Chapter one.

637 13 3
                                    

Chapter one.

Pag-ibig. Ano ngaba ang meron sa salitang ito? Para kasi sa isang katulad ko..na pinagkaitan ng bagay na ito, hindi ko maipaliwanag. Ako kasi yung klase ng tao na hindi napapaligiran ng sinasabi nilang pagmamahal, ako yung klase ng tao na hindi binibigyan ng atensyon o kahit konting pansin manlang..ng mga taong 'mahal ko' kaya nung hindi ko pa siya naikilala..akala ko walang pagmamahal....pero dati yun. Dahil ngayon...wala man akong maramdaman sa mga taong nakapaligid sa akin ng pagmamahal...may isang tao naman akong nakilala, na sobrang pagmamahal ang ibinagay sa akin.

'Ano gusto mo bang makilala kung sino yung sinasabi ko?" Tanong ko sa isang estrangherong lalaki na nakita ko sa isang tagong parke malapit sa amin. Kanina pa ako nagsasalita dito pero parang wala naman akong kausap dahil puro tango lang ang sinasagot niya sa akin. Pero dahil pakiramdam ko kaylangan niya ng kausap ngayon...nilapitan ko siya. 

'Tss." Narinig kong bulong niya o kung ano man yung hinaing niya. 

"Bakit? Hindi kaba inlove?" Tanong ko nanaman sakanya. Naagaw kasi niya yung pansin ko kanina ng palayasain nanaman ako ng nanay ko sa bahay namin, mukha kasi siyang broken hearted kaya tinanong ko kaagad kung inlove ba siya. Yun kasi yung madalas kong unang sabihinn tuwing may nakikita akong nag-iisa. 

"Miss. Baliw kaba?" Tanong niya ng sawakas ay humarap na siya sa akin, bigla naman akong napanganga ng makita ko ang muukha niya. Grabe..

"Eh anak naman pala ng teteng kuya! Sa gwapo mong yan nag mumukmok kapa dito magisa? Ikaw ata baliw satin dito ee." Sabi ko sakanya habang umiiling-iling pa. Ang laki ng problema ni kuya! Gwapo naman, anong ine-emote niya dito? Tapos ako pa yung baliw? 

'You're weird." Sabi niya ng nakatingin sa akin na para bang ako ang pinaka-ewan na babae ma makausap niya. 

"Hoy! Hindi ako weird huh! Ikaw yun! Sa gwapo mong yan? Pinagmumukha mo pang broken hearted yung sarili mo dito? Siyempre, concern citizen lang ako! Nilapitan kita! Mukha ka kasing magpapakamatay ee!" Sabi ko sakanya. Eto si kuya oh!

"Eh ikaw naman yung weird dito, bigla kang lalapit sakin tapos magtatanong kung inlove ba ako, hindi nanga kita sinasagot, ikaw nalang kumakausap sa sarili mo." Sabi niya sakin na parang asar na asar siya sa presensya ko. 

"Grabe ka naman! Concern ngalang ako. Eh kasi naman, mukhang pinag-kaitan ka ng pag-ibig ee.".....katulad ko. Gusto ko sanang iduktong, kaso ayoko masabihan ni kuya na in the end, ako pa pala ang magdadrama dito. Saka! Masaya mabuhay noh!  Forget about negativities in life. 

"Tss..ang gulo naman kasi ng pasok mo. Tinanong mo ako kung inlove ako, ikaw naman sumagot. Baliw." Sabi niya sa akin ng nakatingin na parang weirdong weirdo siya ginawa ko. 

"Eh kasi nga! Mukha kang inlove kanina, na iniisip mo yung babaeng nagpapatibok ng chuba heart mo! Kaya yun yung sinabi ko..saka di lang naman ikaw yung tinanong ko ng tanong nayun noh! Madalas akong magtanong ng ganun kapag may nakikita akong nag-iisa, kaya huwag mong isipin na ikaw lang ang natanong ko ng ganun!" Paliwanag ko naman sakanya, tinignan lang naman niya ako ng parang isa akong malaking kalokohan. 

"You're so loud. Ang lakas ng boses mo. Tss." Sabi niya sakin. Ang taray naman ni kuya. 

"You're so masungit. Ang gwapo mo." Sabi ko sakanya habang tinataas baba ko pa yung kilay ko. Nakita ko naman siyang nagpipigil ng ngiti niya. "Yiiiee...ayaw pa ngumiti! Wag mo na pigilan!" Sabi ko pa sakanya. 

"Tss." Sabi niya nalang ulet. Kung bibilangin ko lang kung naka-ilang 'tss' siya siguro aabutin kami ng isang taon dito, simula kasi ng kinausap ko siya kanina puro 'tss' nalang yung lumabas sa bibig niya buti nga nag-improve dahi sumasagot na siya ngayon. 

Unwanted AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon