap ko kasi siya bigla bigla nalang ako winowalk-outan.  

Xander A.k.a Ang kapitbahay naming badboy. Patapon. Yan ang tingin ng lahat sakanya, bukod sa akin. Wala lang. Tingin ko kasi sakanya, sobrang gwapo niya ee kaya hindi siya patapon okay? May sobrang gwapo bang patapon? Wala naman diba? Yung mga tipong maglalaway ka sa katawan palang, paano na kaya kung pati mukha sinama mo pa? Edi namatay kana. So definitely HINDI SIYA PATAPON. Gets? 

Well..kidding aside. Pero hindi joke na gwapo siya ah. Para sakin kasi, hindi naman siya patapon ee, gusto lang niyang sayangin yung buhay niya..yun ang hindi ko maintindihan..bakit niya kaylangan sayangin yung buhay niya kung napapalibutan naman siya ng masayang pamilya at marangyang pamumuhay. Kung ikaw ang mabiyayaan ng ganyang pamumuhay? Gagawin mo pabang patapon ang buhay mo? Well..kung ako, siyempre hindi. Isang malaking HINDI. 

"HOY! GAG* IKAW YUNG HUMALIK SA GIRLFRIEND KO KAGABI DIBA?!" Sa sobrang pag-iisip ko napatitig na pala ako sa papalayong anyo ni Xander sa akin, kaya nagulat nalang ako ng biglang may isang lalaking sumigaw at humarang sakanya sa likod naman netong lalaking 'to may dalawa pa siyang kasama. Bigla naman akong kinabahan sa nakita ko, nangangamoy trouble si Kumag ee. 

"Yung girlfriend mo ang unang humalik sa akin." Malamig na sabi naman nito sa lalaking kausap niya. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit unti-unti akong humahakbang kung saan man sila nag-uusap, medyo malayo layo nadin kasi ang puwesto nila sa akin. 

"EH MAKAPAL NAMAN PALA ANG MUKHA NETO EE!!" Biglang sigaw nung lalaki sabay sapak kay Xander. Bigla naman akong napasigaw ng magsimula na silang magbasagan ng mukha, gusto ko saanang sumigaw na "Hoy! Mga ulupong! Ang gwapo ng binubugbog niya! Maawa naman kayo!" Kaso nakaka-shock yung pangyayare ee, nung una medyo nakakalaban pa sa kanila si Xander..pero ng bigla siyang mahawakan ng dalawang kasmaa ng lalaki kanina wala na siyang nagawa. 

Masayado na ata akong naawa sa kalagayan ni kumag kaya hindi ko na alam kung ano ang tumakbo sa utak ko at bigla nalang akong tumakbo sa kinaroroonan nila at hinarang ang katawan para sanggain ang suntok na muling matatamo ni Xander. 

"TAMA NA!!" Full force na sigaw ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung tapang ko pero bigla nalang akong napasigaw. Natigil naman ang kamao ng lalaki sa ere ng marinig at makita niya na ako.  

"Oh ano ka niya? Girlfriend? Hoy miss, wag kangang mangealam dito! Papatayin ko pa'tong kumag na'to!!!" Sigaw sa akin nung lalaki, pero wala na ata ako sa sarili kong pag-iisip ng makita ko ang bugbog saradong mukha ni Xander, napatulala nalang ako sakanya. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba yung mukha niyo o titigan nalang dahil takot akong baka masaktan ko siya sa gutso kong gawin.  

"ANO BA?! SABI NG TABI EE!" Sigaw ng lalaki sabay biglang hila sa akin at tulak palayo kay Xander. 

"Please..tama na! Maawa naman kayo!" Sigaw ko sa lalaki ng makita kong sasapakin nanaman niya si Xander. Bigla ulet akong tumakbo palapit sakanila..sobrang awang-awa na kasi talaga ako sa mukha ni Xander.

"OH AYAN! PASALAMAT KA HINDI KAMI PUMAPATOL SA BABAE! PERO WAG KANG PAKAMPANTE! DI PA TAYO TAPOS!" Sigaw nung lalaki sabay bitaw kay Xnader na nanghihina na, agad ko naman siyang sinalo..wala na akong pakialam sa sinasabi nung lalaki ang importante lang ngayon, magamot ko si Xander, grabe kasi yung bugbog sakanya.

"Okay kalang?" Bulong ko naman dito. Hindi niya na ako nakuhang sagutin kaya naman agad ko siyang inakay upang maupo sa malapit na pavement. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat kong gawin. Kapag nasa ganitong sitwasyon kapala matataranta ka. 

Nang nakaupo nasiya, wala na akong ibang maisip kundi ilabas ang panyo ko sa bulsa at punasan ang dumudugo niyang ilong at gilid ng labi, pati sa nuo may dugo din siya. 

"Ikaw naman kasi!! Ano ba anman kasing pinaggagawa mo sa buhay mo!?" Sermon ko sakanya habang pinupunasan yung bugbog saradong mukha niya. Etong lalaki na'to, sinasayang yung kgwapuhan ee. Nagpapabugbog lang. 

"Sinasayang mo na nga buhay mo pati ba naman mukha mo?! Maawa ka naman! Wala kana ba talagang gagawing matino?!" 

"Alam mo kasi, kung ako sayo inaayos ko nalang buhay ko. Wala namang problema ee, mnahal na mahal ka ng mga kapatid at magulang mo, tapos lahat pa ng gusto mo nakukuha mo. Ano pabang dahilan at ayaw mong magtino?! Tignan mo tuloy nangyayare sayo! Oh oh!" Sabi ko pa. Nagulat naman ako dahil hindi niya ako sinasagot, pagtingin ko naman sakanya ang kaniyang mapupungay na mata ang sumalabung sa akin, bigla naman akong napahinto ng mapagtanto kong nakatitig lang pala siya sa akin. 

"Oh? Ano tinititigtitig mo?!  Bukas nga sumama ka sakin ng magtino ka huh?!" Sabi ko nalang sakanya ng miwasan ang kahihiyan. 

"Bakit naman ako sasamaha sayo? Close ba tayo?" Malamig na tanong niya naman kaya napairap nalang ako sa kawalan. 

"Hindi. Pero utang mo sa akin ang buhay mo kaya sasama ka sakin bukas. Final nayun. No erase. Tapon susi." Sabi ko sakanya sabay diin ulet ng panyo ko sa may mukha niya. 

"Aray! Ano ba naman cha!!" Sigaw niya ng nasaktan siya. Nanlaki naman ang mga mata ko. 

Kilala niya ako? 

------------

A|N: May nagbabasa paba neto? Okay...wala. Haha. Pero mas trip ko talag story neto kaya eto muna yung gagawin ko. Pardon.  

Ps: Walang edit-edit. Huehue.

|ifitsmeanttobe|

Unwanted AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon